REID POV
Pagkaalis ni Haley ay ilang minuto pa muna kaming tahimik ni Harrem. Nanatili siyang nakatayo habang ako ay nakaupo. Nahihiya ako at naiilang dahil sa naabutan niyang scene. Gayunpaman may panghihinayang at tuwa ring akong naramdaman.
"Ehem. Alam ko ang lahat tungkol sa inyo ng kapatid ko." panimula niya na agad namang nakakuha ng atensyon ko. Tumingin ako sa kanya, pero hindi siya nakatingin sa akin. Nasa may pintuan ang paningin niya na para bang may nakikita siya mula roon.
"Nalaman ko lang ang tungkol sa inyo just a few weeks ago. I was studying abroad the same as Harrel, while Lee was left here in the Philippines, in short we are not together noong nangyari ang tungkol sa inyo." Nagsimula siyang magkwento, may munti pa itong ngiti sa mga labi. Sumulyap ito sa akin at tumango naman ako na para bang sinasabi kong 'Go on'
"Lee, you see she's a strong woman. She's obedient, she follows whatever our parents told her to do. When we were still children, Lee used to be the least favorite in the family. I admit, my father's favorite is me while my mother is Harrel's." bumuntong hininga siya saka unti unti ring naglaho ang mga ngiti sa labi niya. Nakaramdam naman ako ng awa para kay Haley. Sa pamilya namin hindi kami pinalaking ganyan.
"Marami na siyang pinagdaanang hirap Mr. Dela Vega. Naglayas siya 8 years ago and until now may sigalot pa rin sa pagitan niya at ng mga magulang at mga lolo't lola namin. Binuhay niyang mag-isa ang mga anak niyo. Hindi niya natapos ang pag-aaral niya. Hindi niya naabot ang pangarap niya. Nalayo siya sa amin sa loob ng walong taon. Naranasan niyang magtrabaho ng kung ano ano para lang makakain at may maipakain sa kambal." Huminto siya sa pagsasalita dahil nagsimulang mabasag ang kanyang boses. Ako ma'y nakakaramdan ng sobrang awa kay Haley. She doesn't deserve to experience all of this.
"Hindi ko alam kung paanong nakaya niyang maglayas to the point na wala siyang pakialam kung itakwil man siya ng mga magulang namin. Oo nga, sabihin na natin na anak niya ang dinadala. Sariling dugo't laman niya but because of what she did which is running away, she only proves how much she love your children. So please Mr. Dela Vega, I'm telling this to you not as a business tycoon, not as an investor of your company. I'm telling this to you as Haley's brother. Mahal na mahal ni Lee ang kambal kaya kung---."binitin niya ang sasabihin niya.
"What do you want to tell me?" hindi ko na napigilang itanong
"Kung may balak kang ipaglaban na makuha mo ang kambal mula sa pangangalaga ng kapatid ko, huwag mo nang ituloy." seryoso na ngayon ang mukha niya maging ang tono ng boses niya. Napatanga ako. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko pa naisip ang tungkol diyan. Dahil sa ganito kagulong sitwasyon hindi makakatulong ang pag-iisip tungkol doon. Isa pa nawala sa isip ko ang tungkol sa pangangalaga ng kambal.
"W-what?" hindi ko maisip kung ano ba ang dapat kong sasabin
"Mr. Dela Vega, hindi ko sinasabing wala kang karapatan sa mga anak niyo, ang sinasabi ko lang ay huwag mong ilayo at kunin sa kapatid ko ang kambal dahil hindi rin ako papayag kapag nangyari 'yon. Hindi ako mangingiming pabagsakin kayo, tama na ang hirap na tiniis ni Lee, I don't want her to get hurt anymore. Not because of you. Not this time."
"I-Im the father. Ako ang ama, at may karapatan ako sa mga anak namin."
"Of course you have, ang sinasabi ko ay kung anumang binabalak mong pagkuha sa kambal ay huwag mo nang ituloy." Makamandag ang mga salitang binitiwan niya
"S-sa tingin ko it's inappropriate na pagusapan ang tungkol sa bagay na yan wherein nasa ganito pa kaming sitwasyon. Siguro mas mabuting kami ni Haley ang mag-usap tungkol sa bagay na 'yon kapag natapos na ang problema."

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
AléatoireYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...