IKALABING TATLONG KABANATA

131 8 0
                                    

      REID POV

Anong nangyayari? Bakit imbes na kasama niya ang anak at mga kapatid ay nandoon siya nakasuot ng pang waitress na damit at nakatayo sa may buffet table?

"Son." tawag ni Dad. Sinenyasan niya akong pupunta na kami ng stage kaya naman tumayo na ako at sabay kaming naglakad paakyat ng stage.

Hindi ako makaramdam ng kaba na haharap ako sa madla at hindi rin ako makaramdam ng tuwa dahil ipapakilala na ako ni Dad as the new General Manager.  Okupadong okupado ang buong isip ko ng mga tanong, mga tanong na lahat konektado kay Haley. Para akong naglalakad na robot. Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Nagtatrabaho si Haley? Pero bakit? Bakit siya magtatrabaho kung mayaman naman siya?

Muli kong ibinalik ang tingin ko kay Haley. Balisa na siya at di na makatingin sa akin.

  Nakikita ko sa reaksyon ni Haley at ng mga kapatid nito na kapwa wala silang alam na andito ang isa't isa.

"Son." napalingon ako kay Dad ng sikuhin nito ng mahina ang braso ko. Saka ko pa lang namalayan na tapos na akong ipakilala ni Dad at oras na para magsalita naman ako. Inabot ko ang mikropono mula sa emcee at saka nagsalita.

"Good evening everyone, I'm Jareid Dela Vega the eldest and only son of the owner of the Dela Vega Group of Companies. I'm happy to serve our very own company and I'm willing to do what's best for the company." nakatitig lang ako kay Haley habang nagsasalita

Ngumiti ako saka ibinalik ang mikropono sa emcee at nagpalakpakan naman ang mga tao.

"That's my son." dad chuckled and tapped my shoulder

"Everyone enjoy the foods and the night!" huling sabi ni Dad. Noon ko lang inalis ang tingin ko mula kay Haley ng pababa na kami ng stage.

Nagsitayuan naman ang mga tao at kanya kanyang pumunta sa buffet table. Nagsimula na rin akong maglakad papuntang buffet table. Gusto kong kausapin si Haley. I want to know kung bakit siya biglaang nawala 7 years ago.

"Kuya, may magseserve sa table natin." paalala ni Alexis. Tama, sa table namin ay hindi na namin kailangang tumayo dahil ang mga waiters ang magseserve ng pagkain namin.

"I know, may kakausapin lang ako."

Tinanguan ko ang barkada na nandoon rin sa table namin.

"Balik ka agad bro." sabi pa ni Angelo.

"Bakla ka talaga." nakangiwing komento ni Jun.

"Never." napailing iling na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Hey dude, congrats." humarang sa daanan ko si Harrem. Nakangiti ito at may hawak na dalawang wine glass. Ibinigay nito sa akin ang isang baso ng wine.

Actually, ng magdecide akong magtrabaho na sa kompanya, ang gusto ni dad ay ako na agad ang papalit sa kanya sa pagiging presidente pero tumanggi ako, I don't want to be unfair to others. Gusto kong magsimula sa mababang pwesto muna. Pero pagiging Vice President ang ipinilit ni Dad kaya wala na akong nagawa pa.

"Thanks." uminom ako sa wine na binigay niya sa akin. Hindi naman ako kilala ng mga kapatid ni Haley bilang boyfriend niya instead kilala lang nila ako because they are also in a business world.

"Tito Hawem." lumapit kay Harrem ang batang babae, yung anak ni Haley.

"Baby Rain." malambing na sabi ni Harrem, ipinatong nito ang baso sa kalapit na table saka kinarga ang bata. Kahit kay Harrem ay may resemblance ang bata. She's truly a Villaruiz. So her name is Rain, cute. Pasimple akong lumingon sa pwesto ni Haley, nakita kong balisa na ito sa kinatatayuan. Anong nangyayari sa kanya? Nakita ko siyang naglakad paalis.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon