HALEY POV
"Attention everyone, attention." tawag ni ma'am Betris sa atensyon namin. Siya ang aming manager, kadalasan ay lagi siyang inuutusang bumisita sa iba pang branch ng restaurant kaya si Ma'am Lea ang laging in-charge sa amin since siya ang assistant manager. Isa pang bagay na napag-usapan namin ni kuya ay ang trabaho ko. Ang sabi niya ay itigil ko na raw ang pagtatrabaho ko, sabi pa niya bumalik na daw ako sa mansion but then I refused. Hindi ko pa sila kayang harapin, wala pa akong sapat na lakas na loob para harapin silang lahat.
Agad din kaming nagtipon tipon at naghintay sa iaanounce ng aming manager. Katatapos pa lang ng trabaho namin at kasalukuyan na kaming nag-aayos para sa pag-uwi ng ipagbigay alam ni Ma'am Lea na may iaanounce daw si Manager kaya huwag daw munang umuwi. At yung tungkol naman kay Ma'am Lea, hindi na niya ako pinapansin, which means na di na rin niya ako pinahihirapan.
"Ano kayang sasabihin ni Manager?" curious pero nakangiting tanong sa akin ni Av na sinagot ko ng pagkibit ng balikat. Isa pa 'tong si Av, simula nang magkausap sila ni Kuya Harrem ay laging nakangiti at panay ang sabi ng 'Ramdam kong siya na talaga friend. Hindi ka naman magagalit sa akin kapag naging kami diba? Hayy, inlove na ata ako.' Pero kung tatanungin niyo ako, bagay sila at hindi ako tututol kung magiging sila man.
"Mayro'n akong good news and bad news. Which one do you prefer to hear first?" masigla ang tono ng boses ng aming manager.
"Good news!" sagot naman naming lahat.
"Baka tataasan yung sweldo natin friend." ngiting ngiti si Av habang nagsasalita, kahit ako ay di ko napigilang mapangiti dahil sa isiping tataasan nga ang sweldo namin.
"Sana nga friend." saad ko naman habang nag eexpect
"The good news is next week sa anibersaryo ng Dela Vega Group of Company, tayo ang magcacatering!" malapad ang ngiti ni Ma'am, naghihiyawan ang mga katrabaho ko, samantalang ramdam ko naman ang pagkawala ng ngiti ko. Dela Vega Group of Company? Nabibingi lang ba ako o talagang 'yon ang sinabi ni Ma'am.
"Friend, Dela Vega Company, hindi ba pag-aari 'yon ng tatay ng kambal?" Av whispered.
"O-oo." rinig ko ang pamamalat ng boses ko. Tanging si Av lang ang nakakaalam na si Reid ang ama ng mga anak ko, kahit sila kuya ay walang ideya kung sino ang tatay ng kambal.
"A-ano na nga-ngayon ang gagawin mo?" punong puno ng pag-aalala ang boses ni Av. Alam niya kung ano ang mga pinagdaanan ko at anong mga naranasan ko. She was my home when I was lost. She was my friend when there's no one to comfort me. She really means a lot to me.
"Hi-hindi ko alam Av, a-ayaw kong m-malaman niya ang t-tungkol sa k-kambal. Hindi pa ako handang makita siya ulit. Baka k-kunin niya sa a-akin ang m-mga anak ko, o ka-kaya naman ireject niya y-yung mga bata. Oh gosh!" pakiramdam ko ay maiiyak na ako sa sobrang pag-aalala at frustrations.
"Don't worry tutulungan kita." she cheered me up.
"Ma'am!" Av calls our Managers attention by raising his right hand.
"Yes Ms. Calimbing?"
"Sa catering po pwede po bang di sumama si Haley?"
"Iyon nga ang bad news Ms. Calimbing. Bawal ang hindi sumama dahil malaking selebrasyon ang gaganapin kaya siguradong magiging busy ang lahat saka baka kulangin tayo sa tauhan. Another one, magaling pagdating sa pag entertain ng mga malalaking tao si Ms. Villaruiz, so I'm afraid I can't let you be absent Haley. If it is about the twins you can bring them if you want since there is a mini park on the place where the event will be held." mahaba niyang eksplanasyon na nakapagpahina ng mga tuhod ko. Kung hindi lang nakaalalay at nakahawak sa akin si Av, eh malamang sa malamang ay natumba na ako rito.
"Pero--" magsasalita pa sana si Av, pero agad na nagsalita rin si Manager.
"I'm sorry guys but this is a big event, napakahalaga nito sa mga Dela Vega and same matter to us dahil malaki ang ibabayad nila sa atin para lang pumayag na magcatering, so please guys I need your full cooperation." madamdaming litanya ni Manager.
Bagamat hindi kami masyadong close ay nababalitaan kong siya ang nagpapaaral sa tatlo niya pang kapatid na pawang nasa kolehiyo at highschool na. Siya rin ang sumusporta pagdating sa pinansiyal ng pagpapagamot ng kanyang ina.
"Yes manager." we said in chorus. Naiintindihan ko naman si Manager eh, problema ko 'to kaya kailangang masolusyunan ko ng di sila nadadamay.
"Salamat guys, pwede na kayong umuwi." paalam ng aming manager.
"Ayos ka lang ba friend?" nag-aalalang tanong ni Av. Naglalakad na kami palabas at ramdam ko pa rin ang kawalan ng lakas ng tuhod ko dahilan para patuloy sa pag-alalay sa akin si Av.
"Hindi eh, hindi ko masasabing ayos ako dahil sa mga nangyayari. Ano na ang gagawin ko ngayon Av?" nagsisimula ng mamuo ang luha ko sa aking dalawang mata. Awang awang tumingin sa akin si Av.
"Friend kung ang ikinatatakot mo ay ang magkita ang kambal at mga anak mo, alam mo naman siguro na kahit itago mo ng itago darating at darating ang panahon na magkikita at magkikita rin sila. Nakadepende ang lahat ng 'yon kay tadhana, tayong mga tao kaya nating baguhin ang kapalaran pero hindi ang tadhana. So friend ang kailangan mo nalang gawin ay ang mag-ipon ng lakas ng loob nang sa gayon, kung magkita man ang kambal at ang ama nila ay makakaya mo silang ipaglaban. Makakaya mong ipamukha kay Reid na nagawa mong palakihin ang mga anak niyo na ikaw lang mag-isa at hindi humihingi ng kahit na singkong duling mula sa isang manlolokong tulad niya." parang nabawasan ang bigat ng loob ko dahil sa sinabi ni Av.
"Thank you Av."
"Ano ka ba friend, para na kitang kapatid at nakita ko kung gaano ka naghirap para lang mapalaki ng maayos ang kambal. Basta lagi mo lang isipin na nandito lang ako lagi para sayo. Kahit yung kapalit ay tulungan mo nalang ako na mapalapit sa kuya ng sa gano'n ay maging kami na." I laughed with what she said. Nakalabi kasi ito pero nagtitwinkle ang mga mata na parang nakikita nito si kuya. My gosh!! Makamandag talaga ang kapatid kong 'yon.
"Oh sa wakas tumawa ka na." komento niya habang nakangiting nakatitig sa akin. Nang magkatitigan kami ay sabay kaming tumawa na nakapagpataka sa mga taong nandoon.
"Sobrang thankful talaga ako at naging kaibigan kita Av." madamdamin kong saad.
"Ako rin Haley, sobrang happy ko na ikaw ang best friend ko. Saka ang cucute kaya ng mga anak mo no. Malay mo sila ang mapaglihian ko. Ay!! on the second thought okay lang pala, since kuya no naman ang mapapangasawa ko... he he." napahagikhik na lang rin ako dahil sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
LosoweYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...