IKA-TATLUMPU'T LIMA NA KABANATA

114 4 1
                                    


HALEY POV

"Are you ready for my third surprise, hmm baby?" napasinghap ako ng muli niyang isiniksik ang mukha niya sa leeg ko.

"Ano ba 'yan, nilalanggam na kami dito eh." parinig ni Kim

"Don't worry babe, I'm sweeter than your cousin." sabay halik ni JP sa asawa. Nakilala ko na si JP dahil minsan na itong isinama ni Kim sa pagbisita sa bahay. Napairit naman sa kilig si Kim. Samantalang nagtakip naman ng mga mata si Janella.

Inilipat ko naman ang tingin ko kay Av. Nakanguso ito, habang titig na titig kay Kuya.

"Baby, sa akin ka lang tumingin." he hold my chin and made me faced him.

"Sana maging masaya ka dito sa pangatlong surprise ko sa'yo." unti-unti lumuwag ang pagkakahawak niya sa bewang ko hanggang sa maalis iyo. Isa-isa rin silang naglakad palayo sa akin. Kahit si Reid at ang kambal.

"R-reid."

"Sshhh... Sandali lang baby. Huwag mo akong masyadong mamiss." narinig ko pa ang paghalakhakan ng mga kasama namin.

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang lumayo.

Muling dumilim ang paligid. Namatay ang mga ilaw, at kagaya kanina ay may spotlight na tumama sa may pinto. Mula doon ay may mga pumasok.

Nangilid ang mga luha ko ng makita ko kung sino ang mga taong iyon.

Umiiyak na sinalubong nila ako ng yakap.

"Anak."

"Apo."

"M-mom, D-dad. L-lolo, L-lola."

Mahigpit akong niyakap ni Mommy at Lola.

Humahagulhol kami ng iyak samantalang naiiyak na nakamasid lang sa amin sina Daddy at Lolo.

"S-sorry anak. I'm so sorry."

"I'm sorry too, Mom."

"I love you Darling okay. Mahal na mahal kita. I'm sorry kung hindi ka namin inintindi. I'm so proud of you anak. I'm sooo proud."

Hindi ako makapaniwalang andito sila, I can't believe they're really here infront of me, asking for my forgiveness.

Nang kumalas sa yakap sina Mommy at Lola ay si Daddy at lolo naman ang yumakap sa akin.

Miss na miss ko na sila, miss na miss.

"I'm sorry anak. I'm sorry for pushing you and discouraging you instead of pulling and encouraging you. I'm sorry." ngayon lang, ngayon ko lang nakitang umiiyak si Dad.

Ngayon ko lang narinig ang paghagulhol niya and it's because of me.

Ngayon ko lang narinig ang mga salitang ito.

"D-daddy."

"Happy birthday anak. Happy birthday and thank you. Patawarin mo kami anak. Patawarin mo si Daddy."

"Hindi naman po ako nagalit sa inyo eh,"

Sobrang saya ko. Napakasaya ko dahil sa wakas ay napatawad na nila ako. Sa wakas andito na sila sa harapan ko ngayon.

"Young man." tawag ni Dad kay Reid.

Lumapit naman si Reid na karga si Rain at hawak sa kamay si Fire.

"Thank you." tinapik pa ni Dad ang balikat ni Reid.

Nahihiwagaan ako. Magkakilala na sila? At anong ipinagpapasalamat ni Dad?

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon