REID POV
'D-dahil anak mo si Fire Reid.'
'D-dahil anak mo si Fire Reid.'
'D-dahil anak mo si Fire Reid.'
'D-dahil anak mo si Fire Reid.'
'D-dahil anak mo si Fire Reid.'
Nagpaulit ulit sa pandinig ko ang sinabi ni Haley.
"W-what?" baka nagkamali lang ako ng dinig. Lumakas ang pintig ng puso ko.
"A-anak mo sina Fire at Rain kaya please tulungan mo ang anak mo, ang anak natin." Halos matumba ako dahil sa sinabi niya. What the hell!
Sabay sabay na umusbong ang iba't ibang pakiramdam sa puso ko. Saya, galit, poot, panghihinayang, sakit, inis pag-aalala, pagkasabik at pangungulila, pero tuwa ang tanging pakiramdam na lumalamang.
"H-how? W-hat the f-ck? Sh-t! Hell!." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Anak ko sina Fire at Rain. Fire is my son. Gosh!
"F-ck." agad akong tumakbo papuntang emergency room. Wala akong pakialam kung takbuhin ko ang stairs instead of using the elevator. God! I need to save my son. Lord please help me, help my son.
Ramdam ko ang pangingilid ng luha sa mga mata ko habang tinatahak ang daan patungo sa emergency room. Agad kong nakita si Kim outside the emergency room where Fire is. At the bench Rain is sitting on the chair waiting. I immediately go near her and hugged her tightly. Ramdam ko ang paglandas ng luha ko sa pisngi ko.
"Reid." tawag ni Kim. Pero hindi ko muna 'yon pinansin.
"Tito Weid." gulat ang nababasa ko sa boses niya. Kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya saka ko ito tiningnan sa mga mata. She is my daughter, she is my own flesh and blood.
"I'll talk to you later baby. Hmm." I said sweetly and then kissed her on her forehead.
Tumayo na ako saka lumapit kay Kim.
"I am the blood donor Kim. I will donate blood for Fire."
"Reid." narinig ko ang boses ni Haley.
"Mama." agad tumakbo si Rain papunta dito.
"H-ha, b-but I thought the father of the patient will be the blood donor?" nagapabalik balik ang tingin ni Kim sa akin at kay Haley. "D-don't tell me--?" nanlaki ang mga mata ni Kim.
"Yes, I am the father, so please do anything you can to save my son couz. I can't bear to lose him." wala akong pakialam kung umiiyak man ako ngayon sa harap ng pinsan ko.
"Okay lets go." she tap my shoulder bago kami naglakad papuntang kwarto. Fire, I know you'll fight baby. Just hold on son, hold on.
HALEY POV
Nakita at naramdaman ko kung gaano kamahal ni Reid ang kambal. Nakita ko ang pag-iyak niya sa harap ng doktor at narinig ko ang pagmamakaawa niya para lang maisalba si Fire. Ako ba talaga ang nagkamali?
"Mama." lumingon ako kay Rain na nakaupo sa tabi ko. Nasa labas kami ng operating room. Kasalukuyang sinasalinan na ng dugo si Fire.
"Hmm?" sagot ko habang sinusuklay ng kamay ko ang buhok niya.
"Ano pong ibig sabihin ni Tito Weid kanina?" curious na curious nitong tanong sa akin.
"H-huh?"
"'Yon pong sinabi niya na siya daw po ang papa ni File?" nagulat ako dahil sa sinabi ni Rain, di ko akalaing ganon niya kadaling maiintindihan ang mga narinig niya. Pinakatitigan ko ang mukha ni Rain, at habang tinitingnan ko ang anak ko ay kitang kita ko ang pananabik sa mga mata nito.
"A-anak."
"Di ba po ba Mama magkapatid kami ni File kaya po ibig sabihin lang no'n ay papa ko din po siya Mama?" ngayon ay gulat gulat na ako. Ang dali dali lang para sa kanya na intindihin ang mga nangyayari.
Sabagay wala na akong dahilan pa para itago kay Rain ang tungkol sa ama niya. Tumango ako, kasabay ng pagtulo ng luha ko at ang pangambang baka ilayo o kunin sa akin ni Reid ang mga anak ko.
"Yes baby, siya ang papa mo. Ang papa niyo." nakita ko ang dahang dahang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Rain. Tahimik niya iyong pinunasan gamit ang likod ng palad. Mabilis ko naman itong nilapitan saka niyakap ng mahigpit.
"I'm sorry baby, I'm so sorry." bulong ko dito habang humihikbi na rin.
Kasabay ng paghikbi ni Rain ay ang pagbukas ng operating room at lumabas si Reid kasunod ang isang nurse. Mayroon itong bandage sa kaliwang braso.
"Sir, kailangan niyo pong magpahinga, katatapos niyo lang pong kuhanan ng dugo." sabi ng nurse habang nakasunod sa patay malisyang si Reid. Nang magawi ang tingin nito sa amin ay nakita ko kung paano nito tingnan si Rain. Punong puno iyon ng pananabik.
"PAPA!" tumayo si Rain saka tumakbo papunta sa direksyon ni Reid. Agad naman itong sinalubong ni Reid saka kinarga gamit ang kanang kamay.
Mahigpit silang nagyakap habang ako naman ay umiiyak na nakamasid sa kanilang dalawa.
"Papa, papa." paulit ulit na sambit ni Rain.
"I'm sorry baby, I'm sorry if I wasn't there when you needed me the most. Forgive papa." nakita ko ang pangungulila sa mukha ni Reid, hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Reid.
Habang magkayakap silang dalawa ay sumulyap sa akin si Reid. Agad ko namang pinunasan ang mga luha sa mukha ko. Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya ngunit walang boses na lumabas dito. Ngunit nabasa ko ang galaw ng bibig nito.
'Salamat' tumango naman ako.
"Papa, saan po ba kayo nagpunta? Alam niyo po bang ang sabi nila ay putok daw kami sa buho dahil wala kaming papa." sumbong ni Rain dito habang titig na titig sa ama at panay ang haplos sa mukha nito. Gamit ang isang kamay ay pilit nitong pinunasan ang mukha ni Rain gamit ang panyong kinuha mula sa bulsa ng pantalon.
"Sshhh hush now baby."
Sandaling sumulyap sa akin si Reid bago sinagot si Rain.
"Sinong may sabi baby? Andito si papa at hindi kayo putok sa buho."
"Pewo bakit po nung pawty di niyo ko nakilala? Tapos tito ang ipinatawag niyo sa akin." Rain made a face and pout. Reid chuckled saka pinanggigilan ang pisngi ni Rain.
"Ah, gusto lang kayo surpresahin ni papa kaya hindi muna ako nagpakilala."
"Ahhh." tumango tango naman si Rain saka bumaling sa akin ang paningin.
"Mama, okay na po ba si File? Siguwado po akong magiging masaya siya kapag nalaman niyang andito na ang papa namin. Di ba papa?" agad namang tumango tango si Reid. Nakita ko ang tuwa ni Rain, kung gaano siya kasaya sa ama pero alam kong pagkatapos nito ay may pag-uusapan pa kami ni Reid. Marami pa.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...