HALEY POV
Mabilis kaming nakarating sa bahay namin dahil na rin siguro sa tulala ako buong biyahe at naglalayag ang isip ko sa mga nangyari kani-kanina lang sa party. Tulog ang kambal ng makarating kami sa bahay. Agad na iniakyat nila kuya ang kambal sa kwarto ng mga ito habang nanghihinang napaupo naman ako sa sofa.
Napatingin ako sa may hagdan ng marinig ko ang mga yabag. Sila kuya at Harrel, kunot na kunot ang noo ni kuya samantalang naguguluhan at nagtataka naman ang ekspresyon ni Harrel.
"Now tell me Haley, ano ba talagang nangyayari? Bakit andoon ka sa party? Bakit bigla bigla kang nagyayang umuwi? Bakit balisang balisa ka kanina?" sunod-sunod na tanong ni Kuya.
Nakatayo ito sa harapan ko, umupo naman sa tabi ko si Harrel.
Napahilamos ako sa mukha ko saka sunod sunod na bumuntong hininga.
"Alam kong marami ka pang hindi sinasabi sa amin Haley but we're your siblings. You should learn to trust us, hindi man namin alam kung ano ang mga nangyari sa iyo -- sa inyo sa loob ng walong taon but for pete's sake we are not going to spread your secrets and whatever things you want to keep just all by yourself." napasapo si kuya sa mukha niyang namumula na. Napayuko ako dahil sa mga sinabi niya. Umupo siya sa sofang kaharap ng inuupuan ko.
"Ate alam kong mahirap para sayo ang sabihin kung ano mang mga itinatago mo pero ate pwede mong sabihin sa amin. Kapatid ka namin at ang gusto namin ay matulungan ka sa kahit anong paraan. Hindi ba't mas makakahinga ka ng maluwag kung may mapagsasabihan ka?" tinapik tapik pa ni Harrel ang balikat ko.
Sa sinabi niya ay may napagtanto ako. Tama nga sila mga kapatid ko sila at mapagkakatiwalaan. Isa pa, alam ko namang di ko rin maitatago ang lahat ng sekretong pilit kong sinasarili.
Muli akong napabuntong hininga. Nanginginig ang mga kamay ko dahil sa mga pinaghalo halong kaba, sakit, galit, panghihinayang at lungkot. Parang isang flash na bumalik sa aking alaala ang mga pangyayari 7 years ago. Nagflashback lahat ng mga paghihirap ko at mga sakit na naranasan ko, na sa sobrang sakit ay mas nanaisin ko pang maging manhid at walang maramdaman.
"S-si Reid a-ang, a-ang a-ama ng k-kambal." pag-amin ko. Sunod sunod ang pagpatak ng luha ko, isa isang lumabas ang mga hikbi ko at walang tigil ang pagsigid ng sakit sa puso ko.
Katahimikan ang namayani matapos ang pag-amin ko. Tanging hikbi ko lang ang maririnig dahil sa nakakabinging ingay.
"A-ano?" itinaas ko ang paningin ko kay kuya Harrem ng sa wakas ay magsalita ito. Nanlalaki ang mga mata niya at bahagyang nakanganga, halatang halata ang gulat sa mukha nito.
"Si Jareid Dela Vega, siya ang ama ng mga anak ko." kahit nanlalabo ang mga paningin ko dahil sa mga luha ay binalingan ko si Harrel. Halata rin sa mukha niya ang gulat dahil medyo tulala ito, muli akong napayuko at sinapo ang mukha ko. Para akong batang sunod sunod na pinunasan ang mukha ko gamit ang likod ng palad ko. Pero kahit anong punas ang gawin ko ay hindi pa rin natutuyo ang mukha ko dahil panay pa rin ang pagpatak ng mga luha ko.
"H-how? B-bakit hindi mo sinabi sa amin? Ang siraulong lalakeng 'yon! Tapos ang kapal ng mukha niyang makipag-usap sa amin kanina." Galit ang boses ni kuya. Ang isang kamay nito ay nakahawak sa bewang habang nakasapo naman sa noo ang isa.
"Hindi niya alam kuya, hindi niya alam." umiling iling pa ako habang patuloy pa rin ang paghikbi.
"Ate naman." sabi ni Harrel. "He should be responsible to you and to the kids because he is the father."
Umiling iling ako.
"Sabihin mo nga sa amin Haley, bakit hindi mo sinabi sa kanya? Tell us, what really happened between you and him. Did he dumped you?" tanong ni kuya.
"Ku-kuya." nanginginig ang boses ko. Pilit na pinipigil ang mga luha.
"Sabihin mo Haley kasi hindi na namin alam kung paano iintindihin ang sitwasyon mo dahil wala kaming kaide-ideya."
Bumuntong hininga ako. Bahagya pa akong sumisinok dahil pakiramdam ko may nakabarang kung ano sa lalamunan ko. Ilang ulit pa muna akong lumunok bago nagsalita.
"H-he was my b-boyfriend for 8 m-months." muli akong lumunok para maging malinaw ang kung anumang sasabihin ko. Kahit tuloy tuloy ang pagtulo ng mga luha ko, pinilit kong manatiling malinaw ang bawat sasabihin ko. "Ang a-akala ko m-mahal niya t-talaga ako p-pero i-isang araw n-narinig ko sila ng b-barkada niya at n-nalaman kong--" muli akong lumunok. "N-nalaman kong d-dahil lang pala sa p-pustahan kaya n-niligawan niya ako." napahagulhol na ako ng iyak. Ang sakit sakit. Agad namang hinaplos haplos ni Harrel ang likod ko trying to comfort me.
"Bullshit! That jerk. How dare him!" sinipa ni kuya Harrem ang kalapit na upuan.
"The nerve of that guy!" dagdag naman ni Harrel. Tumayo na rin si Harrel. Nagsimulang maglakad si kuya Harrem at agad naman akong naalerto kaya mabilis kong hinawakan ang braso nito.
"K-kuya."
"Magpahinga ka na Haley and I will be the one to deal with that bastard." kuyom na kuyom ang kamao ni kuya at kita ko ang panggigigil ng mga kamay nito.
"K-kuya a-ayaw kong m-malaman niya ang tungkol s-sa mga anak ko. B-baka kunin niya a-ang mga anak ko. Hindi ko k-kakayanin. Please kuya." Napapikit si kuya. Napaluhod na ako sa harapan niya.
"K-kuya please." pagmamakaawa ko.
"Kuya Harrem." wika ni Harrel.
"K-kuya."
"Okay, I won't tell him." pakiramdam ko nabunutan ako ng tinik dahil sa sinabi niya.
"S-salamat kuya."
"Pero I'll make sure na matuturuan ko siya ng leksyon one of this days."
I chuckled a bit saka sunod sunod na tumango.
"S-salamat kuya." bagamat wala na ang galit sa mukha at tono niya ay kaseryosohan naman ang mababakas dito.
"Magpahinga ka na Haley. Masiyado kang napagod sa araw na'to. Tumayo ka na." sabi niya pa.
"O-oo." tumayo na ako.
"Eto panyo ate." kinuha ko ang panyong inabot ni Harrel saka nagsimulang punasan ang basang basang mukha ko.
"Makakahinga ka na ng maluwag Ate." Harrel said. Tumango naman ako. Tama siya, dahil may napagsabihan na ako ay gumaan nga ang pakiramdam ko. Although aminado akong hindi mawawala ang mga problema pero ngayon ay mas naging matatag akong harapin ang problema dahil na rin sa mga kapatid ko.
"Salamat sa inyo." madamdamin kong saad saka sabay silang niyakap.
"Salamat rin Haley," sabi ni kuya.
"Eh ikaw pala tong iyakin at uhugin ate eh." asar sa akin ni Harrel.
"Ikaw talaga bunso." ginulo gulo ko ang buhok nito.
"Salamat at naging kapatid ka namin Lee. We are so proud of you," Kuya replied.
Napangiti ako. Sa wakas nasabi ko na rin sa kanila. Handa na akong harapin ang mga susunod na mga araw dahil alam kong nandyan lang sila sa tabi ko. Salamat sa kanila.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...