HALEY POVNapakatahimik, sa sobrang tahimik ay maaari ng marinig ang mga paghinga ng bawat isa. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Nang maaksidente si Fire ay ilang beses kong inulit-ulit na kailangan kong maging matapang para ayusin ang lahat. Doon ko pa lang naisip na may mga bagay na sadyang dumarating at nangyayari na hindi natin ineexpect.
Malalim akong napabuntong hininga at sunod sunod na lumunok sa pag-aakalang sa pamamagitan noon ay mabawasan ang kaba ko at mapigilan ang unti unting pagkawala ng lakas ng loob ko.
Nakatingin lang sa isang partikular na gamit si Reid ngunit mapaghahalataang malalim ang iniisip nito.
"A-ah, ehem." umubo pa muna ako para mabaling sa akin ang atensyon niya at nagtagumpay naman ako na gawin 'yon. Lumingon siya sa akin, walang mababasang ekspresyon sa mukha bagamat hindi pa rin maitatatwang galing pa lang ito sa pag-iyak dahil sa namumula nitong mga mata.
Mas lalong tumindi ang kaba ko.
"A-alam kong ma-marami kang katanungan sa ngayon. K-kaya naman sige, itanong mo sa akin at s-sasagutin ko." bagamat halo halo ang emosyon ay pinilit kong magtunog pormal ang tono ng boses ko.
Nailang ako ng mas tinitigan niya pa ako ng maigi na tila ba may makukuha siyang sagot mula sa mga mata ko. Nangunot ang kanyang noo at bumilis ang kanyang paghinga, nakita ko rin ang kamao niyang nanginginig at nakakuyom na. Naglapat ang dalawa niyang mga labi at nag-igting ang kanyang panga.
"G-gusto mo ba a-akong saktan, dahil sa mga nagawa ko?" nanlalaki at hindi makapaniwalang tanong ko. Pakiramdam ko anytime ay tutulo na ang mga luha ko.
'Ganoon ba talaga kalaki ang galit niya sa akin?'
Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya at ang unti-unting pag-amo nito. Ang kanina'y nakakuyom nitong dalawang kamao ay unti unting kumalma.
Hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa isiping kaya niya akong saktan. Napamaang ako at hindi ko namalayang nag-unahan na sa pagtulo ang mga luha ko dahil sa takot. Takot sa maaari niyang gawin.
Nakita ko ang pagsisisi sa kanyang mukha ng makitang sunod sunod na tumulo ang mga luha ko.
"I-I'm s-sorry, h-hindi ko sinasadya." naalarma siya ng sunod sunod akong humikbi. Mabilis niya akong nilapitan saka pinahid ang mga luha ko sa pisngi. "Sshh... I'm sorry Haley, nagkakamali ka, hindi kita sasaktan. Hindi kita kayang saktan. I'm sorry, stop crying, pleasseee." punong puno ng pagsisisi at pagmamakaawa ang tono ng boses niya, pero hindi ko alam kung bakit mas lalo pa akong napaiyak, mas lalo pang lumakas ang bawat hikbi ko, kahit pilit kong pinipigilan ay pilit pa rin itong lumalabas mula sa bibig ko.
Mabilis niya akong kinabig palapit sa kanya saka ako niyakap ng mahigpit. Hinaplos haplos niya pa ang likod ko habang paulit ulit na inuusal ang salitang sorry
Nanatili kami sa ganoong posisyon hanggang sa mahimasmasan ako at matigil na sa kaiiyak.
Humiwalay ako mula sa yakap niya saka nagpunas ng luha. Nahihiya akong napayuko, muntik ko pang katukin at batukan ang sarili ko dahil sa pag-iyak.
"I'm really sorry Haley. Yes I'm angry but not at you, galit ako sa sarili ko. Galit ako na nagpakagago ako. Galit ako na ng dahil sa kagaguhan ko ay naapektuhan ang buhay mo. Nasira ang buhay mo pati na ang buhay ng mga anak ko." umangat ang paningin ko sa kanya ng yumuko siya. Gumaralgal din ang boses niya, naaawa ako ngayon sa kanya, kung dati ay galit ako, ngayon dahil sa nakikita ko sa kanya wala na akong ibang maramdaman kung hindi awa lang at pagsisisi.
Ako naman ang lumapit sa kanya, sa una nag-dalawang isip pa ako kung ilalagay ko ba ang kamay ko sa balikat niya at tatapikin ito para icomfort siya o kaya naman ay hayaan na lang muna siya ngunit sa huli ay ginawa ko pa ring tapikin siya.
"Takot na takot ako ng mga oras na 'yon Reid. Sasabihin ko na sana sa'yo na buntis ako but then naunahan ako ng takot. Nagawa mo nga akong saktan, ang mga anak ko pa kaya. Kapag ganoon hindi ko 'yon kakayanin Reid." Nagsisimula na namang mamasa ang ang gilid ng mga mata ko. Lumunok lunok pa ako ng makailang beses para mapigilan ang pag-iyak ko. "Wala akong malapitan, wala ni isang tumulong sa akin, my friends abandoned me and my parents?" muling bumalik sa alaala ko kung paano nila akong pilitin na ipaabort ang nasa sinapupunan ko. "My parents, sila ang higit kong inaasahan na makakaintindi sa akin, oo nga at nagkamali ako pero hindi ko maatim ang gusto nilang mangyari kaya ang ginawa ko ay naglayas na lang ako." pigil ang pag-iyak na kwento ko.
Bumalik lahat ng sakit at pait. Kung paano akong umiyak dahil sa kabiguan.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito Haley and I am very sorry."
"Hindi Reid. Ako dapat ang magsorry. Hindi ba't itinago at ipinagkait ko sayo ang mga bata?"
"Naiintindihan na kita Haley gayundin ang mga dahilan mo," payak siyang ngumiti.
"And I'm thankful that you are the mother of my children."
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Totoo ba ito?
Titig na titig rin siya sa akin. Walang nagtangkang bumitiw sa pagtitinginan namin.
Napakurap ako ng dahan-dahang bumaba ang tingin niya sa mga labi ko. Hindi rin nakalagpas sa paningin ko ang pagbaba taas ng adam's apple niya tanda na lumulunok siya.
Unti-unting nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Hindi ako makagalaw. Titig na titig ako sa kanya at naghihintay lang sa susunod na mangyayari.
Hanggang s anaging isang inch na lamang ang pagitan ng aming mga labi. I can even feel his breathing.
"E-ehem!" mabilis akong napabalikwas ng tayo.
Sabay naming nilingon ni Reid ang pinanggalingan ng tunog na 'yon.
Si Kuya Harrem na nasa may pintuan at matamang nakamasid sa amin.
'Oh God! Nakita niya ba ang nangyari? Please tell me he didn't!'
"Nakakaistorbo ba ako?" nakita ko pa ang bahagyang pagtaas ng gilid ng kanyang labi
"H-hindi naman," kanda-bulol ako sa pagsagot.
"So can I talk to Mr. Dela Vega privately?"
Lumingon ako kay Reid na nakatingin lang sa amin.
"B-bakit? A-naong pag-uusapan niyo?" kuryuso kong tanong.
"Geez, Lee. It's between me and him,"
"K-kuya,"
Pinanlakihan ako ni Kuya ng mga mata.
"S-sige sa t-taas na muna ako." paalam ko saka mabilis na umakyat ng hagdan.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
AcakYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...