IKALAWANG KABANATA

195 7 0
                                    

    
Si Haley-->

  MAKALIPAS ANG WALONG TAON

"MAMA!" agad na salubong sa akin ni Fire pagkababang pagkababa nilang dalawa.

"Excited na ba ang mga babies ko na pumasok sa school?" marahan kong isinuklay ang kamay ko sa malambot na buhok ni Fire.

"Sobwa po!" nakangiting sabi ni Rain

"Talaga? Basta behave lang kayo sa school ah, habang nagwowork si Mama. Ayos ba?" malambing kong saad saka ko pinanggigilan ang pisngi ni Rain.

"Opo." sabay ulit nilang sagot

"Very good. Eto na ang baon niyo." saka ko inabot sa kanila ang lunchbox nila. Kinarga ko si Rain saka hinalikan sa pisngi.

"Fire, ikaw na ang bahala sa kapatid mo ah." paalala ko sa anak kong lalake

"Opo, kapag may nanligaw sa kanya susuntukin ko!." sabay taas niya ng kanyang maliit na kanang kamao

"Ano?" binaba ko si Rain saka ko pinaningkitan ng mata si Fire

"Sige po Mama, andyan na po ang school bus namin. I love you. Babye!" narinig ko pa ang hagikhik ni Rain bago sila tumakbo palabas

Nakangiting inihatid ko sila ng tingin.

Hindi ako nagsisising sila ang pinili ko. I'm so much blessed to have them -- my Children.

Nag-ayos na rin ako para makapasok na sa trabaho. Isa akong waitress sa Restaurant.

Ini lock ko ang gate ng apartment namin bago nagsimulang maglakad papuntang sakayan ng jeep.

"Manong para po." agad kong sinabi ng tumapat ang jeep sa restaurant na pinagtatrabahuan ko.

"Magandang umaga Haley. Goodluck sa first day natin!" agad na salubong sa akin ni Av. Bestfriend ko.

Laking pasasalamat ko talaga sa kanya at sa parents niya lalo na ng manganak ako at kailangan ko ng mapag iiwanan sa kambal. Sila ang nagsilbing pamilya ko. Pamilyang nagparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa at tanggap ako ng buong puso.

"Goodluck sa'tin! Fighting!" cheer ko naman.

Umaga pa lang dagsa na ang mga customers kaya naging sobrang busy kami.

                           REID

"Bro, Bar tayo mamaya!" aya sa akin ni Angelo habang prenteng nakaupo sa upuang katapat ng mesa ko. Binalingan ko siya ng tingin.

"Wala ka bang trabaho?" nakakunot noong tanong ko sa kanya. Halos araw arawin na niya kasi ang pagpunta ng bar.

"Wala. Ando'n naman si Joseph kaya walang problema." nakaingos na sinabi nito. He's the director of their company but then these past few days lagi nalang itong nag-aayang mag bar.

"Sabagay, bunsong anak ka kasi kaya sunod lahat ng luho." iiling-iling kong sabi saka muling ibinaba ang tingin sa mga pinipirmahan kong papeles.

"Hah! Sadyang mapapel lang talaga ang Joseph na 'yon. Tss." I chuckled with what he said, hindi kasi ito magkasundo ng kapatid na panganay.

"Ano na? Mamaya ha." paniniguro niya.

"I'll see."

Hindi naman sa marami akong gagawin, talagang hindi ko lang gustong lumabas ngayon.

"Asus. Trabaho na naman. Napakaworkaholic mo samantalang sobrang yaman mo na."

"Baka parents ko ang mayaman at hindi ako."

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon