IKA-DALAWAMPUNG KABANATA

133 6 2
                                    

HALEY POV

"M-mama, m-ma." napamulat ako ng mga mata mula sa pagkakaidlip. Itinaas ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko sa gilid ng patient bed ni Fire.

Tiningnan ko si Fire at halos mapaiyak ako sa tuwa ng makitang nakamulat na ang dalawang mga mata nito at matamang nakatitig sa akin.

"Fire, anak." mabilis ko itong niyakap at pinaghahalikan sa pisngi.

"M-mama." bagamat mahina ang boses at hirap magsalita ay halata ko sa tono nito ang pag-aalala. Kumalas ako mula sa yakap at saka naiiyak na tiningnan ito.

"Pinag-alala mo ng husto si Mama."

"I'm sorry mama." lumungkot ang mga mata nito.

"Pati si Rain ay alalang alala gayundin sila tito at tita mo."

"S-sorry, wh-where's Rain?"

Lumingon ako sa isang mahabang sofa sa loob ng kwarto na nasa likuran ko. Medyo may kalayuan ito sa amin dahil isang V.I.P room ang kinuha ni Reid, at saka hindi rin pumayag sila kuya na sa economy room type lang si Fire. Sa una nga ay nagtalo pa kami ni Reid dahil gusto kong ako ang magbayad. Kaso ay nagpumilit siya at sabi niya pa na napakaraming pagkakataon ang nasayang na sana ay siya ang gumagastos para sa mga bata kaya naman ay hinayaan ko na lang siya at di na nakipag agawan pa.

Natutulog na nakahiga si Rain habang nakaunan sa mga hita ni Reid. Nakaupo naman si Reid, nakasandal sa sandalan ng sofa habang nakaekis ang mga braso sa may bandang dibdib at mahimbing na natutulog.

Sa katapat nitong sofa ay mahimbing ring natutulog sina kuya Harrem at Harrel.

"Tatawag lang ako ng Doktor anak ah. Gusto kong masiguradong maayos ka na." malambing kong saad dito. Alas dyes na rin ng gabi. Tatalikod na sana ako ng tawagin ako ni Fire.

"M-ma." lumingon ako dito. Hinawakan ko ang kamay nito.

"D-does she already know?"

"Who?"

"A-alam na ba ni Rain yung t-tungkol sa papa namin?" umupo ako sa upuang nasa gilid ng kama ni Fire. Pinakatitigan ko ang mukha ni Fire. Saka ako dahan dahang tumango.

"Yes anak. Alam na niya." Napaiwas ng tingin sa akin si Fire saka napapikit.

"Before the party mama, nakita ko na siya." muli siyang tumingin sa akin.

"H-huh? Anong ibig mong sabihin anak?" nagtatakang tanong ko kay Fire. Akala ko ang una nilang pagkikita ay noong party?

"S-sa department store, nung pumunta tayo sa department store. Nakita k-ko po siya." sa ikalawang beses ay umiwas ulit sa akin ng tingin si Fire.

Malalim akong napabuntong hininga.

"P-pero kahit alam ko ng s-siya ang papa ko-" binitin ni Fire ang sasahihin niya. Muli niyang ibinaling ang tingin sa akin. "A-ayaw ko pa rin po sa kanya." nakita ko ang pagtulo ng mga luha mula sa mga mata ng anak ko. Humihikbi na rin ito. Kaagad ko itong dinaluhan ng yakap.

"Sshhh, Fire stop crying anak. Makakasama iyan sa kalagayan mo."

"A-ayaw ko mama. A-ayaw kong maging papa siya. G-gusto ko tayong t-tatlo lang. Bad siya mama." bawat paghikbi ni Fire ay nagsisilbing patalim na tumatarak sa puso ko. Ang boses niya punong puno ng sakit at hinanakit dahilan para maiyak ako at sunod sunod na tumulo ang luha ko.

"F-fire, mahal na mahal kita anak." madamdamin kong hinalikan ang ulo nito saka sinimulang patahanin. Habang pinapatahan ko si Fire ay kasabay kong pinapatahan ang sarili ko. Panay lang ang pagpatahan ko kay Fire at sa sarili ko. Nang mahimasmasan na kaming dalawa ay saka lang ako kumalas mula sa yakap. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nito saka pinakatitigan ang bawat anggulo ng mukha nito. Gamit ang hinlalaki ay paulit ulit kong pinunasan ang luha sa pisngi niya.

"Tahan na anak. Magpahinga ka muna tapos saka tayo mag-uusap, ayos ba? Sa ngayon kailangang tawagin ni Mama ang doktor para matingnan ka, okay?" malambing kong sabi dito.

"O-opo." tumango tango naman si Fire. Hinalikan ko ang noo nito.

"I'll be back." saka ako nagmamadaling lumbas.



REID POV

"R-rain, R-rain." nagising ako dahil sa boses na tumatawag kay Rain.

Pipikit pikit pa ang mga mata ko habang nag-aadjust sa liwanag. Nakatulog pala kami.

Iniikot ko ang paningin ko sa buong kwarto, nanlaki ang mga mata ko at tumalon ang puso ko ng makita kong nakamulat ang mga mata ni Fire. Nakatingin ito sa amin kaya mabilis akong ngumiti ng sobrang tamis. Ngayon ay alam ko na kung bakit sobrang gaan ng loob ko sa kanya ng nasa department store kami 'yon pala ay dahil sa anak ko pala siya.

Pero iniwas lang ni Fire ang tingin niya sa akin, ni hindi man lang ngumiti sa akin. Napailing nalang ako. Mukhang mahihirapan akong suyuin ang anak kong 'to. Pero siguro kapag nalaman na niyang ako ang papa niya ay baka hindi na siya maging suplado sa akin. Kaya naman ay mabilis kong binalingan si Rain na nakahiga sa hita ko.

"R-rain, rain. Gising na anak." malambing kong saad habang niyuyugyog ko ang balikat nito ng mahina.

"I'm sleepy pa." tumagilid lang ito ng higa at di pinansin ang panggigising ko dito.

"Rain, gising na si Fire." buhat sa sinabi ko ay agad itong tumayo at nagmulat. Tumakbo agad ito papalapit kay Fire saka mahigpit na niyakap ang kapatid dahilan para bahagyang gumawa ng ingay ang upuang nasa gilid ng kama nito.

Ang upuan ma'y nakakuha ng atensyon ko. Napatigil ako sa paglalakad. Where's Haley??

"What's that noise." pupungas pungas na tumayo si Harrel saka tumingin sa buong paligid. Nagising na rin si Harrem at ng makita ng magkapatid na nakamulat na si Fire at mahigpit na niyayakap ni Rain ito ay inilang hakbang lang nito ang pagitan nila at ng kama.

"Thank God you're awake!." halata ang tuwa sa tono ng boses ni Harrem. Maging si Harrel ay malaki ang ngiti.

"Tito Harrem, tito Harrel."

"File, you skewd me." humihikbing saad ni Rain.

"You look ugly when you're crying Rain so stop crying."

"Ayos lang sa akin kahit asawin mo ako basta wag ka lang maoospital."

Nakita ko kung paanong sumilay ang ngiti ni Fire dahil sa sinabi ng kapatid dahilan para mapangiti din ako pero ng mapadako ang tingin ni Fire sa akin ay naalis ang ngiti nito at sa halip ay bumusangot. Pero ayos lang ang mas mahalaga ngayon ay gising na si Fire. Gising an ang anak ko.

Napalingon kaming lahat sa pinto ng bumukas ito at pumasok si Haley kasunod ang isang doktor at isang nurse. Nagsitabi kami upang paraanin ang mga bagong pasok. Humiwalay din si Rain sa kapatid saka humawak sa kamay ng ina. Tiningnan ng Doctor ang lagay ni Fire at matapos lamang ang ilang minuto ay nakangiting tumingin ito sa amin.

"Maayos na ang lagay niya pero kakailanganin niya pa munang magpahinga since katatapos pa lang niya mag undergo ng operation at wala pa siyang masiyadong lakas."

"Salamat naman kung ganoon." nakangiting sabi ni Haley.

"Kailangan niyo lang imonitor yung sugat sa ulo niya, kailangang hindi iyon masagi dahil maaaring bumukas ang sugat."

"Opo Doc."

Tumango ang Doctor. "O sige ako'y mauuna na."

"Opo, salamat po Doc." Haley said.

"Salamat po Mistew Doctow."

"Thanks Doc." Harrem and Harrel said in chorus.

"Thank you Doc." I said then he tapped my shoulder and nodded before leaving the room.

Salamat...

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon