IKA-TATLUMPU'T ISANG KABANATA

108 4 0
                                    

HALEY POV

"MAMA!"

"Oh, Rain anak bakit?" nagtaka ako ng humahangos na sinalubong ako ni Rain. Kadarating ko lamang galing trabaho at iniwan ko ang kambal sa pangangalaga ni Nanay Dolores.

"M-may tao po sa loob."

Mabilis na dinamba ng kaba ang aking dibdib. Sino?

"S-sino, s-saka nasaan si Nanay Dolores at ang kakambal mo?." mabilis ang lakad ko papasok ng bahay.

'Diyos ko, sana nama'y hindi masamang tao.'

"Lumabas po sila, may binili po. Siya po mama oh." pagkarating sa sala ay agad na tinuro ni Rain ang isang babaeng prenteng nakaupo sa sofa naming luma. Nakangiti ito sa akin kagaya ng batang kasama nito.

T-teka napakapamilyar ng mukha nilang dalawa. Saan ko nga ba sila nakita?

"Hi Haley." tumayo ang babaeng mukhang kaedad ko lang saka lumapit at bumeso sa akin. Samantalang ako takang taka sa kanyang ginagawi, pero hindi ko ipagkakailang napakapamilyar talaga ng mukha niya.

Nang tingnan niya akong muli at makitang nagtataka ay kumunot ang noo niya.

"Oh my Gosh, don't tell me nakalimutan mo na ako agad?"

"H-ha? A-ah, hehe."

"Oh my Golly Gosh, nakalimutan mo talaga ako?"

"Mom, you are only repeating your question why don't you just introduce yourself so she can remember you." napatingin ako sa batang nagsalita. Ang cute niya, may pagkakahawig nga sila ng babaeng nasa harapan ko ngayon.

"A-ah, p-pamilyar lang ang mukha mo." nahihiya kong saad

"Waaahhh, you're pretty and your twins are cutie, well what do I expect? Lahi namin eh."

Mas lalo akong nagtaka ng dahil sa sinabi niya.

"I'm Kimberly Dawn Dela Vega Morales. Yes, I'm Reid's cousin, and also the doctor of Fire."

Siya nga, siya nga ang kumausap sa akin nang sa hospital.

"A-ah, kayo po pala dok. P-pasensya na kung hindi kita agad nakilala."

"Ayos lang, ano ka ba," Hinawakan niya ang aking mga kamay saka matamis na ngumiti.

"A-ano nga po palang kailangan niyo sa akin?" she frowned and pouted

"Hindi ba sabi ko sa'yo huwag mo na akong i-po?"

"A-ah pasensya na."

"Ayos lang. Ella come here." tawag niya sa bata na agad namang lumapit sa ina.

"This is Janella, my daughter. Ella, she is your aunt Haley, your Uncle Reid's wife." bigla naman akong nakaramdam ng pagkailang.

'W-wife?'

"Hello tita." nakangiti at masiglang bati sa akin ni Ella, kaya napangiti rin ako sa kanya.

"Hello Janella. Ito nga pala si Rain a-anak ko."

"Kilala ko na po siya, saka yung kakambal niya. Nagkalaban po kasi kami sa competition, tapos ang galing galing po nila. Sila nga po yung winner eh, tapos second lang ako. Tapos tita you know what kam---"

"Ooopss, stop na Ella. Hehe, pasensya na sis ah, ganito talaga itong anak ko. Masiyadong matabil." tinakpan pa ni Kim yung bibig ni Ella. Grabe pala ang batang 'to eh.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon