IKA-TATLUMPU'T DALAWANG KABANATA

107 4 0
                                    


Isang simpleng handaan lang ang gusto ko, gayun din naman ang kambal. Hindi naman na umalma sila kuya at hinayaan na lamang kami, sinabi na lang niya na kailangan ay doon sa mansion kami maghahanda. Hindi na rin ako nakipagtalo pa.

"GOOD MORNING Mama. Happy birthday." mula sa likod ay niyakap nila akong dalawa at sabay na humalik sa akin.

"Happy birthday babies!" hinalikan ko silang dalawa.

Mamayang gabi pa kami makakapunta sa mansion dahil may importanteng meeting na dinaluhan sila kuya. Kahit si Kim ay nakaduty at pipilitin na lang daw niyang makaabot. Si Av naman ay sinamahan ang Inay niya na magpacheck-up.

Kaya naman napagdesisyunan kong pumasyal muna kaming mag-iina.

Nagtext lang kagabi sila kuya, Harrel, Av, Nay Dolores at Kim. Medyo nalungkot nga ako eh, pero naiintindihan ko naman sila eh.

Pagkatapos kong magbihis at bihisan ang kambal ay gumayak na kami para umalis na.

"Mama, ang cute po ng Tigew na 'yon, pwede po ba akong mag-alaga rin ng ganyan? Saka po ng buwaya." nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Rain.

"Rain, they are not for pet, they're dangerous." nakapoker face na sinabi ni Fire.

"Pewo ang cute nila File."

"No they're not, they're dangerous."

"Pagbalik ni Papa papabili ako ng ganyan, o kaya kay Tito na lang." imbes na sumagot si Fire ay lumungkot ang anyo nito at lumunok lunok.

"Tara na nga lang." sabay hila niya kay Rain.

I sighed. Reid.

Kahit nangungulila sa ama ay alam ko namang tuwang-tuwa ang kambal sa mga hayop na nakikita nila eh.

Nang makita kong pawis na pawis sila ay agad kong kinuha ang towel sa bag ko at pinunasan sila.

"Nagugutom na ba kayo?"

Umiling iling lang silang dalawa.

"Nauuhaw lang po mama."

"Sige, bibili tayo. Tara na?"

"Mama, dito na lang po kami. Kayo na lang po kasi po pagod na po kami eh. Hindi naman po ninyo kayang kargahin kaming dalawa." ani Fire.

Ngumiti ako sa kanila. "Sige, dito lang kayo ah. Sandali lang ako." pinaupo ko sila sa isang bench saka ko sila hinalikan.

Mabilis akong naglakad papuntang stall at saka bumili ng tubig.

"Manang dalawa nga po."

"Ito ineng."

"Salamat po."

Mabilis akong bumalik sa pwesto ng kambal ngunit gano'n na lamang ang kaba ko ng makita kong wala na sila.

"Fire? Rain?" nagpaikot-ikot ako.

'Diyos ko, nasaan na sila? Sinuyod ko ang bawat sulok ng Zoo pero wala talaga sila.

Nagsimula ng mamuo ang mga luha ko.

"K-kuya, ate e-excuse me. May nakita po ba kayong dalawang bata? Mga 6 years old lang po sila, tapos pink at blue po ang damit na suot nila."

"Ay, wala miss eh." napapaiyak na ako.

Oh God!

Ini-open ko ang picture nila mula sa cellphone ko saka ito ipinakita sa bawat taong pinagtatanungan ko.

"Hindi ko nakita eh."

"Ate pakatitigan niyo naman po ng maigi, baka naman ay napansin niyo." pagamamakaawa ko

"Pasensya na miss. Wala talaga akong nakita eh."

Napapahagulhol na ako ng iyak. Nagpunta na rin ako sa manager para ipanawagan at makita ko ang cctv.

"Miss, nasira kasi ang cctv sa area kung nasaan kayo ng mga bata." rason ng security.

Napaluhod na ako sa sobrang pag-iyak. Isang oras, isang oras na akong nanatili sa zoo pero wala talaga ang mga anak ko.

"F-fire...R-rain."

Tinawagan ko ang cellphone ni Kuya ngunit panay lang ang ring nito kahit ang kay Av, ring lang ng ring. Kay kim naman cannot be reach.

'Diyos ko, tulungan niyo po ako.'

"Ma'am pasensya na po talaga. Sasamahan ko na lang po kayo sa presinto para naman po maireport natin." pagmamagandang loob ng isang crew.

Agad akong tumayo.

"S-salamat." pinahid ko ang mga luha ko.

Makikita ko ang mga anak ko. Makikita ko sila. Napahikbi ulit ako ng maisip kong iniwan ko sila kaya sila nawala.

"S-sir tulungan niyo po ako, yung mga anak ko po nawawala. Namasyal lang po kmai, bumili ako ng t-tubig pero pagbalik ko ay wala na sila. Sige na po Sir, tulungan niyo po ako." halos mapaluhod na ako sa harap ng pulis pero wala akong pakialam. Ang gusto ko lang ay mahanap at makita ang mga anak ko.

"Ilang oras na po bang nawawala ang anak niyo Misis?"

"Mahigit isang oras na ho sir." basang basa na ang mukha ko dahil sa mga luhang walang tigil sa pag-agos.

"Pasensya na ho Misis, pero 24 hours po ang talaan bago ideclare na nawawala ang isang tao."

Pakiramdam ko ay nag-init ang ulo ko dahil sa narinig ko.

"S-sir bata pa ho ang mga anak ko. Hihintayin pa ba ninyong may mangyaring masama sa kanila bago kayo gumawa ng hakbang?"

"Ma'am pasensya na ho, ginagawa lang po namin kung ano ang nasa batas."

"BATAS? ANONG KLASENG BATAS MAYROON KAYO? ANONG KLASENG MGA PULIS KAYO?"

"Ma'am, kumalma lang po kayo. Baka naman ay nandoon na ho sa bahay ninyo."

"6 years old lang ang mga anak ko. Sa Laguna pa ang bahay namin.Paanong makakauwi ang mga anak ko?" Napahilamos ako sa mukha ko.

"Maghintay na lang po mun--"

"MAGHINTAY? SIR NAIINTINDIHAN NIYO PO BA AKO, NAWAWALA ANG MGA ANAK KO!" mataas na ang boses ko. Pinagtitinginan na kami pero wala akong pakialam. Nanginginig na ang buong katawan ko. Hindi na maapat ang pagluha ko.

"Kailangang mahanap ang mga anak ko. Kailangang tulu--" bigla na lamang nandilim ang paningin ko at hindi ko na alam kung ano pang sumunod na nangyari.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon