IKAAPATNAPU'T TATLONG KABANATA

148 3 0
                                    

REID POV

"Fire where's your mom?" kararating ko pa lang mula sa office at iyon kaagad ang tanong ko sa anak kong lalake. Siya ang naabutan ko sa sala na panay ang kalikot sa ipad nito.

"She's with Rain, at the kitchen," humalik siya sa aking pisngi saka muling binalik ang atensyon sa ipad.

Ibinaba ko ang dala kong case saka ako naglakad papuntang kusina. Naabutan ko nga doon ang dalawa sa pinakaimportanteng mga babae sa buhay ko.

"Ibilog mo ng ganito anak tapos you press it using all your force," narinig kong sabi ni Haley sa anak naming babae.

"Ang saya namang tingnan ng mag-ina ko. Nakakawala ng pagod," nakangiti kong sabi.

"Papa!" mabilis na bumaba mula sa stool si Rain saka ako sinalubong ng yakap. Mabilis ko siyang kinarga at pinugpog niya naman ng halik ang buo kong mukha.

"Asus, ang baby damulag ko nagdadrama. Magbihis ka na nga doon at saka ka ulit bumaba para maka-pag meryenda na tayo." May matamis na ngiti sa kanyang mga labi habang panay pa rin ang pagbilog ng mga cookies.

"Ito ang dahilan kaya ayokong magtagal sa office eh," naglalambing kong saad saka ko ipinulupot sa bewang niya ang isa kong braso habang karga ko sa kabila si Rain.

"Aba aba hindi ko alam na bolero na pala ang papa niyo Rain, hahaha" komento ni Haley sa sinabi ko.

'napakswerte ko talaga, oh Diyos ko maraming salamat po,'

Matapos kong magbihis ay sabay silang naglakad-salo sa hinandang meryenda ni Haley.

"Papa, yung mama po ng kaklase namin malaki na po ang tiyan. Ang sabi po ni Yvonne ay magkakababy bwadew na waw siya. Gusto ko wen po mama ng gano'n,"

Halos mabulunan si Haley sa iniinom niyang juice. Naibuga niya pa ito at saka nanlalaki ang mga matang tumingin sa akin. Agad kong inabot ang likod niya at mahinang hinaplos haplos saka napahalakhak ako ng malakas.

"Okay ka lang po ba mama? Bakit po kayo nabulunan? Masikip na po yung twot niyo? Ang sabi kasi ni Ma'am pag tumatanda na waw po ay sumisikip na po yung lalamunan." patuloy na litanya ng anak kong babae. Mas lalo akong napahalakhak.

"Hala bakit po kayo tumatawa papa? Hindi po 'yon joke papa." Wala pa ring imik si Haley. Nanlalaki pa rin ang mga mata. Mukhang hindi pa rin makapaniwala sa sinasabi ng anak naming babae. Si Fire ay panay naman ang pagbungisngis habang nakatingin at nakikinig sa amin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 26, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon