REID POV
"PAPA!" mabilis kong kinarga si Rain ng patakbong sumalubong ito sa akin saka ko pinugpog ng halik.
Ako ang sumundo sa kanya since nasa hospital pa rin si Fire at binabantayan ni Haley dahil sa makalawa pa siya makakalabas.
"Ang bango pa rin ng baby ni Papa ah." she just continue giggling while I keep on sniffing her neck.
"Haha, p-papa, h-haha, s-stop it." at ng mapansing kong nahihirapan na siyang huminga dahil sa kakatawa dulot ng pagkiliti ko sa leeg nito ay saka ako ngingiti-ngiting tinigilan ang pagkiliti dito.
"S-si papa naman eh." ngumuso ito
"Atleast tumawa na ang prinsesa ni papa." nakangiti kong saad. Mula kasi ng mahospital si Fire ay hindi na ito ngumingiti o tumatawa, atleast ngayon parang nabawasan na ang bigat na nakadagan sa dibdib ko at nakapatong sa balikat ko.
"Papa, bakit ayaw niyo pa pong aminin kay File na kayo po ang papa namin." curious na tanong ni Fire. Napaseryoso naman ako at inalis ang ngiti sa mga labi.
"Ahm, kasi baby, ayaw kong biglain si Fire. Kagagaling niya lang kasi sa operasyon."
"Eh papa, hindi po ba mas okay kapag sinabi niyo sa kanya na papa namin kayo pagkatapos ng opewa niya dahil gift niyo po sa kanya?"
"Sa tingin mo?"
"Opo." malaki ang ngiting sagot ni Rain sa akin dahilan para mapangiti rin ako.
"Sa tingin mo ba, sinabi na kaya ng mama mo kay Fire ang tungkol sa akin?" tanong ko dito.
"Sa tingin ko po, hmmm..." tumingin pa ito sa taas habang nakalagay ang hintuturo sa may baba at papikit pikit pa ang mata which made me chuckle unknowingly.
"Hah? Bakit po kayo tumatawa papa?" nagtatakang tanong ni Rain habang kunot na kunot ang noo at salubong ang kilay.
"Ah, it is because you're so cute." sabay kurot ko sa pisngi nito.
"A-awayy." agad na nagsimulang mamula ang pisngi ni Rain pagkatapos ko itong kurutin
"You aw a sadist papa." ngumuso pa ito which makes her even cuter.
"I'm sorry baby, now what do you think? Sinabi na kaya ng mama mo?"
"Hmm, nope. Kasi papa kung sinabi na po ni Mama kay File eh di sana po yumakap wen po siya gaya ng pagyakap ko sa inyo kasi po sa wakas may papa na po kami. Kasi papa sa school lagi po kaming tinutukso na walang papa." lumungkot ang anyo ni Rain and I'm starting to feel guilty about it.
"Andito na si papa Rain, and papa will make sure na di na kayo matutukso, I promise! Now cheer up baby." ngumiti ako dito kaya napangiti rin ito.
"Masaya po ako papa kasi andito na po kayo."
"Talaga?"
"Opo."
"That's my girl. Now let's go to the Hospital and tell Fire about the good news."
"Yeeeyyy."
Naglakad na kami papuntang sasakyan saka ko pinaunang papasukin si Rain sa kotse. Iikot na rin sana ako papuntang driver's seat ng may marinig akong boses.
"Excuse me Mr, excuse me!"
Lumingon ako at nakita ko ang gurong naglalakad papalapit sa pwesto namin. Huminto ako saka ko ito hinintay na makalapit.
BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
РазноеYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...