HALEY POV
Ano nga bang dapat kong maramdaman? Dapat ba akong maging masaya dahil nagkabati na ang mga anak ko? O dapat ba akong maawa kay Reid dahil dalawa na ngayon ang sinusuyo niya dahil pati si Rain ay galit na rin sa kanya.
Family day ngayon sa school ng mga anak ko, at hindi ko alam kung paano magrereact sa tuwing dededmahin ng magkapatid ang kanilang ama. Tulad ngayon; sack race, si Reid ang naglalaro, instead na kami ang magcheer para sa kanya ay ibang tao ang nagchicheer.
Ang kambal kasi ay nakaupo sa isang bench at panay ang kain habang busy sa pag-uusap. Ako naman ay hindi ko alam kung paanong magrereact. Kita ko ang tamlay sa mukha ni Reid, bagamat panay ang sali niya sa mga laro at nananalo pero ni hindi nito magawang ngumiti man lamang.
Habang nakatitig sa mukha niyang puno ng lungkot ay pansamantalang naglakbay ang aking isipan sa mga nangyari kahapon.
FLASHBACK
Kumakain na kami ng agahan ng dumating si Reid sa bahay. Tumawag rin muna siya sa akin bago pumunta ngayon. Matapos kong kausapin si Rain kahapon ay nalaman ko na lamang mula kay kuya na umalis na si Reid. Ang sabi pa ni kuya ay nagkaemergency daw sa kompanya nila Reid kaya nagmamadali na ito at hindi na nakapagpaalam sa akin.
"G-good morning." bati niya pero ako lang ang bumati pabalik. Ni hindi man lang lumingon ang kambal sa ama. Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha ni Reid pero agad din niya itong inalis ng makitang nakatingin ako sa kanya.
"Upo ka Reid, sumabay ka na rin sa aming kumain." aya ko sa kanya. Ngumiti naman siya ng tipid saka naghila ng upuan. Pumwesto siya sa tabi ni Rain pero dahil ngayon ay galit na ito sa ama ay inusog nito ang upuan at lumipat sa tabi ni Fire. Kaya ang posisyon namin ay sa kaliwa ay kaming tatlo at si Reid lang mag-isa ang nasa kanang bahagi. Mas lalong lumungkot ang anyo nito.
"File nakita mo ba si Naynay?" kausap ni Rain kay Fire.
"Hmm, nope."
"Aww, ikaw po mama nakita niyo po ba si Naynay?" baling niya naman sa akin.
"Hindi rin anak eh."
"A-ako, I-I saw your Naynay outside." sabay kaming tatlong napatingin kay Reid ng magsalita ito. Nakita kong sinamaan pa ni Fire ng tingin ang ama kaya mahina ko itong siniko.
"She was all dressed up. I-I think she is going s-somewhere." patuloy pa nito, pero walang sumagot o nagsalita ni isa sa kambal. Pinagpatuloy ng mga ito ang pagkain at muling binalewala ang presensya ng ama. Narinig ko na lamang ang pagbuntong hininga ni Reid.
Nang magawi ang tingin niya sa akin ay agad akong nakipagtitigan sa kanya na para bang sa pamamagitan ng pagtitig ko ng gano'n sa kanya ay maipakita ko ang paghingi ng paumanhin dahil sa inasal ng kambal.
Natapos ang aming pagkain na hindi na nagsalita pa ang kambal.
END OF FLASHBACK
Muli akong napabuntong hininga. Nanalo na naman si Reid sa sack race kaya panay ang bati sa kanya ng mga tao, pero halos lahat ay mga kababaehan ang panay paulit ulit ng pagbati kay Reid.
'Tss, if I know, nagpapacute lang ang mga 'yan'
Umupo ako sa tabi ng kambal.
"Your father won, don't you want to congratulate him?"
"Nope." sabay nilang sagot. Nawawalang pag-asang tumingin ako kay Reid. Nakatingin siya sa amin, at kapag may babati sa kanya ay sandali niya itong ngingitian at magpapasalamat.
"Fire, Rain... hello!" isang batang babae ang lumapit sa amin. Sa pagkakatanda ko ay isa siya sa mga kaklase ng mga anak ko. Nakabraid ang buhok niya at bibong bibo.
Ngumiti si Rain samantalang poker lang si Fire.
"Hi Danna," bati ni Rain.
"Hihihi, hello Rain. Hello po mama ni Fire at Rain," baling nung Danna sa akin.
"Hello cute girl,"
"Hihihi, ay! Ang galing galing ng Daddy niyo Rain, shaka ang pogi niya parang artista." bumubungisngis ang batang babae dahilan para makitang wala itong dalawang ngipin sa itaas.
Kahit ako ay napangiti dahil sa batang babae.
"Ang swerte swerte niyo at may Daddy kayo, ako kasi walang daddy. Mommy at uncle ko ang umattend ngayon. Tapos ang bait bait pa ng daddy niyo, siguradong mahal na mahal niya kayong dalawa." Mas lalong lumawak ang pagkakangiti ko dahil sa tinuran ng bata. Pasimple akong sumulyap sa kambal. Si Rain ay nakayuko habang pinaglalaruan ang mga kamay samantalang si Fire ay titig na titig sa batang babae.
"Gusto mo sa'yo nalang?" gulat akong napatingin kay Fire ng bitiwan niya ang linyang iyon.
"H-huh?" nagtataka ang ekspresyon sa mukha ng batang babae. Maging si Rain ay nakatingin na sa kakambal.
"Ang sabi ko ay kung gusto mo sa'yo nalang yung papa 'raw' namin. Because we don't need hin. You want?" nakakibit balikat pa ai Fire na animo'y ang ipinamimigay lang niya ay isang tuta.
"Fire, stop talking like that!"
"Bakit ba mama?"
"A-ah, Fire ano ka ba, papa mo kaya 'yon."
"Sabi mo kasi naiinggit ka dahil may papa kami at ikaw wala kaya sa'yo nalang siya."
"Fire!" hinawakan ko na siya sa braso.
"A-ah p-punta po muna ako sa mama ko. B-bye." saka patakbong lumayo ang batang babae.
Kakausapin ko na sana ang kambal pero agad na nag-announce na oras na para sa awarding at closing remarks.
Napailing iling na lamang ako. Bahagya pa akong napahilot sa sentido dahil sa di mareso-resolbang problema.
Halos lahat ng mga awards ay kami ang humakot pero hindi ko magawa-gawang maging masaya ng lubusan lalo pa't alam kong hindi nagkakasundo ang mag-aama ko.
Napakahirap ng sitwasyon ko ngayon, hindi pwedeng basta basta nalang akong kumampi isa man sa kanila dahil kahit hindi ko gustuhin ay hindi maiiwasang may masasaktan.
Inihatid lamang kami ni Reid sa bahay dahil ipinatawag raw siya ng ina. Kahit sa pagpapaalam ni Reid ay kapansin pansin pa rin ang katamlayan nito. Tipid lang itong ngumiti sa amin saka umalis.
Hindi ko alam kung bakit pati ako ay nalulungkot sa tuwing makikita kong nalulungkot si Reid. Ang mukha niya kasi tuwing malungkot ay nakakahawa na pati ang mga taong nakapalibot sa kanya ay nahahabag at nakikisimpatya sa nararamdaman niyang lungkot. Kapag naman masaya siya ay ganoon rin ang epekto sa mga taong nasa paligid niya.
Sa bawat pagdaan ng araw ay hindi ko mapigilang mas lalong sisihin ang sarili.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...