IKADALAWAMPU'T WALO

109 4 0
                                    


Araw araw ay bumibisita si Reid para kumustahin at suyuin ang mga bata tapos umuuwi siya na laging matamlay. Tulad na lang ngayon.

"Fire, Rain mag-ayos na kayo. Pupunta kayo ng papa niyo sa Mall, hindi ba't iyon ang gusto niyo? Mamamasyal kayo at maglalaro kaya sige na." kausap ko sa kambal pero hindi man lang natinag ang mga ito.

Tumingin ako sa gawi ni Reid na nakamasid lang sa amin.

"S-sumama ka na lang Haley, m-mas makabubuti 'yon." ngumiti siya ng tipid at tumango naman ako

"S-sige sa labas ko na lang kayo hihintayin, k-kids bihis na kayo ah."

Nang makalabas na si Reid ay binalingan ko ang kambal.

"Tara na." aya ko sa kanila at saka hinila papuntang banyo para paliguan.

Maagang pumunta rito si Reid dahil gusto niya raw surpresahin ang kambal. Kagabi kasi ay tinanong niya ako kung anong gustong gawin ng kambal at ang sabi ko ay pampalubag loob nila ang mall, kaya nagdesisyon siyang dalhin ang mga ito sa mall ngayon ngunit hindi man lang natinag ang kambal ng sabihin ng ama na dadalhin sila sa mall. Gusto rin sanang paliguan ni Reid ang mga anak dahil hindi gusto raw niyang maranasan ang bagay na iyon ngunit hindi pumayag ang kambal. Gustong gusto ko nang kausapin at pagalitan ang kambal ngunit pinigilan ako ni Reid. Naalala ko pa ang sinabi niya sa akin ng minsan ay tangkain kong pagalitan ang kambal.

'No Haley let their anger fade, just let them. Gusto ko kung tatanggapin man nila akong bilang ama ay dahil nakita nilang karapat-dapat ako and not because you told them to accept me. Ayaw kong mangyari 'yon.'

Matapos kong paliguan at bihisan ang kambal ay sumunod na rin akong maligo. Iniisip ko pa na dalawang linggo na akong absent sa trabaho.
Pero ang sabi naman ng aming manager ay ayos lang daw iyon dahil alam naman niyang naaksidente ang anak ko.

Lumabas ako ng banyo ng nakatuwalya lamang. Nasa labas ng bahay si Reid kaya ayos lang iyon. Nang bumaba kasi kami kanina at paliguan ko ang kambal ay wala siya doon sa sala.

Ngunit nagkamali ako dahil paglabas ko ng banyo ay nasa sofa si Reid at dahil lumikha ng ingay ang pagbukas ko ng pinto ng banyo ay awtomatikong nabaling sa akin ang atensyon at paningin niya. Ganoon na lang ang panlalaki ng aming mga mata. Gusto kong umalis at magtatakbo pero parang nakaglue ang mga paa ko sa sahig dahil hindi ko magawang igalaw ang mga ito. Lumulunok-lunok na pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

'D-demmit!'

'What the hell? Akala ko nasa labas siya?'

Una siyang nakabawi ng pagkagulat kaya agad na rumehistro ang ilang sa kanyang mukha.

"A-ah, a-ano ahm, k-kasi... S-sorry." saka siya tumalikod sa gawi. "Labas muna ako." saka siya mabilis na lumisan, muntik pa siyang madapa dahil natisod siya sa tambong natumba

Naiwan akong nakatulala, ilang, hindi makapaniwala at hiyang hiya.

'Shet, what the hell had just happened?'

Mabilis na umakyat ako sa kwarto ko.

"How can you be so careless Haley?" I whispered to myself.

Ngayon paano ko siya haharapin? Bakit kasi madalas akong nagpapakatanga ngayon eh?

Simpleng black leggings lang at isang black polo shirt ang isinuot ko. Hinayaan kong nakalugay ang buhok ko at nilagyang ko lang ng brown headband. Pagkatapos kong mag-ayos at makapagbihis ay dahan dahan pa akong naglakad papuntang pinto at dahan dahang binuksan ito.

"AY MULTO!" napahawak pa ako sa dibdib dahil sa gulat ng mukha ni Reid ang sumalubong sa akin pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan.

"W-what? M-multo? Who? Me?" tumawa siya ng pagkalakas-lakas, yung tawang walang pakialam kung wala nang poise. Yung totoong tawa niya, yung tawang abot tenga at halos hindi na makita ang mga mata.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon