IKAANIM NA KABANATA

138 7 1
                                    

          HALEY POV

"Haley, ikaw daw ang kumuha ng order sa table 10." nakasimangot ang mukhang sabi ni Cindy habang hawak hawak ang isang tray.

"Huh? Oh okay sige." napakunot ang noo ko. Kasalukuyan kong nililinis ang isang table ng lumapit sa akin si Cindy, ang ipinagtataka ko pa ay kung bakit ako pa ang inutusan samantalang wala namang ginagawa ang iba.

"Utos ni bruha." Cindy whispered at agad ko namang nakuha ang ibig niyang sabihin. Si Ma'am Lea na naman. Hindi ko talaga alam kung bakit napakainit ng ulo niya sa akin.

"Sayang ang gagwapo pa naman ng mga customers sa table 10, ako nalang sana ang inutusan niya. Nakakainis talaga ang bruhang 'yon." tipid lang akong ngumiti bilang sagot.

"Ako nalang diyan." saka ako pinalitan ni Cindy sa paglilinis. Mabilis akong pumunta ng kusina saka naghugas ng kamay at kinuha ang notepad at ballpen.

Agad kong tinahak ang daan papuntang second floor.

Nasa bukana na ako ng second floor ng maaninag ko kung sino ang mga taong nandoon.

They are my siblings, Harrel and Harrem. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong mata. Walong taon ko silang hindi nakita at talaga namang malaki na ang ipinagbago nila. Sobra ko silang namiss. Pero pa'no?

Paano ko sila mahaharap pagkatapos ng ginawa kong paglalayas 8 years ago? Nakita ko ang paglikot ng paningin ni Harrel at huli na para maiwasan ko ang pagtama ng tingin nito sa akin.

"Ate Haley?" mabilis na pumatak ang luha ko ng muli kong marinig ang boses ng kapatid ko. He was just 10 years old ng umalis ako but now, binatang binata na ito.

"Ate." napatayo na ito mula sa pagkakaupo. Naagaw na rin nito ang pansin ni Kuya Harrem. Ramdam ko ang sobrang pagkamiss sa kanila.

"Haley." tumayo na rin si Kuya Harrem at saka mabilis silang lumapit sa pwesto ko.

Mahigpit na yakap ang isinalubong ni Harrel sa akin. Sobrang higpit na parang ibinubuhos niya doon ang walong taon na hindi kami nagkita at nagkasama. Pero wala akong pakialam kung gaano iyon kahigpit, namiss ko siya ng sobra.

Ramdam ko ang tuloy tuloy na pagpatak ng luha ko. Rinig ko rin ang pagsinghap at pag alpas ng mga hikbi ni Harrel. Kahit si kuya Harrem ay nakiyakap na rin. Alam kong nakahakot na kami ng mga manonood. Ang kaninang nagsisikain, ngayon ay nakatingin na sa aming tatlo. Nagtataka siguro sila kung bakit kami nag-iiyakan at nagyayakapan. Pero wala akong pakialam, ang importante sa akin ay nakita ko na ang mga kapatid ko.

"Namiss ko kayo." humihikbi kong saad.

"Ate s-sa'n ka ba nagpunta?" humahagulhol na tanong ni Harrel. Kumalas na sila mula sa pagkakayakap sa akin.

"Namiss kita pandak!" sabi ni kuya Harrem saka ginulo gulo ang buhok ko.

"Namiss din kita uhugin." ganti ko sa kanya habang sumisinghot singhot. Binalingan ko naman ang kapatid kong nakayuko at nagpapahid ng luha na akala mo isang bata.

"Walong taon na ang nakalipas pero iyakin ka pa rin bunso." I said while patting his head. I don't know that a crying baby can grow to a handsome man like what I'm seeing right now. Harrel is just so musculine.

Tumingin siya sa akin.

"Bakit ka ba naglayas?" masasalamin sa kanyang tinig ang pagtatampo at lungkot. Tiningnan ko siya ng mabuti, para siyang pinaghalong ako at si kuya Harrem. Ibang iba na siya sa batang kapatid ko 8 years ago, he's already a full grown man.

"You'll know at the right time and-" sadya kong pinabitin ang sasabihin ko saka inilibot ko muna ang tingin sa loob ng restaurant at nakangiwing tumingin ulit sa kanya. "At the right place?"

We chuckled in unison. I miss this bonding, and I miss being with them.

"Ms. Villaruiz, pumasok ka dito para magtrabaho at hindi para makipaglandian sa mga customers na mayayaman." bigla na lang sumingit sa usapan namin ang aming assistant manager which is Lea.

Although hindi naman gano'n kalakas pero rinig na rinig naming magkakapatid. "At gumawa ka pa talaga ng eksena ha. Ang kapal lang." hindi makapaniwala ang tono ng boses niya. Pagkatapos ay apologetic siyang tumingin kila kuya na ngayon ay nakakunot na ang mga noo.

"I'm sorry about her behaviour Har, don't worry pagsasabihan ko siya mamaya." kunwa'y bait baitan ito

Har? so ibig sabihin magkakilala sila ng kapatid ko.

"What did you just said?" halata ang inis sa tono ng boses ni Kuya Harrem maging si Harrel ay inis rin ang ekspresyon ng kanina'y natutuwang mukha.

"Huh?" nagtataka ang mukha ni Lea.

"Nakikipaglandian?" naniningkit na ang mga mata ni Kuya Harrem dahil sa galit.

Uh oh, iba pa naman magalit si kuya at 'yon ang side niya na kailanma'y di mo papangaraping makita at maranasan. I tried to stop him by holding his arm. Pero parang wala namang epekto ang ginawa ko. Namumula na rin ang mukha ni Kuya.

"Do you even know who you are talking to? She's my younger sister and close ba tayo at basta basta ka nalang sumisingit sa pag-uusap namin?" alam kong masakit ang huling sinabi ni kuya pero wala akong magawa dahil ganito talaga siya kung magalit.

Laglag ang panga ni Lea dahil sa narinig sunod sunod rin itong napalunok at nagsimulang mamutla. Bakas ang pagkapahiya at pagtataka sa kanyang mukha.

"K-kapatid? Pa-pano?"

"It's none of your business at kahit pa hindi ko siya kapatid you should respect her cause she's your employee. What kind of boss are you?" Tiningnan ni kuya ang name tag nito kung saan nakalagay rin ang position nito.

"You're just an assistant manager anyway. And listen to me Miss. I can fire you anytime, anytime." para ng maiiyak si Lea. Sobra na ang pagkapahiya niya dahil may mga nakaupo rin malapit sa amin.

"And you Haley, bakit mo pinagtiya tiyagaan ang trabahong 'to? At bakit mo pinapabayaang kantiin ka ng mga tao rito?" baling sa akin ni kuya.

"Kuya sanay na nam--"

"No ate, we'll talk to the manager and I'll make sure that she'll get fired." Harrel said. Tiningnan ko si Lea, this time patulo na talaga ang luha nito. Kahit naman gaano pa kalaki ang galit niya sa akin, I know na kailangan niya rin naman ng pera eh. Kailangan niya ring magtrabaho para sa pamilya niya. Ang alam ko pa siya lang ang inaasahan ng pamilya niya.

"No kuya, Harrel, it's fine. You don't have to fire her at isa pa sanay na ako. So I'm begging you guys." punong puno ng pagmamakaawa ang tono ng boses ko. Palipat lipat ang tingin ni Lea sa amin nila kuya.

Malalim na napabuntong hininga si kuya Harrem and Harrel look at me as if I was alienated.

"Seriously Lee?" Kuya used to call me Lee.

"Yes kuya, I can handle it on my own so no need to fire her." He heaved a deep sigh again.

"Okay then." finally he said.

Tumingin sa akin si Lea.

"Sa-salamat. at pasensya na" she stuttered and walk away.

"You, woman, I can't believe that you are letting her to treat you like that, seriously Lee?" nakapamaywang na ang panganay na kapatid ko at salubong na ang kilay.

Napangiti ako dahil sa inasta niya. Kahit walong taon kaming di nagkita hindi pa rin pala nagbabago ang ugali niya. Oo nga't malaki ang ipinagbago ng pisikal niyang anyo pero hindi pa rin nagbabago ang pagkaoverprotective niya sa akin. He still is my favorite brother.

Nayakap ko na lang siya dahil sa tuwa.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon