Here's the update....
thanks sa mga nagbabasa!!
si Fire--->>
Reid POV
"MAMA!" agad kaming napatingin sa batang babaeng tumatakbo papalapit kay Haley.
At ano raw? Mama? Mabilis na napangiti si Haley at sinalubong ang batang babae. Sa tingin ko'y nasa pito o anim na taon na ang bata. Hindi maipagkakailang anak niya nga ang batang babae dahil magkamukhang magkamukha ang mga ito.
"Sayang, may anak na pala siya?" puno ng panghihinayang na sambit ni Angelo. Maging ako ay nakaramdam din ng damdaming di ko maipaliwanag, parang nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib.
Kailan pa siya nag-asawa? Noong college kasi ay bigla nalang itong nawala na parang bula, walang may alam kung saan ito nagpunta tapos ngayon may anak na ito?
"Kailan pa siya nag-asawa?" rinig kong tanong pa ni Ethan.
Ganyan rin ang nais kong malaman. Kailan pa? Inaamin ko naging girlfriend ko lang siya because of the bet but I liked her.
Believe it or not - I learned to love her. Natalo ako, I had fallen with a loud thud.
Sino ba namang hindi mahuhulog sa kanya?
She's very different sa mga naging girlfriends ko. She's simple yet so pretty. She's pretty but she's so humble. Pero isang araw bigla na lang siyang naglaho na parang bula, it was the time I was supposed to confessed to her that it was just a bet, everything was just a bet, and I want to court her officially but then she was gone and no one knows where she was until this day comes.
"Excuse me?" isang boses na sobrang cute ang nakapagpatinag sa akin mula sa malalim na pag-iisip. Sabay sabay kaming napalingon sa boses na nanggagaling sa likuran namin.
Isang batang lalake ang nakita namin. Titig na titig ito sa amin gamit ang nagtatakang tingin. Maputi ito at katamtaman lang ang laki ng katawan sa edad nito. Maputi rin ito at matangos ang ilong.
"Yes little boy?" I asked him.
"Kukuha ako ng dairy milk." sagot niya habang nanatiling nagtataka ang ekspresyon. Di ko mapigilang mapangiti ng makita ko ang malalim na biloy nito sa magkabilang pisngi, may naalala akong isang taong ganito rin kalalim ang biloy sa magkabilang pisngi. Hindi ito ngumingiti, pero nakikita ang biloy nito kapag gumagalaw ang mga labi nito o kaya'y nagsasalita.
"Tapos?" Ethan asked
Naguguluhan rin ito habang nakatingin sa bata.
"Wala naman sa amin ang lalagyan ng dairy milk eh." pagrarason naman ni Angelo. Oo nga naman wala sa amin.
"Wala nga po sa inyo, pero nakaharang po kayo. Kaya excuse po." this time tumaas na ang kilay nito at ngumiwi. Mabilis naman akong lumingon sa stand na ngayon ay nasa likod na namin dahil nakaharap na kami ngayon sa batang lalake.
Tama nga siya, nasa ikalawang parte ng stand na nasa likod namin ang iba't ibang klase ng chocolate kabilang na ang dairy milk.
Napapahiyang tumabi kaming magbabarkada at binigyang daan ang batang lalake. Sandali pa kaming nagtinginan ni Angelo at napailing iling na lang. Pinagmasdan ko ang kilos ng batang lalake, at hindi ko mapigilang humanga sa paraan ng pagkilos nito. Pino at graceful. Parang babae ito kung pumili ng chocolate na gustong kainin. Iniinspeksyon nito ang tsokolate at tinititigang mabuti.
"Ahhm, bata sinong kasama mo?" Jun asked
"Why?" the little boy asked, pero hindi pa rin tumitingin sa amin.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
SonstigesYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...