REID POVDahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Siniguro kong hindi siya magigising.
Hinalikan ko pa siya sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto.
May ngiti sa mga labing naghilamos ako at nagsepilyo.
Nagluto na rin ako ng almusal para sa aming dalawa. Hindi ko masukat ang kaligayahan ko ngayon.
"Kung tayo ay matanda na, sana'y di tayo magbago--"
"Reid?" napatigil ako sa ginagawa at pagkanta ko saka nakangiting nilingon ang babaeng mahal ko. Pupungas pungas pa ito ng mga mata tanda na kagigising pa lamang nito.
Pinatay ko ang stove at saka nakangiting lumapit sa kanya. Hinapit ko siya sa bewang at saka hinalikan ng mabilis sa labi.
She frowned at pabiro akong hinampas ng mahina sa braso.
"Hindi pa nga ako nakakapagtoothbrush eh." reklamo niya.
I smiled. "Kahit habang bubay hindi ka magtoothbrush, mamahalin pa rin kita."
Namula ang buong mukha niya at di makatingin sa mga mata ko. Kinikilig siya.
"Pero alam ko namang hindi mangyayari 'yon diba.?" pabulong na dagdag ko pa.
"Sira!" saka niya ako hinampas at nagsimulang magmartsa papuntang banyo.
"Haley, babe!"
"Ewan!"
Natawa na lamang ako sa reaction niya. Habang nasa banyo siya ay hinanda ko naman ang mesa at ang pagkain. This will be the first time after 7 long years that we'll eat breakfast together.
"Anong ngingiti ngiti mo dyan? Para kang timang." masungit niyang saad ng lumabas siya mula sa banyo.
"Wala. Masaya lang ako kasi ikaw ang kasama ko ngayon.. Sungit mo baby ah, eh wala ka namang regla" natameme siya at namula ang buong mukha.
"K-kumain k-ka na nga. P-para kang s-sira." tinuro turo niya pa ang mga pagkain. Maahap kong hinawakan ang kamay niya at dahan-dahan itong dinala papunta sa mga labi ko. Siya naman ay napapalunok at namumula nag pisngi.
Malambing kong hinalikan ang kanyang kamay habnag titig na titig sa kanyang mga mata.
"I love you." usal ko. Napakagat siya sa mga labi at napayuko.
"Woi, I said I love you." ulit ko ng wala akong makuhang sagot mula sa kanya.
"Oo na nga, I love you too."
"Parang napipilitan ka lang naman eh." kunwari'y ay nagtatampo ako.
"Eh kasi nga nahihiya ako." mahina niyang sinabi pero sapat lamang para umabot sa pandinig ko. Napangiti ako. How cute my baby
"Ikinahihiya mong mahal mo ako? Ah gano'n eh di hindi mo nga ako totoong mahal." tumayo ako mula sa pagkakaupo.
"Para kang bata." nangingiti niyang saad.
"Lambingan mo nga kasi ang pahsabi ng I love you. Parang napipilitan ka lang kasi." I pouted my lips and she burst out laughing.
"Hindi bagay sa'yo ang ngumuso. Nagmumukha kang ibong trying hard na maging pato."
"Ah gano'n. Hindi mo na nga ako mahal, nilalait mo pa ako?" patuloy ko sa pagtatampo-tampuhan.
"Mahal nga kasi kita." natatawa pa rin niyang saad.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...