This chapter is dedicated to Aubeeng.!
Enjoy!
HALEY POV
"Mama, mama! wakey wakey na ikaw." nagising ako dahil sa pag-uga ng kamang kinahihigaan ko gayundin ang mumunting halik sa aking mukha.
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Rain.
Sabado ngayon, kaya wala akong pasok dahil sa nangyari kahapon at wala ring pasok ang kambal. Hinanap ng paningin ko ang orasan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kong alas syete na ng umaga. Napuyat kasi ako kagabi dahil sa kakaisip kung anong mangyayari ngayong nagkita na kaming magkakapatid. Hindi kasi kami nakapag-usap ng masinsinan kahapon dahil may biglaang nangyari sa kumpanya kaya ibinigay ko nalang ang address ko sa kanila. Tiningnan ko si Rain.
"Yes baby?" bumangon na ako mula sa pagkakahiga at saka naupo sa harap niya.
"May tao po sa baba. Dalawa." Itinaas pa nito ang dalawang daliri
"Huh?"
"Yes po mama. Dalawa sila, lalake." Pinagkrus pa nito ang dalawang kamay sa may bandang dibdib na akala mo matanda
"Lalake? Sino b-- Sila kuya.!" agad akong napatayo ng marealize kong baka nga sila kuya ang tinutukoy ni Rain.
Dali-dali akong pumasok sa banyo habang nakasunod sa akin si Rain na magkakrus pa rin ang mga kamay.
"Kuya? Kapatid mo po sila mama?" naguguluhang tanong ni Rain habang ako ay nagsesepilyo ng ngipin.
Dahil hindi ako makapagsalita ay tumango na lang ako.
"Sila po ba yung kinukwento niyo sa'min ni File?"
Tango ulit ang isinagot ko. Pagkatapos kong magsepilyo ay naghilamos naman ako. Pagkatapos ay dumiretso ako sa harap ng salamin saka nagsuklay.
"Where' Fire?" tanong ko kay Rain habang tinitingnan siya mula sa salamin.
"Tulog pa po. Andyan din po si Naynay. Siya ang nag entewteyn sa dalawang lalake."
Tumango tango naman ako. Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay kaming bumaba ni Rain.
Tama nga ako, sila kuya ang nasa baba. Prenteng nakaupo ang mga ito sa sofa naming may kalumaan na at hindi gaanong malambot kapag inuupuan.
"Kuya! Harrel!" I call them. Lumingon silang dalawa sa amin. Mabilis namang nagtago sa likod ko si Rain.
"Lee/Ate." sabay nilang tawag sa akin.
Mabilis akong lumapit sa kanila habang sila ay tumayo at masaya akong sinalubong ng isang mahigpit na yakap.
"Ang aga niyo naman." sabi ko ng bumitiw na kami sa yakap.
"Namiss ka namin eh, saka gusto na rin naming makita ang pamangkin namin." paliwanag ni Kuya habang pilit na sinisilip si Rain na nakatago pa rin sa likod ko pero panakaw nakaw ng tingin sa mga bisita.
"Pero mukhang ayaw ni baby girl." nakalabing sabi ni Harrel.
I chuckled saka tumalikod para harapin si Rain.
"Rain baby, mga kapatid ko sila. Si tito Harrem and tito Harrel." kausap ko dito.
Nakatitig lang sa akin si Rain habang nagsasalita ako.
"Hi baby! I'm your hot and handsome uncle." pakilala ni Harrel saka lumapit kay Rain, pero bago pa man nito mahawakan si Rain ay umigkas na ito para yumakap sa akin.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...