REID POV
Nakangiti sila, I can't believe it! I made them smile. Napakasarap sa pakiramdam.
Nakikita ko ang sigla sa mukha ng mga anak ko.
I want this day to be unforgettable and memorable for them. It's already 11:00 in the morning kaya naman ay tinawag ko na ang kambal.
"Where do you want to eat lunch?" I ask them, pero wala akong nakuhang sagot mula sa kambal.
'Akala ko pa naman okay na.'
"Ahm ano Reid, paborito nilang kumain sa jollibee." si Haley na lamang ang sumagot sa akin na noo'y nilalagyan ng bimpo si Rain sa likod, dahil wala atang balak sumagot sa akin ang kambal, ni hindi nga tumingin sa akin eh.
"O-okay, sige."
Gaya ng sinabi ni Haley ay sa jollibee kami kumain ng lunch. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi ko maiwasang maalala ang sarili ko sa kanila. Noong bata pa ako hilig ko rin ang kumain sa jollibee, idol na idol ko rin si jollibee. Kahit noong naging kami ni Haley ay sa jollibee ang hilig naming kainan. Masasabi kong isa iyon sa mga dahilan kaya magkasundong magkasundo kami
at
Mahulog ako sa kanya.
Tiningnan ko si Haley, busy siya sa pagpapakain sa kambal dahil ayaw naman nilang ako ang mag-asikaso sa kanila. Magkakatabi silang tatlo samantalang mag-isa lang akong nakaupo.
Pinagmasdan ko siyang maigi, she's very different from the other girls I have met before.
Masiyado siyang inosente pero napakatalino, masiyadong isip-bata pero napakamature pagdating sa pagdedesisyon, napakasimple pero ang lakas ng dating at maganda, mabait, matulungin, maawain, maalalahanin at higit sa lahat mapagmahal. Siya yung tipo ng babae na gugustuhin mong alagaan at protektahan dahil sa tingin mo ay isa siyang fragile at napakaprecious.
"Ahm Haley may sauce ka dito oh." sabay turo ko sa may gilid ng bibig ko.
"H-ha?"
"Ako na nga." kumuha ako ng tissue saka ako ang nagpahid ng sauce mula sa gilid ng labi niya. Naging parang napakaslow ng paggalaw ko dahil sa mga mata niyang lubhang nakakaakit. Nang marealize ko kung ano ang ginagawa ko at makita ko ang mukha nila Fire at Rain na nakakunot na ang noo, salubong ang kilay at masama ang tingin sa akin ay agad akong umupo ng maayos.
"What do you think you're doing?" matalas na tanong ni Fire dahilan para makaramdam ako ng pagkapahiya.
"Fire anak." suway ni Haley.
"Tss." umirap lamang si Fire sa akin.
"Pasensya na." napatingin ako kay Haley ng banggitin niya iyon.
"Hmm, ayos lang."
"Mama bakit ka nagsosorry?"
"Because what you did is wrong."
"And what he did is right?" sabay turo ni Fire sa akin. Si Rain ay tahimik lamang na nagmamasid sa amin.
"Fire! you're being too much." pabulong lamang iyon ngunit may diin ang bawat salitang binitiwan ni Haley sa anak. Mabilis na nangilid ang luha sa mga mata ni Fire.
Para namang nakonsensya si Haley dahil agad na nagbago ang ekspresyon nito.
"I-I'm sorry." ng tangkaing hawakan ang anak ay umiwas si Fire. Inusog nito ang upuan palapit sa kambal na agad namang hinimas ang likod niya.
Tumingin sa akin si Haley at kita ko ang maluha-luhang mga mata niyang nakatingin sa akin.
'This is all my fault.'
Natapos ang pagkain namin at agad ko na silang inihatid sa bahay nila. This is suppose to be a family bonding, a reconciliation but because of me nasira pa pati ang relasyon ni Haley sa mga anak.
Nakarating kami sa kanilang bahay na hindi nag-iimikan. Naunang bumaba ang kambal at pumasok agad ang mga ito sa bahay. Samantalang nanlulumong naiwan kami ni Haley sa sasakyan.
"I'm sorry Haley, pasensya na. I didn't mean to destroy your relationship with the twins."
"No no no, hindi mo kasalanan."
"No, it's my fault kaya hayaan mong ako ang umayos. Pwede ko bang kausapin ang kambal?" tumango naman si Haley.
Lumabas ako ng sasakyan saka sinundan ang kambal. Hindi nakalock ang kwarto nila kaya malaya akong nakapasok.
Bahagya pa silang nagulat ng makitang pumasok ako pero agad din iyong napalitan ng galit. Nakaupo sila sa kanya kanyang katre pero magkaharap ang mga ito na para bang nag-uusap sila bago ako pumasok.
"Get out of our room." walang emosyong saad ni Fire.
"Umalis na po kayo." mahinahong saad ni Rain pero masama ang tingin sa akin at para bang nagpipigil lang siya ng sarili.
"I want to talk to the two of you." payak akong ngumiti saka mas lumapit ako sa kanila.
"Huwag kang lalapit." Rain warned. Bahagya akong napatigil pero matapos ang ilang segundo ay muli akong nagtuloy sa paglapit. I miss her being sweet to me. Nang maabot ko ang paanan ng kanilang katre ay tumigil ako sa paglalakad. Umupo ako sa hulihang bahagi ng higaan ni Fire.
"May nais lang akong sabihin sa inyong dalawa. Can you please atleast give me some minutes so I can tell it to you." puno ng pagsusumamo ang boses ko. Nagkatinginan silang dalawa pero walang umimik.
'Silence means yes. This is it Reid.'
"Your mom and I were schoolmates." simula ko. "I was a jerk back then. I have peers and our favorite entertainment is to have a bet everytime we got bored of our life. That's how we entertain ourselves because of the pressure our family was giving us. That was our only escape." I sighed, pero taimtim lang silang nakikinig sa akin. "Then your mother became one of our target. The bet was to make her fall in love with me, and broke her heart or dump her after that. I thought it would be easy for me because I know deep inside I will never fall for her. But I was wrong." pumikit ako ng mariin
"She was the girl who made my world go around. She was so sweet, napakabait niya, charming, maalalahanin, maganda, matalino at wala na akong mahihiling pa. Then hindi ko namalayan ang pagkahulog ko sa kanya. I love her and still loving her. But then Rachelle came." Napangiti ako ng mapait ng biglang bumalik sa akin ang mga mapapait na mga alaala.
"Rachelle was my ex, she was obsess at me at kaya niyang gawin ang lahat para mabawi ako. Even bad things." tinitigan ko sila sa mga mata. "I was scared, she threatened me na sasaktan at patatalsikin niya si Haley sa school, dahil pag-aari nila 'yon. At hindi ko kaya na mawala lahat ng pinaghirapan ng mommy niyo, ayaw kong mawala ang pangarap niya. She once told me that it is always been her dream to study to that prestigious school. So I made the most hard decision. I admit I became a coward and a jerk. That time hindi ko alam that she was having my babies -- our babies at kayo 'yon. Tapos after weeks di na siya nagpakita at wala akong ideya kung saan siya nagpunta. Believe me, hinanap ko siya but I failed to found her. Alam kong napakabata niyo pa para maintindihan ang mga bagay na sinasabi ko pero I want you to know all of this. And now I found you. I'm too happy. I'm sorry for everything patawarin niyo si papa." Pumiyok ang boses ko. Nagsimula na ring pumatak ang mga luha ko.
'Here we go again.'
Pinakalma ko muna ang sarili ko bago nagsalitang muli.
"I'm willing to do everything just for you to forgive me."
I deeply sighed.
"Okay then.
GET OUT OF OUR LIVES."

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...