IKA-DALAWAMPU'T DALAWA

138 7 1
                                    

HALEY POV

"What happened?" agad na tanong ko ng makasalubong ko si Reid sa hallway habang karga karga si Rain na umiiyak. Katatapos lang naming mag-usap ng Doktor about sa condition ni Fire.

"I'm sorry Haley. Nag-away ang kambal because of me. I'll take care of Rain, Fire needs you." kita ko ang bahagyang pamumula ng mga mata ni Reid. What happened?

Tumango ako. "Okay." Hinalikan ko si Rain sa pisngi saka hinaplos ang likod.

"Hush now Rain, everything will be alright." nginitian ko si Reid at gumanti naman ito ng tango at matamlay na ngiti. Mabilis akong naglakad papuntang kwarto ni Fire.

Naabutan kong nakatalukbong si Fire ng kumot habang panay ang yugyog ng mga balikat. Rinig ko rin ang mga hikbi nitong bagamat mahina ay tama lang para marinig ko. Dahan dahan akong lumapit at umupo sa kama nito.

"I *hik* w-want *hik* to be *hik* a-alone." garalgal at namamaos ang tinig ni Fire. Halos hindi rin ito makapagsalita ng maayos dahil sa sunod sunod na paghikbi. Awang awa ako sa anak ko. Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito umiyak. Parang wasak na wasak siya. Sobra siyang nasasaktan. Agad na tumulo ang luha ko. Hindi ko kaya ang makitang ganito ang anak ko. Napakasakit, sobrang sakit.

"G-gusto mong u-umalis si M-mama?" malambing kong hinaplos ang bandang ulunan nito na hanggang ngayon ay natatakpan pa rin ng kumot.

Agad na inalis ni Fire ang kumot at agad na yumakap sa akin. Namumula ang mga mata nito, muli siyang humagulhol habang nakayakap sa akin.

"M-mama *hik*, k-kung *hik* h-hindi pala *hik* d-deserving si *hik* R-rain na *hik* na m-masaktan, *hik* i-ibig bang *hik* s-sabihin na *hik* d-deserving *hik* akong m-masaktan?" ang sakit sa boses ni Fire, ang paghihirap ng loob nito at ang paghagulhol nito ay dahilan para yakapin ko ito ng mahigpit.

"Anak, h-hindi ka deserving na masaktan. You know kung gaano ka kamahal ni Rain hindi ba? Mahal na m-mahal din kita. Kaya tahan na Fire, tahan na baby. Mama will make sure that everything will be okay." basag na rin ang boses ko dahil sa pag-iyak.

'Di bale ng ako ang mahirapan, wag lang ang mga anak ko dahil pakiramdam ko mas triple ang sakit at hirap sa tuwing sila ang nakikita kong nasasaktan at nahihirapan.

"You want to sleep Fire.?" Tumango naman ito. Pinunasan ko ang mukha nitong basang basa ng luha. Pagkatapos ay isinunod kong punasan ang mukha ko. Tinulungan ko rin itong makahiga ng maayos at kinumutan ko ito hanggang sa may bandang dibdib.

"Kakantahan ka na lang ni Mama para makatulog ka, ayos ba?" tumango ito ulit. Nagsimula akong haplusin ang buhok nito.

"Just close your eyes

Take in the tune I send to you

Oh my lullaby

Can soothe when your friends have moved to Neptune."

Dahan dahang pumikit si Fire.

'I'm sorry anak, kung pati kayo ay nahihirapan dahil sa kagagawan ni mama.'

"It must be the way that I can hear you say this now

Don't be afraid just know that I will be with you somehow

All of your cries soon they will drown in my lullabies

Just close your eyes, just close your eyes."

'Patawarin mo si mama anak. Patawarin mo si mama kung naging mahina ako. Patawarin mo si mama na naging selfish ako. Patawarin mo si mama na naduwag siyang sabihin sa papa niyo ang totoo, kasi anak - kayo lang ang pinakamahalaga para kay mama. Natakot akong baka masaktan lang kayo. Hindi ko kakayanin na makita kayong nasasaktan. I'm sorry.'

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon