HALEY POV
"You can do this Haley! Woohhh! Kaya mo 'to!" kausap ko sa sarili ko habang nakatayo sa harap ng salamin at nakikita ko ang sarili ko.
Isa pang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako lumabas ng banyo. Andito na kami sa venue at sobra na ang kabang nararamdaman ko. Mga staffs pa lang na mag-aasisst sa amin, mga reporters na nag-aabang at ang master of ceremony ang nandito. Nakaayos na ang lahat at hinihintay na lang namin ang mga bisita. Napakalaki ng El Ranta Hall at talaga namang kaaya aya ang lugar. Sa Garden nito idadaos ang pagcecelebrate ng anibersaryo. May stage ito na siguro kung may fashion show ay kakasya dito.
Katulad ng sabi ng aming assistant manager ay may mini park ang venue at safe ang lugar. May mga puno sa loob at nakaorganize ang mga ito, halatang alagang alaga gayundin ang mga bulaklak at halaman. Hindi maitatatwang maganda ang mga ito kahit pa gabi. May isang dambuhalang fountain rin doon na pagkaganda ganda ng disenyo, nagliliwanag sa ganda ang pag-iba iba ng mga kulay sa tubig.
Nakapwesto kami kaharap ng stage at ang ibig sabihin lang no'n ay makikita namin ang lahat ng tao at makikita kami ng lahat ng tao.
"Ayos ka lang ba Friend?" tanong ni Av ng makitang bumuntong hininga ulit ako.
"Ayos lang ako Av." kahit anong kaba ang nararamdaman ko, pilit akong ngumiti ng matamis kay Av. Ayaw kong mag-alala na naman siya at maapektuhan ang trabaho niya.
"Basta friend andito lang ako ha?"
"I know Av." tinapik niya muna ako bago lumapit kay Manager nang tawagin siya nito. Napaayos ako ng tayo ng makita kong may pumasok na babae't lalake. Nasa bandang gilid lang ng pwesto namin ang entrance na mayroon pang nakalatag na red carpet.
Hula ko ay mag-asawa ang mga ito dahil nakaangkla ang kamay ng babae sa braso ng lalake. Matamis ang ngiti ng babae ng inilibot ang tingin sa buong lugar. Agad namna silang kinunan ng litrato ng mga reporters saka tinanong tungkol sa selebrasyon. Kahit may edad na ang mga ito ay nanatiling maganda at gwapo ang mga ito. Bumagay sa mga ito ang suot na mamahaling mga damit.
Sunod sunod akong napalunok ng pumasok ang mama at papa ni Reid. Although hindi nila ako kilala pero kilalang kilala ko sila. Palagi kong nakikita sa diyaryo ang pamilyang Dela Vega at sa tuwing nakikita ko silang magkakasama at masayang nakangiti habang kinukunan ng litrato ay inggit ang nararamdaman ko.
Inggit dahil ni minsan di ko pa naranasang makuhanan ng litrato kasama ang pamilya ko at ipupublish pa sa mga diyaryo. Ipinakikilala lang kami sa business world kapag nakapagtapos na kami sa pag-aaral at nakakuha ng mataas na honor. Nakilala si kuya Harrem ng mga tao na anak ng may ari ng Villaruiz Shipping Corp at may-ari ng Din's Clothing line dahil lumaban si kuya sa larangan ng Olympics sa Hawaii. Ipapakilala na dapat ako on my 18th birthday but then they found out that I'm with a child kaya pinilit nila akong ipalaglag ang dinadala ko.
Muli akong napatingin sa mga magulang ni Reid. Ang swerte mo Reid, sobrang swerte.
Sunod sunod na ang pagdating ng mga bisita at sunod sunod na rin ang pagsalsa ng kaba sa dibdib ko. Sa tuwing makikita kong hindi si Reid ang dumarating ay nakakahinga ako ng maluwag at muling hihigpit lang ang paghinga ko kapag may papasok na ulit.
Nandito na rin ang mga barkada ni Reid simula high school pati yung babae at lalake na kasama nila sa restaurant.
Gano'n na lang ang lakas ng tibok ng puso ko ng sa wakas ay pumasok na si Reid kasunod ng kapatid nitong si Jean Alexis.
Namamawis na ang noo ko at nanginginig ang mga kamay ko pero kahit nasa ganito na akong sitwasyon ay hindi ko pa rin maiwasang pasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.
BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...