HALEY POVMatamlay ang anyo na bumalik sa sasakyan si Reid.
"Ayos ka lang?" agad kong tanong, base kasi sa kanyang mukha ay mukhang hindi na naman sila nagkasundo ng kambal. Mamaya talaga ay kakausapin ko na ang kambal. Kailangan ko silang pagsabihan at paliwanagan.
Ngumiti siya ng pilit. "Yeah, ayos lang ako."
I sighed. "I'm sorry."
"For what?"
"I'm sorry for everything."
"Nah, it's not your fault. Don't be guilty Haley. Kung hindi dahil sa mga ginawa mo at mga sakripisyo baka hindi ko na sila nakita."
Ngumiti ako sa kanya na ginantihan niya rin naman ng ngiti. Ilang minutong katahimikan ang namayani bago siya nagsalitang muli.
"Pasok ka na sa loob, walang kasama ang kambal, siguradong hinahanap ka na nila."
"Hindi ka na ba papasok?" maaga pa kung uuwi siyang agad.
Umiling siya kasabay ng pagwawagayway ng kanang kamay sa harap.
"Hindi na, may kailangan pa akong gawin."
Tumango ako.
"Mauuna na ako kung ganoon." tumango lang naman siya.
"Ingat sa pagmamaneho at saka s-salamat sa araw na ito Reid."
"Salamat rin Haley." His voice is full of sincerity
Nagsimula akong maglakad papasok.
"Ah, Haley!" napalingon ako sa kanya ng tawagin niya ako.
"Mag-iingat kayo lagi." napatigil ako, dumagundong ang dibdib ko dahil sa kaba. Ang tono ng boses niya, bakit ganoon?
Parang namamaalam...
"I-ikaw din." Isang beses pa siyang ngumiti bago pinaharurot ang sasakyan.
Inihatid ko pa siya ng tanaw. "Ano ba talagang nangyari Reid?"
Pumasok ako sa loob ng bahay. Alas tres y media ng hapon pa lamang. Inilock ko ang pinto at saka dumiretso sa kwarto ng kambal. Nakalock ito kaya naman ay kumatok pa ako. Si Rain ang bumukas ng pinto. Nakabihis na ang dalawa ng pambahay. Si Fire ay nanatiling nakaupo sa kanyang higaan at nagbabasa ng isang libro. Siguro ay nagtatampo pa siya sa akin, hindi ko naman iyon sinasadya eh. Nabigla lang ako, at the same time naawa kay Reid.
Umupo ako sa dulo ng higaan ni Fire. Umupo rin si Rain sa gilid ng higaan niya.
"Pwede ko bang makausap kayong dalawa?" Ibinaba ni Fire ang librong binabasa saka tumingin sa akin. Nagkatinginan rin silang dalawa na para bang nag-uusap sa pamamagitan ng tinginan nila, saka sabay sila na tumango. I smiled and heave a deep sigh bago nagsimulang ibuka ang bibig upang magsalita.
"I'm sorry kung nasigawan man kita kanina Fire anak." saka ko tinitigan si Fire na nakatingin lang naman sa akin. "Hindi ko sinasadya anak, patawarin mo si Mama ha? Ang gusto ko lang naman ay bigyan niyo ng chance ang papa niyo." Huminga ako ng malalim
"Kasi mga anak naiintindihan ko ang nararamdaman niyo eh, I know kung gaano kayo nagalit sa papa niyo but it doesn't mean na hindi niyo na siya bibigyan ng chance. Mga anak he is your father, kahit pagbali-baliktarin niyo ang mundo, siya at siya pa rin ang ama niyo."
"B-ba't gano'n mama? Bakit niyo po siya kinakampihan?" nangingilid ang mga luhang tanong ni Rain sa akin
"Rain, h-hindi anak, listen to me, hindi sa kinakampihan ko ang papa niyo dahil sa tingin ko ay may kasalanan rin ako sa nangyari. Itinago ko kayo, kayong dalawa at 'yon ang pagkakamali ko. Nawalan ako ng lakas ng loob na sabihin sa kanyang b-buntis ako. Pinangunahan ako ng takot, takot na baka gaya ko ay ireject din niya kayo but I was wrong. Kaya huwag niyong isiping kinakampihan ko siya. Oo nga't nagkamali ang papa niyo pero hindi ba't parang unfair naman yata na hindi na niya kayo nakasama ng pitong taon tapos ngayong nakilala na niya kayo galit pa kayo sa kanya. Haayy." umupo ako sa tabi ni Rain saka ko hinaplos haplos ang pisngi niya.
BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...