HALEY POV"BILISAN mo na, maya-maya lang ay magigising na siya."
Nagmulat ako ng mga mata. Nakita ko ang tatlong babaeng nakapaligid sa akin.
"Ayan! Tapos na." hindi ko maintindihan kung ano ang mga pinag-uusapan nila.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko pero nakatali ito. Pinilit kong makaupo ng maayos.
"S-sino kayo? Anong ginagawa niyo sa akin?" nangilid ang mga luha ko.
Ano ba itong nangyayari sa akin? This day is supposed to be special, but look what's happening to me.
Ni hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging rason para kidnapin nila ako eh.
"Naku Ma'am, huwag po kayong iiyak. Masisira po ang make -up niyo." mabilis na lumapit ang isang babae sa akin at saka dahan-dahang pinunasan ng tissue ang nangigilid kong luha. Nangunot ang noo ko.
Anong make-up?
Tinitigan ko ang sarili ko at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng makitang nakasuot ako ng magarang damit at magarang sandals.
"B-bakit ganito ang s-suot ko?"
'Kung anuman itong pakana nila ay wala akong oras para sa ganito, ang mga anak ko. Kailangan kong hanapin ang mga anak ko.'
May kinuha ang isang babae at hinarap sa akin iyon.
Nakita ko ang sarili ko, nakita ko ang repleksyon ng mukha ko sa salamin.
Naka-ayos ang mukha ko.
Siguro kung hindi lang ako nasa pinakamahirap na sitwasyon ay matutuwa ako. Pero hindi eh. Hindi ko kailangan ang mga ito, tanging ang mga anak ko lang.
"P-please, hindi ko alam kung bakit ginagawa ninyo ito. Pero kailangan kong hanapin ang mga anak ko. Pakawalan niyo ako, please." pagmamakaawa ko.
"Pasensya na po Ma'am pero sinusunod lang po namin ang sinasabi ni Sir."
Sir? Yung boss ba ng kumidnap sa akin?
As if on cue ay bigla na lang nagpatakan ang mga luha ko. Nagkagulo sila para mapatigil ang pagluha ko.
"Ma'am tahan na po kayo. Huwag na po kayong umiyak." hindi magkandaugaga ang isang babae sa pagpunas sa mga luha ko.
Pero kahit ano ang sabihin nila ay di pa rin nila ako mapatigil sa pag-iyak.
Napatingin ako ng bigla na lamang bumukas ang pintuan. Maging ang tatlong babae ay napatigil sa kanilang mga ginagawa. Pumasok ang tatlong nakamaskarang lalake.
"Patahanin niyo siya." matigas na utos ng isang lalake. Somehow his voice sounds familiar.
"O-opo. Ma'am tahan na po kayo." baling ulit ng isang babae sa akin. Samantalang ang dalawang babae ay nakatingin lang naman sa amin.
"S-sino ka? A-nong kailangan niyo sa akin?" nanginginig na tanong ko.
"Itigil mo ang pag-iyak mo, kung gusto mo pang makita ang mga anak mo."
Napatigil ako. Naestatwa ako dahil sa sinabi ng pangalawang lalake.
"W-what?"
"Kami rin ang kumidnap sa kambal mo."
Nanlaki ang mga mata ko. Nanginig ang mga labi ko.
"Nasaan sila? B-bakit niyo ba ito ginagawa sa akin? W-wala naman akong ginawang masama sa inyo ah." humahagulhol kong sabi.
BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
РазноеYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...