Sorry sa mga typos and errors guys, but i'll try my best to edit it as soon as possible.
REID POV
"Kuya, may asawa at mga anak na pala siya?" tanong ni Alexis ng makaalis na sila Haley.
"Yeah." mahina kong sagot.
"Paano na yan?" napapadyak pa siya at bumusangot ang mukha.
"Anong paano na yan? Bakit?" tanong ko dito
"Paano ka na kuya? Akala ko pa naman siya na ang magiging sister-in-law. Ang ganda niya kaya saka ang bait." ngumiti pa ito habang magkahugpong ang dalawang kamay.
"Tss."
Kung nag-asawa na talaga si Haley eh bakit di ko nakikita ang asawa niya? Bakit sa loob ng walong taon ay di pa nadyadiyaryo si Haley na anak siya ng may ari ng Villaruiz Shipping Corporation? Bakit nagtatrabaho siya eh mayaman naman sila? Bakit???
"Eto naman worried lang ako sa'yo na tumanda kang walang asawa. Pero alam mo kuya, pwede mo naman siyang sulutin sa asawa niya. Susuportahan kita!" tinaas pa nito ang kanang kamay na parang nangangako.
"Tumigil ka Alexis sa kalokohan mo. Tara na nga." aya ko dito.
"Teka kuya, marami pa akong gustong itanong sayo eh." pinigil ako nito mula sa paglalakad sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Tulad ng?" tumaas ang kilay ko.
"Kaano ano ni Ate Haley yung mga Villaruiz na magkapatid?"
"They're siblings." mabilis kong sagot. Nanlaki naman ang mga mata niya.
"H-How come? I mean pa-paano? Bakit hindi ko man lang siya kilala? Bakit hindi siya nafifeature sa mga dyaryo? Saka kung talagang kapatid nga nila si Ate Haley eh bakit nagtatrabaho si Ate Haley?" confusion is evident on Alexis' face.
Napabuntong hininga naman ako.
"I still don't know the answers Alexis, ang alam ko lang magkakapatid sila."
"That explains why the twins was with the Villaruiz siblings."
Gamit ang kanang kamay ay namewang si Alexis. Ang kaliwa niya namang kamay ay nakahawak sa ulo niya.
"Gosh, nakakaloka ang life ni Ate Haley ah. Ang gulo gulo." nagpabalik balik pa ito sa paglalakad.
"Dude, Alexis, andito lang pala kayo. Hinahanap kasi kayo nila Tito at Tita." sabi ni Jun. Tumango naman ako sa kanya. Kasama nito ang nobya na ngumiti rin muna sa amin bago sila naglakad paalis.
"Hey Alexis, kung ano man ang sinabi ko ngayon sayo tungkol sa mga Villaruiz, keep it as a secret to anyone and to everyone."
"Yes kuya." tumango naman ito.
"Good." sabay kaming naglakad ni Alexis papuntang table namin.
"Oh, Reid, Alexis, where have the two of you been?" agad na tanong ni Mom ng makita kami.
"Diyan lang po sa may mini park."
"Oh I see. Did you already eat?" tumango naman kami ni Alexis.
"Where's dad?"
"May mga kausap na mga negosyante." tumango naman ako.
"Bro, ano na? Nalaman mo ba kung kaano ano ng Villaruiz siblings yung anak ni Haley saka kung anong relasyon ng batang lalake sa batang babae?" bulong ni Ethan, na katabi ko lang. Hindi kasi alam ng barkada kung kaano ano ni Haley sina Harrel and Harrem. Nang sinabi kasi 'yon ni Haley sa akin ay sinabi niyang wag ko daw sasabihin kahit kanino. Kaya hindi ko ikwinento sa barkada.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
CasualeYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...