IKALABING SIYAM NA KABANATA

127 6 0
                                    

      HALEY POV

"Where's Fire?" agad nabaling ang atensyon naming tatlo sa pamilyar na boses na 'yon.

"TITOOO!" mabilis na tumayo si Rain mula sa pagkakaupo sa gitna namin ni Reid saka agad na sinalubong sila Kuya. Magkakasama sina Kuya Harrem, Harrel, Av at si Nanay Dolores. Sabay naman kaming napatayo ni Reid mula sa pagkakaupo.

"God! Are you okay Baby? Did something happen to you?"

"Baby, don't you feel any pain? Are you hurt?" Agad na kinarga ni Kuya si Rain saka sunod sunod nila itong pinagtatanong.

"Ayos lang po ako Tito, si File po, andami niya pong dugo tito."

"Frieenndd." agad akong sinalubong ng yakap ni Av. Mahigpit ko rin naman siyang niyakap. Kailangan ko 'to ngayon. Kailangan ko sila ngayon. Ang yakap nila ang magsisilbing lakas ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko at magtubig ang gilid ng mga mata ko.

"A-av, hindi ko alam k-kung anong g-gagawin ko. Hindi ko kayang mawala ang anak ko. Ayaw ko Av. Hindi ko kakayanin kapag nangyari 'yon."

"Ano ka ba friend, magtiwala ka kay Fire. Alam mo naman ang inaanak kong 'yon sobrang sungit pero napakaresponsable at palabang bata." rinig ko na ang pagkabasag ng boses ni Av.

"I know Av, and I trust my son."

"What are you doing here?" inis na tanong ni Harrel kay Reid.

"Harrel." tawag ko dito. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang panyong binigay ni Av.

"He shouldn't be here." pagmamaktol ni Harrel.

"Stop being childish Harrel. Pagkatapos ng problemang ito saka natin aayusin ang problemang iyan." tumango si Kuya kay Reid at tinanguan naman ito ng huli.

"Ay harujusko! Ano ba ang nangyayaring ito?" narinig kong sabi ni Nanay Dolores. Halos si Nay Dolores na kasi ang tumayong lola ng mga anak ko at nanay naman sa akin.

"Maghintay na lang tayo, tanging pagtitiwala at pananalangin ang magagawa natin ngayon." sabi ko.

"Tama 'yon." sang-ayon naman ni Av.

2 hours...

Dalawang oras ng nasa operating room si Fire.

Dalawang oras na kaming naghihintay sa labas ng O.R.

Dalawang oras na kaming nananalangin na sana maligtas ang anak ko.

Dalawang oras na kaming hindi mapakali at;

Dalawang oras na akong punong puno ng kaba at pag-aalala.

*Riinggg riinnngg* nabaling ang atensyon namin kay Reid ng tumunog ang cellphone nito. Mabilis nitong kinuha ang cellphone mula sa bulsa saka tumayo at sinagot ang tawag.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya saka ibinaling na lang sa natutulog na si Rain na nakaunan sa hita ko. Ang anak kong 'to napapabayaan ko na, kanina sila Av ang sumama dito para kumain but I know na maiintindihan ni Rain ang lahat gaya ng pag-intindi niya sa mga pangyayari ng hindi nila pagkikita ng ama kahit hindi niya pa alam ang tunay na dahilan at pangyayari.

"Mom... I can't go... Yes, I'm serious... No... Yes, this is more important than anything else... I'm sorry but no mom... bye." saka tinapos ni Reid ang tawag. Narinig ko pa ang malalim nitong pagbuntong hininga. Tumingin ako sa kanya.

Galit kaya siya sa akin?

'Malamang Haley, ikaw ba naman itago sayo ang tungkol sa anak mo, hindi ka ba magagalit?' tanong ng isang parte ng utak ko.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon