IKALABING APAT NA KABANATA

126 7 0
                                    

     HALEY POV

Balisang-balisa na ako. Nakita kong nag-uusap sina Reid, Kuya Harrem, Harrel at ang kambal.

Oh God! Ano na ba ang nangyayaring 'to.

"Cindy CR muna ako hah? Kayo muna dito." paalam ko

Kailangan kong makausap sila kuya. Hindi 'to pwede. Masiyadong nagiging maliit ang mundo namin ni Reid at ang kambal.

Agad akong naglakad sa direksyong papunta kay Av. Kailangan kong humiram ng cellphone para matawagan ko si kuya at mapakiusapang iuwi na ang kambal. Hindi naman pwedeng mag-usap kami dito ng harap harapan dahil gagawa 'yon ng malaking eksena. Ayaw kong magbago ang pakikitungo sa akin ng mga katrabaho ko dahil lang sa nalaman nilang ako ay nagmula sa isang mayamang angkan.

"WAIT! MISS! Excuse me Miss!" huminto ako at lumingon sa may-ari ng boses.

Nasa may mini park na ako, dadaanan kasi 'yon papunta ng kusina. Andoon kasi si Av nakaasign.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ito. Jean Alexis Dela Vega - Reid's younger sister. Tumingin siya sa akin.

"Sandali lang miss."

Sa pagkakaalam ko ay hindi naman ako naipakilala ni Reid sa pamilya niya kaya bakit ako kakausapin ng batang 'to?

Napatampal ako sa noo ko ng maalalang baka tinawag ako nito dahil may gusto itong kainin o kaya'y ipakuha. Nakasuot ako ng pang waitress na damit kaya malamang 'yon ang dahilan kaya ako napansin.

"A-ako po?" tinuro ko pa ang sarili ko para masiguradong ako nga ang tinawag niya. Lumingon lingon pa ako para suriin kung mayroon bang mga tao na maaaring siya ang tinatawag ni Alexis.

Pero wala akong nakitang mga taong nakatingin sa amin. Then suddenly I heard her chuckled. I look at Alexis, she's chuckling.

"Ikaw nga, hindi ba't ikaw si Ate Haley? Tama ba?" nangunot ang noo ko. Paano niya ako nakilala. Tumango ako, ngumiti naman siya ng pagkalaki laki.

"Oh my gosh! I can't believe it. Sa wakas nagkita na din tayo!" tumakbo siya sa akin na parang sabik na sabik saka ako niyakap ng mahigpit.

"Oh my gosh, oh my gosh! I finally found you! Sobrang ganda mo." she's jumping while giggling.

"A-ah eh, hehe, pa-pasensya na pe-pero ano p-pong ka-kailangan niyo Ma'am?" hindi ko talaga maintindihan kung bakit niya ako niyakap. Bumitiw siya sa yakap saka nakangusong tumingin sa akin.

"You are kuya Reid's ex-girlfriend, am I right?" nanlaki ang dalawang mata ko dahil sa sinabi niya. Kilala niya ako? Tila naman nabasa niya ang nasa isip ko dahil matamis siyang ngumiti.

"Yeah, kilala kita. Hindi nga tayo nagkakilala noong kayo pa ni kuya. But nakilala kita, dahil nakita ko ang mga pictures mo sa room at cellphone ni kuya. Nalaman ko ring Haley ang pangalan mo it's because lagi kang nababanggit ni kuya tuwing lasing. I guess that was the time when you guys broke up." nakita kong lumungkot ang ekspresyon nito pero agad din itong ngumiti ng makita nitong nakatingin ako sa kanya.

"Anyway, sobrang saya ko talaga na sa wakas nagkita na tayo sa personal."

"Ah hehe." Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa pagkikitang ito namin ni Alexis. Siguro kung nagkita kaming dalawa 7 years ago, noong mga panahong kami pa ni Reid at baliw pa ako sa kanya ay siguro sobrang saya ko. Pero ngayon? hindi ko na alam kung ano ang dapat kong sabihin at gawin dahil ibang iba na ang sitwasyon namin ng kapatid niya.

"Mama?" napalingon ako dahil sa boses na nagsalita

Nakita ko si Fire at Rain. Nagtataka silang nakatingin sa akin.

A Greatest Mistake of an InnocentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon