HALEY POV
"File sowe na, hindi naman kita hate eh. Ang sabi ni Papa ay baka nagulat ka lang kaya ka nakapagsalita ng gano'n. Kaya sowe na File." patuloy ang pagkalabit ni Rain kay Fire na nakahigang patalikod naman sa kanya. Tunay ngang pagkatapos ng tanghalian ay agad na kinausap ni Rain ang kambal.
Nakasilip lang ako sa kanilang dalawa, ang sabi kasi ni Rain ay siya na daw ang bahala na makipagbati sa kapatid.
Habang nakatingin sa kanila ay pansamantalang naglakbay ang isipan ko sa mga nangyari kani kanina lang sa aming tanghalian.
Napakatahimik, walang maririnig na salita mula sa kambal. Panay lang ang kain ng mga ito. Karabi ko si Fire habang napapagitnaan namin ni Reid si Rain
Nakakapanibago lang...
"Rain hindi ba paborito mo itong adobong shrimps?" sinubukang basagin ni Av ang katahimikan.
"Mas gusto ko po ng chicken ngayon tita, File hindi ba't paborito mo ang fried chicken. Eto oh, sayo na ang leg." alok ni Rain sa kambal. Napangiti ako ganoon rin ang mga kasama namin sa hapag pero napawi ang aming mga ngiti ng hindi man lang ito pansinin ni Fire. Napayuko si Rain at natahimik. Agad ko naman itong hinaplos sa likod saka binulungang ayos lang. Binalingan naman ni Fire ang gulay na nasa harapan ni Reid ngunit ng inabot ito ng ama at ibinigay sa kanya ay bumaling naman ito sa ibang ulam. Napapahiyang ibinaba ni Reid ang mangkok na hawak at saka bumaling nalang ulit sa kanyang plato.
Nagkatinginan nalang kami nila Kuya at Av.
Nauna ring natapos kumain si Fire at agad na nagpaalam para magpahinga. Nakakalungkot at sobra akong nasasaktan.
"Mauna na ako Friend ah, kailangan kasi ako sa bahay saka papasok rin ako ng trabaho ngayong hapon eh." Paalam ni Av habang hawak hawak ang dalawa kong kamay. Nauna ng umalis si Nay Dolores, sila kuya at Harrel dahil may dadaluhan itong okasyon.

BINABASA MO ANG
A Greatest Mistake of an Innocent
RandomYung pakiramdam na tinalikuran ka ng lahat, Yung pakiramdam na iniwan ka ng lahat, Yung pakiramdam na inabandona ka ng lahat, Yung pakiramdam na itinakwil ka ng pamilya mo, Yung pakiramdam na itinaboy ka ng mga kaibigan mo, Yung pakiramdam na hinusg...