Chapter 1: Meet Jazriel

168 5 1
                                    

Ako si Elise Jazriel Soriano.
Ang ganda ng pangalan ko ano?
Hehehe joke lang.

14 years old.

Ang nga sumusunod na mababasa mo ay totoo. Kahit gaano man kahirap paniwalaan totoo ang lahat ng ito.

Itigil mo na ang pagbabasa kung ayaw mong malaman ang katotohanan. Kung gusto mong manatiling normal ang buhay mo. Huwag Ka nang magbasa.

Ano desedido Ka talaga? Gusto mo talagang malaman puwes Bahala Ka kung anong manyari ginusto mo ito eh. Ano mang malaman mo huwag na huwag mong ikwento sa magulang mo o sa kaibigan mo o kahit sa pinakapinagkakatiwalaan mong tao. Kasi kapag nalaman nilang may alam ka. Hahanapin ka nila. Papatayin ka nila.

At kung may mga katanungan ka kagaya ko tungkol sa kung bakit nangyari ang big bang? Bakit wala paring natutuklasan na planetang may buhay? Bakit may black hole? Bakit ka nagtatanong ng mga ganitong katanungan? Bakit?!

Gusto mong masagot ang katanungan mo? Gusto mong gumaling ang pagiging ignorante mo?

Kung ganoon ay tapusin mo itong libro. Nasa sa iyo kung maniniwala ka o hindi. At kung naniniwala ka naman hintayin mo ako at hahanapin kita, dahil baka katulad rin kita, isang sui generis na hindi alam ang kapacidad niya.
......

Naisip mo ba kahit minsan ang mga weirdong katanungan na hindi mo inaasahang bigla bigla na lang lilitaw sa isip mo.

Katulad ng, Ano ang mga aliens? Totoo kaya sila? Sa lawak ng universe tayo lang ang mga natatanging nilalang na mayroon talino ? I don't think so.

Puwes ako oo. Madalas nga akong mabansagang weird at baliw.

Dahil sa ganitong pamamaraan ng isip ko. Magmula ng regaluhan ako ni Papa ng telescope. Naadik na ako sa wonders ng universe. Bumili pa nga si papa noon ng isang entire collection ng mga libro patungkol sa universe noong 8th birthday ko.

Hay pasalamat na lang talaga at iniwan ako sa tapat ng bahay niya. Kahit na hindi ko siya tunay na magulang ay palagi niya akong sinoportahan.

Ngunit si Papa ay seaman kaya paminsan minsan ko lang siya nakikita. Kaya lumaki rin akong uhaw sa pagmamahal ng magulang.

Pero hindi ako nagsulat ng librong ito para sabihin at ilabas ang aking hinanakit sa buhay.

Sige simulan na natin ito.

Ang huling araw ng aking buhay kung san ako ay normal.

January 22,2016

Tahimik akong kumakain sa bench sa ilalim ng puno dito sa school namin. Lunch noon at kanya kanyang kain ang mga estudyante. Sa cafeteria.

Habang ako nandito sa at kumakain kasabay ang best friend kung si Mark.

Oo may kaibigan ako. Hindi porket weird ako eh antisocial ako. Kasi weird din itong kaibigan ko.

Si Mark Jester Dela Rosa. Henyo iyan Henyo sa mathematics at Science. Hindi lang pala sa Mathematics at Science sa lahat pala ng subject! Magaling rin siya pagdating sa computer. Pero hindi siya mayabang as in down to earth lang.

Hindi rin siya nakasalamin. Hindi naman Malabo ang mata niya. Wala siyang braces. Maayos ang ngipin niya.

" Mark, alam mo bang May planetary conjunction na magaganap mamayang gabi!" Sabi ko

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon