Chapter 12: Sandal

33 2 0
                                    

" San tayo pupunta?" Tanong ni Mark.

" Sa Phobos." Sagot naman ni Abi.

" Phobos, diba iyon yung moon sa Mars?" Tanong ko.

Tumango naman si Mark at Abi.

" Teka nga lang kilala mo ba si Jonathan Swift?" Tanong ni Mark kay Abi.

" Oo naman. Kilalang kilala ko! Siya yung taga planetang earth na naligaw sa planetang Emria. Iyong pinakamaliit na planeta. Iniligtas niya pa nga ang kaharian ng Lilliput. Tapos..."

" Sabi na nga ba eh. Si Jonathan swift ay nag come in contact na sa extraterrestrial life.Siya ang nag isang author ng Gulliver's travel. At idinescribe niya ang exact size at rotation ng Phobos at Deimos isang daang taon bago ito madiscover. " giit ni Mark.

Yumuko na lang ako.

" Pasensya na po kayo sa best friend ko umiiral nanaman iyong pagiging nerd niya." Sabi ko.

Tiningnan ko si Justin
Aba poker face parin. Si Abi naman ay tila na aamaze kay Mark.

" Abi, san matatagpuan ang wormhole papuntang Phobos?"  Tanong ni Justin.

Tumahimik ang paligid
Pinagmasdan ko ang reaksyon ni Abi.

Mukhang hindi maganda ang magiging sagot niya.

" Pasensya na pero isa lang ang wormhole na alam ko na malapit sa atin. Yung wormhole sa Mris City. At iyong worm hole na iyon ay naglelead sa Earth. " sabi ni Abi.

Hala paano na iyan?

" Teka ano ng gagawin natin?" Tanong ko.

" Sa ngayon mas maganda kung magpocus muna tayo sa kung papaano tayo makakapunta sa Mris City ng sa ganoon ay hindi natin ma istress ang ating mga sarili " sabi ni Mark

" Sa tingin ko ay hindi magandang ideya iyon. 29 days na lang ang natitira upang mahanap natin ang prinsesa. Dahil kapag natapos ang kasagsasagan ng planetary conjunction ay hindi pa siya nahanap ayon kay Maria ay ikunsidera na ng bigo ang misyon na ito." Paliwanag ni Justin.

Tumango nalang si Mark.

" Gaano ba kalayo iyong Mris city? " tanong ko kay Abi.

" Mga siguro nasa limang oras." Sabi niya.

Pagkatapos ay pumikit siya. Pagmulat niya ay kulay blue na ang mata niya. At into unting nabuo ang isang mapa mula sa kawalan.

Napa OMG ako.

Ang lupit ng kapangyarihan ni Abi!

" Nga pala eto iyong mapa. " sabi ni Abi.

Inabot niya ito kay Justin. Si Justin naman ay inihinto ang sasakyan.

Pero matapos noon ay bigla kaming nakarinig ng busina ng sasakyan.

" Hoy nagmamadali kami dito! "  Sigaw ng isang alien na hindi ko na idedescribe dahil background character lang. Sayang sa effort.

" Sorry po!" sigaw ko.

" Bilisan ninyo baka magkatraffic!"sigaw nung alien.

Ibinaba ni Justin ang altitude at taas ng sasakyan namin kaunti tsaka humarurot na paalis iyong alien. Aba ang lawak lawak ng space! Ang emote. Maka extra lang. Hmmmp nakakainis. Tiningnan ko si Justin mukhang nahihirapan siyang isaulo iyong mapa.

" Justin, Siguro mas maganda kung si Mark na lang muna ang pabasahin ninyo nung mapa. Mabilis ang memorya ni Mark at makakapagpokus kapa sa pagdradrive. " mungkahi ko.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon