Chapter 10: Hanapin

35 3 0
                                    

At muli ay napuno nanaman ng hagikgikan.

Na pansin kung nag gabi na.

Maya maya ay biglang may nagsalitang babae.

" Mag ka love life kana kasi."

Napatingin ako sa babae.

Anak ng tokwang iprinito at ilinublob sa ipot ng kalabaw?!

Tama ba ang nakikita ko???

Ako!? Jusmeyo imposible. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Ang hilig ko kayang tumingin sa salamin.

" Ano nanamang trip mo at kung sino nanamang mukha ang ginaya mo? Charmaine" nag iba ang anyo yung babae at this time iba na ang itsura niya. Naka soft curls ang blonde niyang buhok at kulay labanos mustasa na ang kanyang kutis. Nakasuot siya ng palda na hanggang tuhod at may sukbit na bow and arrow sa likod niya.

" Mag iingat ka doon. " sabi ni Charmaine.

Ngumiti naman ang lahat. Patakbong lumapit si Red dun sa Charmaine at hinalikan niya ito sa ilong.

" Mahal na mahal kita Charmaine.pwede bang ikaw nalang ang love life ko? " sabi ni Red.

" Oo na! Sinasagot na kita" sabi ni Charmaine.

................

Naputol muli ang senaryo. Ngayon naman ay naka tayo si Red sa ulanan. Naka tutok ang isang baril sa isang lalaking naka tayo sa gitna ng ulanan ngunit hindi nababasa dahil sa may nagpapayong sa kanya. Unang tingin pa lamang ay alam mo nang respetado ang lalaki. Nakasuot ng ng suit at tie.

" Anong kailangan mo sa akin Charleston?" Tanong ni Red.

Nagbabaga ang kanyang mga mata sa gitna ng ulanan. Akala mo ay ang Charleston na tinutukoy niya ang pinaka masamang taong nabuhay. Well tao nga ba?

" Charles anak itigil mo na ang kahibangan na ito. Sumama kana sakin sa Planetang Crith. " sabi nung lalaki.

" Unang una hinding hindi ako sasama sa iyo! At pangalawa huwag mo ako tawagang anak dahil kahit kailan ay hindi ka naging ama sa akin. Lalong lalo na kila Erika at Abi! Pangatlo hindi Charles ang pangalan ko kundi Red!"sigaw ni Red.

Patuloy ang pagbuhos ng ulan.

" Bakit ba kasi hindi mo nalang tanggapin ang katotohanan? Ang mga kasama mong Kapatid ay replika lamang. Matagal nang patay ang totoong Erika at Abi. " sigaw nung Charleston.

" Manahimik ka! Hindi ako sasama sa iyo. "

" Charles,--"

" Sinabi nang Red ang pangalan ko!" Sigaw ni Red.

" Kung hindi ka sasama sa akin. Ipinapangako ko sa iyong dudurugin ko ang lahat ng mga mahal mo sa buhay. Hanggang sa wala ka ng mapuntahan at babalik ka sa akin.

Pero siyempre iispecial guest ko ang girlfriend mong si Charmaine. Maganda ang katawan ng batang iyon mukhang masarap ikama. Hahahahahahaha. Tapos ipapagahasa ko siya sa lahat ng tauhan ko hanggang sa mamatay. " sabi nung tatay ni Red.

Nakita ko na nagkulay pula ang mata niya. Pagkatapos ay agad niyang sinugod iyong lalaki.

Pinaputukan niya ito ng baril pero nakaiwas ito. Bawat pag atake ni Red. Ramdam mo ang galit ngunit ang tatay niya ay cool na cool lang na umiilag na akala mo ay kalaban niya ang isang mabagal na pagong.
" Hayop ka! Isa lang halimaw Charleston. Huwag na huwag mong sasaktan si Charmaine o kahit sino pa mang mahalaga sa buhay ko!"

Muling nagpaputok ng bala si Red.

" Pag isipan mo anak. Bibigyan kita ng labinlimang Segundo. " sabi nung Charleston/ tatay ni Red.

Nakadapa na sa semento si Red. Natalo siya. Hindi dahil sa mahina siya kundi ubod lang talaga ng lakas itong tatay niya.

Napapikit si Red na animoy nag iisip.

"Sige Charleston. Sasama na ako sa iyo pero sana pekiin natin ang pagkamatay ko. " sabi ni Red.

........

Nag iba na ang senaryo tila isang burol ang nagaganap. Nagiiyakan si Erika, Justin,Laurence,Abi at iyong Charmaine. May mga ibang teen agers din na hindi ko kilala ngunit mukhang suit generis din sila.

Nasa gitna sila ng isang Valley kung san ay ang mga bulaklak ay diyamante.

Nakahiga si Red sa isang lumulutang na kama na gawa sa petals ng mga bulaklak.

" Red! Naririnig mo ba ako? Napakaunfair mo! Sabi mo mag iingat ka. May mga pangarap pa tayo! Bakit mo ako iniwan Red?" Panaghoy ni Charmaine.

Patuloy ang pag agos ng luha niya.

" Kasalanan mo ito Justin! Bakit namatay si Kuya Red? Dahil iniligtas ka niya." Sigaw ni Erika.

Pilit siyang lumalapit kay Justin upang sapakin siya ngunit pinipigilan siya ni Laurence.

Hindi umiimik si Justin at nakayukom lang ang mga kamao niya. Naglaho na ang ngiting nakita ko kanina. Napalitan na ito ng walang emosyong expresyon.

" Magsalita ka!" Sigaw ni Erika.

Nagtinginan ang lahat sa kanilang dalawa.

" Maghiwalay na tayo Erika. " sabi ni Justin.

Tumahimik saglit.

Tapos sa isang gilid na pansin ko si Red. Umiiyak siya na parang nasasaktan siya sa nangyari sa pagkakaibigan nila at sa wakas muli nanamang nag iba ang senaryo.

........

" oh Red napadalaw ka!" Bati ng isang matabang babae na nasa tingin ko ay tatlumput anim na taon na.

Nakamessy bun iyong matanda at nakasuot ng karaniwang suot ng manghuhula.

" Maria, tumanda kana ah!" Bati ni Red.

" Ganun talaga Red. Nais ko na kasing maranasan mamatay. Gusto kung mabuhay katulad ng mga normal na tao dito sa planetang Earth." Sagot nung babae.

" Hulaan mo ang kapalaran ng kalawakan." Sabi ni Red.

" Sige pero may bayad. Alam mo naman siyam ang anak ko. Gastusin sa kuryente tapos buwis. Yung pag aaral pa nila. Idagdag mo pa yung pagkain namin sa araw araw. Pagkatapos renta doon sa inuupahan namin tsaka--"

Hindi na natapos pa ang sinasabi nung babae pagkatapos maglabas ng attache case si Red.

" Ngayon gawin mo na ang trabaho mo Maria." Sabi ni Red.

Biglang nagkulay asul ang mata niya.

" Manganganib ang buong kalawakan. Maraming mamatay na mga sui generis."

" Tapos?"

" Nakikita ko, na ang nawawalang prinsesa ang susi upang iligtas ang buhay ng mga sui generis. " sabi ni Maria.

" Ha? Patay na ang prinsesa. Imposibleng--"

" ooppss tandaan mo walang imposible. Lahat possible lalo na sa mundong ginagalawan natin. Hanapin mo ang nawawalang prinsesa. " sabi ni Maria.

" Paano ko siya makikita? " tanong ni Red.

" Mas madali kung hanapin mo si Justin. Kasama niya na ang babaeng kinakailangan mong makita upang mahanap ang nawawalang prinsesa. " sabi ni Maria.

" Kung ganoon aalis na ako upang hanapin si Justin. " sabi ni Red.

" Saglit! Ang babaeng ka sama ni Justin isa siyang sui generis na hindi mulat. Mangyari sana dalhin mo siya sa S.S.S.G upang sanayin. " sabi nung Maria.

Pagkatapos nun ay nag balik na sa normal ang lahat.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon