Chapter 9: Rainbow softdrinks

53 2 0
                                    

Nakaupo kami ngayon sa salas at nagmimiryenda ng kakaibang putahe. Talagang weirdo yung pagkain.

black and white octupus soup
Tinapay na kapag kinain mo ay nagshishift ang lasa from monay to ensaymada.

May softdrinks na nag iiba ng kolor na akala mo ay Christmas lights.

Si Mark ay busy sa kakapicture sa pagkain. Kailangan daw ng documentation ang lahat kasi daw bihira lang makapunta sa ibang planeta.

" San na ba tayo nagtapos? " tanong ni Erika.

" July 21, 2001. 8:53 pm sa may valley of Gems. "  sabi ni Justin.

Ano iyon breakup place and date?
Naging sila ba?

"  oo, Jaz. Katunayan tumagal pa sila ng mga 5 years" bulong ni Red sa isip ko.

Teka! Akin lang si Justin. Hindi pwedeng maagaw niya ang Justin ko. Huhuhuhu.

" Pero at least sa pagtatapos may panibago." Sabi ni Laurence.

Nagtinginan sila ni Erika. Tiningnan ko si Justin mukhang nasasaktan siya.

" Tseh walang forever!" Sigaw ni Mark at napaghahalataang bitter sa love life.

"  Tama na ang hugot!" Sabi ni Abi.

" Hindi walang makakapigil samin!" Sabay sabay naming sabi.

" Edi wow!" Sabi ni Abi sabay salpak ng tinapay sa bibig.

Hmm ano ba naman iyan. Ayaw pa kasing magbati.

" Alam niyo naman na siguro ang estado ng universe ngayon diba? May nagbabadyang malawakang pagpapatay sa mga sui generis.
At kinakailangan naming mahanap ang nawawalang anak ng mahal na hari. Ang prinsesa na hindi natin alam kung nasaan. " sabi ni Justin.

" Eh ano namang kinalaman ng babae na iyan? Napakahina niyang tingnan. Pagkatapos mukhang hindi pa marunong sa labanan. Baka nga maging pabigat lang siya kaysa maka tulong." Sabi ni Erika.

Napatayo ako sa kinauupuan ko.

" Mawalang galang na po. Huwag niyo naman po sana maliitin ang kakayahan ko. Hindi ko man alam kung bakit ako narito at nakikipagtalo sa inyo. Wala kayong karapatan husgahan kung sino ako." Sabi ko

Pinagtinginan nila ako ng lahat na parang gulat na gulat.

" Jaz naintindihan mo iyong sinasabi nila?" Tanong ni Mark na tilang manghang mangha.

" Bakit hindi?! Nagtatagalog kaya sila." Sabi ko.

Tiningnan ko ang mga reaksyon nila. Parang naka kita sila ng acrobat na elepante na nagbalance sa mataas na wire sabay bumagsak ng nakasplit.

Anong nakaka amaze kung naiintindihan ko ang pag uusap nila?

" Sabi ko sa inyo eh sui generis ang babaeng ito. " sabi ni Red.

Tumango tango na lang si Erika at Laurence. Si Abi ay parang sa mga anime na nagpuppy eyes habang si Justin ay staying strong sa pagpopokerface.

Si Mark di maiwasang pitikin ako sa noo.

" Jaz, Yung lenguahe na ginagamit nila ay iba at tila hindi ko maintindihan. Pang alien. Tapos ikaw naintindihan mo at ang Mas nakakagulat ay nagsalita karin ng kung ano ano." sabi ni Mark

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon