Chapter 8: Justin's Ex Girlfriend

45 2 0
                                    

" Red,Justin paanong--?" Hindi napigilang magsalita ni Erika. si Laurence naman ay mukhang nagpipigil ng galit.

Nakasara ang kamao niyang nakatingin kila Red at Justin.

" Kuya Red papaanong buhay ka? " tanong ni Erika na agad yumakap sa Kuya Red niya.

Hmm.

Tiningnan ni Red si Erika na parang bang naiiyak pagkatapos nun ay tuluyan nang pumatak ang luha nung dalawa.

" Kuya, bakit ka nagbalik? Huhuhuhu. Totoo ka ba talaga?" Tanong ni Erika sabay yakap muli.

Nag iiyakan na ang dalawa. Yung Laurence naman ay binitiwan ang mga hawak niya at naki join sa group hug. Si Justin naman ay parang Hindi pinapansin nung dalawa. Mukhang kay Justin lang sila galit.

" Nga pala Kuya, si Laurence asawa ko." Sabi ni Erika.

Tiningnan ko si Justin.

Teka bakit parang naluluha din siya? Anong meron?

" Justin. " sabi ni Laurence sabay suntok kay Justin na agad tumagos sa dingding ng bahay.

Shit! Ang lakas ng lalaking ito!

Nagmamadali akong lumabas ng bahay upang sundan si Justin. Baka namatay na siya. Walangyang lalaki iyon!

Ngunit laking gulat ko ng maabutan siyang cool na cool na nakatayo pero nakayuko. Suot niya ang mapang asar niyang ngiti. Gusto ko na sanang lapitan si Justin at pigilan iyong Laurence pero ayon kay Mark ay pabayaan ko muna sila dahil personal ito.

" Walang hiya ka! May gana kapang bumalik dito. Bakit mo iniwan si Erika ng ganun ganun na lang? Alam mo iyak siya ng iyak dahil sa iyo. Tapos humiwalay ka narin sa barkada. Porket namatay si Red nakalimutan mo na kami. Pakyu ka talaga! Oh ano hindi ka magsasalita?"

Muli nanamang inambaan ni Laurence ng suntok si Justin. Patama na sana ang kamao niya sa aking babe ng salagin ito ni Justin.

Inangat niya ang ulo niya.

" Dahil Mas pinili ko ang kaligtasan ng buong kalawakan sa ngalan ng ating pagkakaibigan. At kahit kailan ay hindi mo iyon maiintindihan." Sagot ni Justin.

Hindi na umimik si Laurence.
Ganito ba ang reunion ng magkakaibigan na ito? Suntukan all the way?

Pero mukhang dumudugo ang kaniyang ilong.

Lumapit ako upang punasan ang tumutulong dugo at pinunasan ito.
Si Mark ay lumapit narin. Naka tingin siya kay Justin at tinapik ito sa balikat.

" Abi, pagalingin mo na lang si Justin " utos ni Erika na may bahid parin ng luha.

Lumapit si Abi at kumuha ng band aid mula sa kawalan.
Ngunit tinnangihan lang ito ni Justin.

" Parang alam ko na kung anong kapangyarihan ni Abi." Sabi ni Mark sakin.

" Ano naman iyon?" Tanong ko.

" kaya niyang kumuha ng gamit mula sa ibang lugar at papuntahin ito sa kung nasaan siya. Basta alam niya ang  eksaktong  pagkukuhanan ng gamit" sabi ni Mark

Pero muling nabaling ang atensyon ko kay Justin

" Erika pakinggan mo muna ako!" Sigaw ni Justin.

Nagbingibingihan lang si Erika.

" May hangin kabang naririnig?" Tanong niya kay Laurence.

Aba nagpakabata pa! May pa hanging ba iyon chenelu pa sila. Tsk..Tsk.

" oo, mukhang kapal muks din iyong hangin na iyan eh. Lakas ng loob upang kausapin tayo." Sabi ni Laurence.

Si Abi naman ay parang nalilito sa ikinikilos ng kanyang mga Ate at Kuya. Tila naguusap ang mata nami nila Mark, Abi at ako ng ifeel you look.

" Nandito ako sa ngalan ng kaligtasan ng mga sui generis. Kaya sana huwag niyo ako ganyanin." Sabi ni Justin.

" Hala may naririnig kaba? Mukhang lumalakas na ang hangin ng kasinungalingan." Sabi ni Erika.

" Tama na iyan! Nandito kami upang humingi ng tulong ninyo!" Sigaw ni Red. Nagsitigil sa pagababangayan ni Laurence, Erika at Justin.

" Anong klaseng tulong Kuya?" Tanong ni Erika.

Inalo ako ni Red sa harap upang
ipakilala sa mag asawang si Laurence at Erika.

" Siya ay isang sui generis. Pero kinakailangan niyang mapunta sa S.S.S.G. extra lang siya dito." Sabi ni Red

Teka extra lang ako?! Aba hindi naman yata patas iyon.

" Ang mahalaga lang talaga sa amin ngayon ay mahanap ang nawawalang prinsesa bago pa siya makita ng kawal ng Quinston at patayin ng hindi nila nalalaman na siya pala ang prinsesa. At ayon sa propesiya ni Maria. Mukhang ang babaeng nasa harapan niyo ang siyang makakatulong upang mahanap ang prinsesa na makakapigil na ibinabadyang malawakang pagpatay sa mga sui generis." Mahabang paliwanag ni Red.

Tiningnan nila ako na akala mo ay umeexamine ng damit.

" Sigurado kaba Kuya? " tanong ni Laurence.

" oo sigurado ako. " sagot ni Red.

" Mukhang mahina ang isang ito. Patpatin, walang alam at higit sa lahat mukhang taga earth pa! Ang tanging planetang may buhay na bulag sa katotohanan. Mukhang yung batang lalaki pa ngang iyon ang tunay na sui generis." Sabi ni Erika sabay turo kay Mark.

Grabe ha! Nakaka offend!

" To find the savior you must first find the seeker." Sabi ni Justin.

Nagkatinginan si Red at Justin.

" Nakausap mo rin si Maria?" Tanong ni Red.

" oo. Tinawagan niya ako sa kaligatnaan ng aking pamamasyal. Sanay hindi na galit ang aking kasama dahil inabutan ko lang siya ng pamasahe at hindi inihatid sa kanila. Kung inihatid ko siya baka naging iba ang takbo ng time continuum na ito." Pahayag ni Justin.

Hindi ko maiwasang mapakagat labi dahil sa sobrang kinikilig ako sa pagpapahalagang ipinapakita niya. Hooooo! Ayos.

" Hay. Kaso binabawi ko na pala ang sorry ko dun sa kasama ko. " biglang sabi ni Justin.

Shemay! Meshekit sobrang meshekit.

" Ipagpatuloy na lang natin ang pag uusap natin sa loob!" Sabi ni Laurence.

Pumasok na kaming lahat sa bahay na medyo mukhang hindi na maayos sa kadihalanang bumagsak na ang dingding nito.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon