Nasa gitna ako ng kawalan.
Naglalakad ako na lumulutang. Ay hindi ko alam. Pilit akong naghahanap ng liwanag pero wala akong makita tapos biglang magiiba.
Nasa piling ako ng isang babae na blurred ang mukha. Pero kahit ganoon pa man alam kung nakangiti siya.
Pagkatapos magiiba ulit. Nakatingin ako sa isang batang lalaki na may kulay ube ang mata. Maitim na ube. At tila kumukislap ito na parang mga galaxies.
May sinasabi siya pero hindi ko narinig at ang bandang huli at ang pinakamalala ay huling senaryo kung san napapaligiran ako ng maraming tao at unti unti silang nababawasan at nagiging abo.
Bawat pagkamatay nila ay malakas na palahaw at lahat sila tumitingin sa akin na para bang ako ang may kasalanan ng lahat. Na parang ako ang may cargo sa
Kanila.Pumatak ang mga luha ko. At Mas nagulat ako ng makita ko ang aking repleksyon. Sa tubig na dulot ng mga luha ko.
Isang babaeng nakasuot ng korona at nakangiti.
Pero bagkus na tumigil na ang panaginip ko ay nagtuloy tuloy ito. Lumalangoy ako sa isang ilog na kulay dugo. Kasama ko si Mark, Justin, Red at isang babaeng kulot ang buhok na hindi ko matukoy ang pangalan.
At unti until kaming lumulubog sa tubig.
........Agad akong napabalikwas sa higaan ko. Naabutan kung pinagmamasdan ako ni Justin. Muntik pa nga kaming mag kiss dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Pero sadyang mabilis ang reflexes ni Justin at agad na kaiwas sa kung anong dapat mangyari. Huhuhu sayang.
" Aaaaaaah!" Sigaw ko.
Ng marealize ko na iba na ang damit ko. Naka shorts na ako with knee socks at naka tshirt ako ng pink. Mukhang magaling narinig ang sugat ko.Nakabraid parin ang buhok ko.
" Sinong nagpalit ng damit ko?!" Tanong ko kay Justin.
Hahahahaha sana siya! Pero infairness umuunlad ang love story namin ha? May bedscene na kami!
" Si Abi ang nagpalit ng damit mo!" Sabi niya sabay labas ng kwarto.
Sayang naman!
Hmmm inamoy ko ang bibig ko. Aba astig mukhang sinipilyuhan narin ako. Ang bait naman nung Abi na ito. Sino kaya siya?
Nagmamadali akong lumabas at naabutan ko si Mark na nakadagan sa isang babae na kulot. Omegee kamukha nung nasa panaginip ko.
Mukhang may another bedscene nanaman. Pero bakit parang naiinis ako. Hala bakit? bestfriend ko si Mark!
" wow! Mark ang galing may girlfriend ka na agad natulog lang ako. Ano sino siya? Anong pangalan niya? Kailan ang kasal?" Tanong ko.
Hindi umimik si Mark at tsaka lumapit sakin. Na pansin ko na nagpapalit kulay ube tapos black yung mata niya pero ng pumikit ako at iminulat ang mata ko ay normal na ang kulay ng mata niya.
Hala nababaliw na ako!
" Ang manhid mo! Hindi mo ba alam may gusto ako sa iyo? Bakit mo ako pinagtutulakan sa iba?" Pahayag ni Mark.
Napajaw dropped ako.
" Mark, hindi pwede mag best friend lang tayo at tsaka hanggang dun lang tayo. Masisira iyon.."
So sa nagbabasa nito hindi ko na matandaan kung ano iyong sinabi ko nun so fast forward tayo ng konti.
Pagkatapos ng mahabang speech ko ay agad na kumalma ang aking lalamunan.
" Hahahahaha, paniwalang paniwala siya. Hahahahaha Kuya Red! Tingnan mo ito." Sabi nung babaeng kulot.
Agad naman lumabas mula sa likod ng sofa si Red nakafocus siya at hawak ang sentido. Kulay pula ang mga mata.
Inalis niya ang pagkakahawak sa sentido niya at si Mark naman ay parang robot na napakawalan. Agad siyang nag explain sakin at tumango tango lang ako. Ayon sa kanya ay kinontrol lang siya ni Red. Si Mark naman ay hindi mapigilang mainis kilala Red at dun sa kulot.
Lumapit ako dun sa babae.
" Hi ako nga pala si Jaz.At pasensya kana kung medyo panglalaki ang pangalan ko pero hindi ako tomboy ha. " sabi ko sabay abot ng kamay ko sa kanya.
Agad niya naman itong tinanggap. .
" Ako naman si Abi. Abigail Dela Cruz. Ikinagagalak din kitang makilala." Sabi niya.
Pagkatapos noon ay umupo na kami sa sofa ng salas.
Okay naman mukhang normal na Saka except medyo may upgrade ng konti dahil sa presensya ng mga taong may kakaibang abilidad.
" Nga pala. Asan si Justin? " tanong ko.
" Bakit mo ako hinahanap? " tanong ni Justin.
Na mukhang nang galing sa kusina.
" Wala. " sagot ni Mark para sakin." Kelan ba darating ang Kuya Laurence at Ate Erika mo?" Tanong ni Red dun kay Abi.
" Kuya mga ilang minuto na lang po siguro. May mga ipinamili po kasi sila. "
" Halos tatlong oras na kami dito. Nakakabagot na." Reklamo ni Mark.
" Pasensya na. Pasensya na sa inyo. Kuya Red, Galit kaba?" Tanong ni Abi.
" Hindi ako nagagalit" sagot ni Red. Sabay yakap kay Abi.
Phedophile!!!!
Hmmm, hindi naman mukhang bata si Abi. Katunayan mukhang magkakasing edad lang kami. Ano kayang meron? Bakit niya tinatawag na Kuya si Red.
" Kapatid ko si Abi. " sagot ni Red sa isip ko. mind reader din pala siya.
Tumango na lang ako. Pinagmasdan ko si Abi. Malaki ang mata matangos ang ilong at ayon nga sa depinisyon ko ay kulot. Morena siya at talagang maganda. Nakasuot ng jeans at combat boots. Saka naka galaxy siyang damit.
Habang nagmumuni muni ay biglang bumukas ang pintuan.
Pumasok sa loob ang isang babaeng nakasuot ng purong puti na dress at naka leather strap ang kamay niya sa magkabilaan. Puno ng mantsa ng dugo ang damit niya.
May sukbit sukbit siyang ulo ng isang octupus na halimaw na mukhang siya ang pumatay nito.
Mukha siyang diyosa! Paalon alon na itim na buhok. Maputing kutis at biniyayaan ng kulay abong mata.mukhang nasa mid twenties naman ang dalagang itoKasunod niya ay isa pang lalaki na sa tingin ko ay nasa mid thirties na. Naka army jeans siya at nakatsinelas.
May dugo rin ang white plain T-shirt niya. Naka army cut siya at medyo gwapo. Pero siyempre Mas gwapo si Justin.
Agad naman tumayo si Abi at patakbong pumunta sa mga taong bagong pasok lang ng bahay.
" Ate Erika! Kuya Laurence!" Sigaw ni Abi sabay yakap sa dalawa.
Tinignan ko ang mga ekpresyon nung dalawa.
Parehas silang nakatingin kila Justin at Red.
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Fiksi IlmiahSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...