Pagmulat ng aking mga mata ay natagpuan ko ang aking sarili sa harap ng isang napakalaking building. Napaka advance tingnan at mukha itong facility.
" Bakit hindi mo na lang kami itineleport sa loob Alaisa?" Tanong ko.
" Ah kasi sa loob ay hindi mo nagagamit ang kapangyarihan mo." Sagot ni Alaisa.
Napatango na lang ako.
" Ano pang hinihintay niyo diyan? Puntahan na natin ang prinicipal ng makabalik ako sa Paris." Sigaw nung Pinunong lider
Agad naman na kaming nagtungo sa pintuan at laking gulat ko ng biglang may nagflash na green na animoy iniscan kami.
Pagkatapos nun ay parang may computer voice na nagsabi na clear.
Kusang bumukas ang pintuan at wala kaming inakasayang oras. Pumasok na kami.Futuristic.
Iyon ang one word na pangdescribe ko sa lugar na ito. Napaka surreal at napaka astig.
Noong una ay tila isang masikip na hallway na purong puti ang aming dinaraanan. Pagkatapos bumuluga sa akin ang isang napakalawak na lugar kung san ay may ibat ibang imbensyon. Sa isang gilid may mga nakadikit na pictures ng mga sui generis.
Sa isang sulok ng dingding ay may kulay itim at nakalagay doon ang mga katagang
Sullen's Finest
Wala pa ring nakalagay na pangalan dito. Blangko lamang ito. Hmm bakit kaya?
Sa Galbinus naman ay mayroon namang mga litrato ngunit isa lamang ang kilala ko sa kanila at si Laurence iyon. Nakalagay sa ilalim ng pangalan niya na nakipaglaban siya sa Trinity.
Isa pang pumukaw ng atensyon ko ay ang larawan ng isang magandang babae na nagngangalang Jonnah Cristha Bibal. Kagaya ng nakalagay sa deskripsyon ni Laurence ay kaparehas niya etong si Jonnah Crista Bibal na nakipaglaban sa Trinity.
Sa Rubēre naman ay naroon ang larawan ni Red at Charmaine. Kagaya ng sa deskripsyon nakipaglaban sa Trinity. Ngunit naroon rin si Justin. Kaibahan nga lang Thunderstorm ang nakalagay sa nameplate niya.
Nakalagay dito na noong 10 years old siya ay tinulungan niya ang kanyang bansa sa pamamagitan ng pag eespiya. Naroon din siya noong digmaang Gargaplexia at Kooziag. Naroon din daw siya nung civil war ng Xeedle.
Kahit noong panahon daw nung Velonia siege nandoon din siya at
Nakikipaglaban at isama mo pa doon ang digmaan sa Trinity.Naroon din ang larawan ni Samuel B. Morse.
Ipinaliwanag sa akin ni Mark na si Samuel B. Morse ang nakaimbento ng Morse code. Ayon kay Abi si Samuel B.Morse ay isa ring sui generis at ang Morse code ay isang talamak na lenguahe dito sa S.S.S.G. hindi siya ang tunay na nakadiskubre nito.
Biglang sumagi sa aking isipan ang sinabi ni Justin sakin noong ipinaliliwanag niya sa akin ang tungol sa mga sui generis.
"At noong panahon ng medieval period. Natuklasan nila ang isang serum na tinatawag na sui generis. Maramihang pagkuha ng mga tao ang naganap at nagkaroon sila ng kakaibang abilidad."
Iwinaksi ko na ang aking isipan sa isiping iyon.
Sa isang sulok ng dingding ay kulay asul at may nakalagay sa taas na
AZURE'S Finest
At laking gulat ko ng makita. Ang letrato ni Albert Einstein at si Leonardo Da Vinci.Sa ilalim ng mga pangalan nila nakalagay ang kanilang mga nagawa. Natagpuan ko rin ang larawan ni Nicolas Copernicus.
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Fiksi IlmiahSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...