Chapter 3: Run

49 3 0
                                    

Nakatayo sa harap ko ang isang lalaking may malaking ngisi sa kanayang mukha.

Habang hawak hawak ang malaking bazooka na akala mo ay tingting lang.

Nakasuot siya ng black leather jacket at white T-shirt. Black fitted jeans at teka

Anti Gravity shoes?!?!?!

May sukbit sukbit siyang backpack at nakacap siya.

Kaya Hindi ko masyado makita ang mukha niya. Tanging ngiti niya lamang ang nakikita ko.

" Paano ka napadpad dito Jaz? " sabi nung lalaki.

Bigla nitong inenspeksyon ang mukha ko at kung may sugat ako. Sabay yakap Sakin.

" teka sino ka ba?" Tanong ko.

Kumalas yung lalaki sa yakap at tsaka tinanggal ang cap niya.

Halos himatayin na ako sa kinatatayuan ko.

Anak ng tokwang prinito at linublob sa ihi ng kalabaw.

Si Justin?!?!?!?

" Kailan ka pa natutong gumamit niyan?" Tanong ko

" mahabang kuwento. Ikaw paano  nakapunta dito, eh hindi ka naman katulad ko na mulat sa katotohanan."

" ano bang pinagsasabi mo? Nag jeep ako tsaka nakatulog tapos binaba ako ng driver dito. Tapos hinabol na ako ng mga weirdong iyon. " sabi ko.

" Yung jeep. Anong itsura? Abnormal ba ang kinilos ng mga tao?" Tanong niya

" oo bakit?"

" Mind control, Mukhang desidido na talaga silang sakupin ang Una." Sabi ni Justin

Teka ano iyon party list. Putcha anong kinalaman ko Dun.

" Teka mind control? Impossible iyon. Saka sinong sila? Litong lito na ako."

" Makinig kang maigi sa akin. Magmula ngayon lahat possible. Ang tama ay Mali. At ang Mali ay tama. Gustuhin mo man wala ka ng magagawa. Wala ng atrasan. Nakatawid ka sa mundo na ito. Wala ka ng takas dito." Sabi niya sabay abot ng baril sa akin na hindi ko naman alam kung pano gagamitin.

" Anong klaseng nilalang ang mga iyon? Bakit gusto nila akong patayin?"

" Dahil isa kang sui generis "

" teka ano yung sui generis ?! "

" Mga taong binigyan ng kakaibang abilidad. "

Maya maya nakarinig ako ng tunog ng laser.

Agad akong pinadapa ni Justin.

Umiling siya kaya. May kinuhang kung ano sa bag niya.

" Mamaya na lang tayo magkwentuhan. May mga kalaban pa. Sa tantya ko ay nasa tatlo sila.
Isa sa kanan. Isa sa kaliwa. Ang isa ay nasa likod mo. "

Pagkasabi niya ng nasa likod mo agad ako napalingon.

Pinaputok ng alien ang baril na hawak niya. Nadaplisan ako sa bandang siko.  Tiningnan ko ito at sa laking at gulat ko ay malaki pala ang pinsala nito. Kinuha ko agad yung panyo ko tsaka binendahan nf mabilisan ang sugat ko.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon