Chapter 13: Patay

40 3 2
                                    

Kalagitaan ng aking pagtulog nakaramdam ako ng kalabit.

Dahan dahan kung inimulat ang mata ko at pagkagising ko ay bumulaga sakin ang gwapong mukha ni Justin.

Nakapokerface nanaman.

" Gumising kana. " sabi niya.

Bumangon naman ako agad na pansin kung medyo madilim pa.

" Anong meron?" Tanong ko.

" Jaz, bumangon kana! Nasa dead zone tayo." Sabi ni Abi.

Napabalikwas ako.

Nagtinginan kami ni Justin. Hawak hawak niya ang baril niya. Si Abi ay nakaready ang boomerang habang si Mark ay naka hawak sa baril niya.

Napailing ako. Pakiramdam ko ang weak ko. San mang anggulong tingnan parang wala akong magawa kundi dumepende sa kanila.

" Ang dead zone ay ang tanging lugar sa planeta na talamak ang nga tulisan. " paliwanag ni Justin

" Tulisan lang naman na pala eh. Edi wala ng problema sabi ko.Teka tulisan?!" Sigaw ko

"Oo bingi lang?" Tanong ni Mark. Dahang dahan nang tumayo si Mark at binuksan ang pintuan ng kotse pagkatapos tumingin sa labas ay Nagshhhh sign naman iyong tatlo.

" Eh ano pang hinihintay natin. Umalis na tayo. " sabi ko.

" Hindi nga pwede. Ubos na ang gas natin." Sabi ni Justin.

" Ano maglalakad tayo?" Tanong ko.

" Mukhang ganun nga. " sabi ni Justin.

Hindi na ako nagtanong pa kung paano kami mabubuhay.

Dala dala ang backpack namin ay nagsimula na kaming maglakad at iwan iyong sasakyan. Haysst andami kaya naming memories dun.

Pero ayon nga sa nabasa ko. Huwag kang ma attach sa isang bagay na alam mong hindi naman sa iyo.

" Nga pala, pagkarating natin sa earth ano ng gagawin natin? Baka reported na ako as missing" pahayag ko.

" palagay ko ay nagawan na ng paraan ang mga iyon." Sabi ni Justin.

" Paano namang---?"

Hindi ko na naituloy ang tanong ko ng biglang sumenyas si Justin na tumigil kami. Ipinaharap niya ng konti ang bazooka niya pagkatapos ay bumunot ng isang baril.

Si Abi naman ay tila nag iba ang aura. Gumawa siyang muli ng boomerang out of thin air tsaka baril. Ibinato niya ang baril kay Mark.

Nagkaroon kaming apat ng panadaliang eye contact. Ito na nga ba iyong sinasabi nilang mga tulisan?

" Pagkatapos ng tatlong Segundo." Sabi ni Justin.

Palihim akong nagbilang sa utak ko at pagkasambit ng ko sa utak ko ng tatlo.

Biglang lumitaw sa itaas ng bundok ng spare parts at basura ang isang lalaki.

Nakataas ang buhok niya at mukhang naligo ng gel. Kahit medyo baby face etong si kuyang nakatayo ay nakakatakot parin ang presensya nila. May pagkapandak siya at mukhang kasing edaran lang namin

" Hello sa inyo! Naliligaw ata kayo? Hindi ba kayo nainform na nasa dead zone kayo?" Tanong nung lalaki. Mukhang may pagkajowding.

" Isa ka bang tulisan? Kung gusto mo kaming sugurin at nakawan huwag ka nang sumatsat at maglaban na tayo para matapos na ito." Sabi ni Justin.

Napatawa ng malakas iyong lalaki.

" Hahahahaha. Nais ko ang ganyang pag uugali, Manlalakbay.
Ngunit kung iyan ang nais mo bakit pa kita tatanggihan?" Sabi nung pandak na baby face.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon