Chapter 11: Kwintas na Susi

49 3 0
                                    


Nakaupo na muli kami sa salas at nagmimiryenda. Namamaga ang mata ni Erika at Abi. Si Mark ay emosyonal din at kinapa ko ang mga mata ko mukhang may luhang tumutulo. Si Justin ay walang bakas ng kung anong emosyon.

" Akala ko maliliwanagan na ako sa flashback mo Red. " sabi ko.

" Hindi pa ba obvious Jaz?" Tanong ni Mark.

Aba Malay ko ba? Hindi kasing taas ng IQ niya ang IQ ko.

" Hindi eh anong Kinalaman ko dito?" Tanong ko.

Napa face palm ng sabay sabay ang lahat nagbigay naman ako ng
" inosente ako look"

" Ikaw iyong babaeng tinutukoy na may kakayahan upang mahanap ang prinsesa. " sabi ni Mark.

Napa tango na lang ako at nag aaaah na sinisimbulo na nagets ko ang sinabi niya nawala na ang tensyon.

" Iyong kwintas na susi Jaz. Ipakita mo na sa kanila." Utos ni Justin sakin.

Agad ko naman siyang sinunod.

Inilibas ang ko ang kwintas na susi na lagi kung suot suot.

Pagkatapos ay inilapag ko ito sa lamesa.

Kinilatis agad nila ito.

" Tingnan ninyo. May nakaukit na mga ancient symbols dito. " sabi ni Erika.

" Mukhang ang susing ito ay mula sa panahon ng Simula." Sabi ni Laurence

" Ano po yung panahon ng Simula?" Tanong ni Mark na tulad ko na mausyoso.

" Ang panahon kung kailan tunay na nagsimula ang sangkatauhan. Exactly 18 billion years ago. " sagot ni Abi.

" Teka, 14 billion years ago nangyari ang big bang. Ibig sabihin nauna pa ang existence niyo kaysa sa existence ng Solar system! Paano niyo na survive ang big bang kung ganoon?" Tanong ni Mark.

" Matalino ang lahi namin. Actually nangyari ang big bang dahil sa isang bomba na gawa namin. Nagkaroon kasi ng away ang apat na pinakamalalaking kaharian sa universe. Ang Quinston, Ang Fafner, Ang GrimVar at ang Trinity." Sabi ni Abi

" Napagkasunduan nila na ipakalat ang galaxy. upang maghiwalay na sila ng nasasakupan at pinaputok nila ang bomba. Nangyari ang big bang." Paliwanag ni Laurence.

Si Mark ay walang tigil sa pagtatatype. Pramis! Malaki talaga ang kutob ko na ginagawan niya na ng novel itong nangyayari.

Pero laking gulat ko ng sumilip ako sa macbook niya ay puro binary codes.

Tiningnan ko siya. Ayan nanaman nagkukulay violet nanaman ang mata niya. Pero agad din itong nawala

" Makakatulong ba ang susi na iyan upang mahanap iyong nawawalang prinsesa?' Tanong ni Red kila Abi at Laurence.

Umiling iyong dalawa.

" Pumunta kaya kayong S.S.S.G. Baka may maitulong sila sa paghahanap ninyo ng kasagutan." Suhestyon ni Laurence.

" Iyon nga eh. Hindi ko na alam kung nasaan ang S.S.S.G? " sabi ni Red.

Tumawa ang lahat.

" Hay Kuya kahit kailan talaga eh. Diba kada isang daan na taon ay lumilipat ng lokasyon ang S.S.S.G.
Pero Sige sasamahan nalang namin kayo doon." Sabi ni Erika ng nakangiti.

Pero naputol ang sweet na atmosphere ng biglang yumanig ang kabahayan.

Nagsibagsakan iyong mga dingding ng bahay.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon