Napatay ni Justin si Angelo.
Binaril niya ito sa harap ko. Nagtalsikan ang dugo sa mukha niya.
Pagkatapos niyang mamatay kitang kita ko ang biglang pagbagsak ng mga alipores niya.
Napaluhod ako ng bahagya sa lupa. Hindi ko alam pero masyadong brutal ang nasaksihan ko.
Parang nag iba ang tingin ko kay Justin.
" bakit mo siya pinatay?" Tanong ko.
" Matagal ng patay ang lalaking ito. Active lang ang brain niya dahil na injectionan siya ng serum. Kaya dead zone. Bukod sa maraming tulisan. Patay na ang lahat ng umatake sa atin." Paliwanag ni Justin.
Hindi na ako umimik pa.
Lumapit ako sa bangkay ng lalaki. Ang bilis niyang nagdecompose ganoon din iyong iba pang kasama.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko at dahan dahang tumulo ang luha ko. Marahil sa sobrang takot.
Lumapit sa akin si Mark at kinomfort ako.
Gayundin si Abigail.
" Tahan na Jaz." Sabi ni Mark.
Pero imbis kumalma ay lalo akong umiyak.
" Akala ko ba gusto mong lumakas?" Tanong ni Justin.
Napatigil ako.
" Hindi ko matake ang killing scenes!huhuhuhu" sabi ko.
Napaupo si Justin.
" Sabi ko na nga ba. Wala kang kwenta. Wala kang alam. " sabi ni Justin Sabay kuha ng sandwich sa bag niya.
Nagpantig ang tenga ko.
" Anong sabi mo?" Tanong ko at sa pagkakataon na ito ay napalakas na ang boses ko.
" Tanga ka nga talaga eh ano? Ang sabi ko wala kang kuwenta. " sabi ni Justin.
Bored ang expresyon niya.
Napatigil ang mata ko sa pagluha.
Pagkatapos ay tumayo ako." Jaz anong ginagawa mo?" Natatarantang sabi ni Mark.
Hindi ko pinansin si Mark.
Sa halip ay tiningnan ko ng ubod ng talim si Justin." Hindi ako mahina!" Sigaw ko.
" Kung ganoon eh bakit umiiyak ka sa pagkamatay ng isang taong hindi mo naman kakilala? Ako nga naka kita na ako ng mahigit isang libong bangkay hindi ako nag inarte ng ganyan sa iyo." Sumbat ni Justin.
" Dahil tao ako Justin! Taga planetang earth ako at hindi ako katulad mo na hindi man lang nababagabag sa kamatayan. " sagot ko.
" Mali ka Jaz. Hindi ka tao. Sui generis katulad ko. ang pagkakaiba natin? Marunong akong lumimot. " sabi ni Justin
" Hindi naman si Justin ang may kagagawan niyan. Si Charleston ang may gawa niyan." Sabi ni Abi.
Hindi na ako kumontra pa. Kahit hindi ko ganoon lubos kilala si Charleston ramdam ko ang pagiging masama niya. Patay na nga ang taong ito ay pinaglaruan pa niya. Tama si Abi. Kung ano man itong galit na nararamdaman ko ay dapat ituon ko kay Charleston. Tutuparin ko ang pangako ko kay Erika na magpapalakas ako.
" Hindi ako lilimot! Hindi ako susuko! Dadalhin ko ang lahat ng nasaksihan ko at hindi ko iyon kakalimutan. At ang mga karahasang nasaksihan ko ang gagawin kung pundasyon para lumakas ako!" Sigaw ko.
Nakita kung napangisi si Justin. Gayundin si Mark at Abi
" Eh ano pang hinihintay natin? Umalis na tayo dito." Sabi ni Mark.
Wala ng kumontra pa at umalis na kami sa lugar na iyon.
.............................................................
Huminga ako ng malalim bago tumingala.
Halos kalahating araw naming linakad ang lugar na ito. At sa wakas ay nakarating na rin kami sa Mris City.
Kahit medyo hingal at haggard ay pinilit kung magsalita.
" Maaaark, se-seselfie tayo." Hingal kung sabi.
Inilabas naman ni Mark ang phone niya at nagselfie kami.
Masisi niyo ba kami? Ang ganda naman kasi talaga ng lugar.
Sa pabilog nitong tulay na sa magkabilang gilid ay ang dalawang naguumapaw na fountain na gumagawa ng isang bahaghari.
Makikita mo sa kabilang dako ang mga naglalakihang gusali may mga ilang puno rin.
Sa ilalim ng tulay ay isang anypng tubig na ubod ng linaw at ganda. Pantay ang kalikasan at modernization.Napakaganda talaga!
" Did you know?An arc or circle that exhibits in concentric
bands the colors of the spectrum and that is formed opposite the sun by the refraction and reflection of the sun's rays in raindrops, spray, or mist is the definition of a rainbow?" Tanong ni MarkTumango na lang ako bilang sagot.
" Mamayang gabi pa tayo pwedeng dumaan sa portal sa ngayon ay magpahinga muna tayo." Sabi ni Abi.
" I second the motion!" Hingal naming sabi.
Pagkatapos noon ay naghanap kami ng alien hotel na pwedeng tulugan. Idagdag niyo na run ng paglaklak ko ng dalawang 1.5 litre na tubig.
Magkahiwalay parin ang babae at lalaki.
San nga ba namin kinuha ang pera? Ibinenta namin iyong macbook ni Mark.
Bihira daw kasing makaacquire ng ganoon ang mga taga rito. Parang kasing kahalaga ng gamit na napkin ni Tandang Sora ang halaga ng macbook ni Mark.
Si Mark naman ay no choice na umagree. Ipinangako naman ni Justin na bibigyan siya ng panibagong gadget na Mas advance pa daw pagkarating sa S.S.S.G.
Anyways. Ngayon ay tapos na kaming magpahinga. Kalagitnaan na rin ng gabi. Tatlo ang buwan nila dito. Medyo weird nga eh. Kahit tatlo ang buwan nila ay hindi ganoon kaliwanag ang paligid.
Magkakaiba pa nga ang phases ng tatlong buwan.
Yung una ay full moon, Yung nasa gitna ay crescent moon at yung isa ay half.
Literal na Kalahati!
" So anong ginagawa natin dito? Hindi ba dapat hanapin na natin iyong portal?" Tanong ni Mark.
" Sang ayon ako. Sayang time. Sabi mo Justin hecktick schedule natin." Dagdag ko.
" Abi asan ba kasi iyong portal?" Tanong ni Justin kay Abi.
Ngumisi si Abi na akala mo ay may alam siya na ikakatakot ko. Medyo kinabahan na ako ng sinimulan niyang ibuka ang bibig niya.
" Nakikita niyo ba iyong tubig na binabagsakan nung fountain?" Tanong ni Abi.
Oh Jusko sana hindi tama iyong hinala ko. Takot ako sa heights!
Parang awa mo na tadhana!Ayaw ko na.
Sawa na akong mahulog.
" Iyong tubig na iyan ang tatalunin natin. Ang tubig na iyan ang portal." Sabi ni Abi.
At naghysterical na ako.

BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...