Chapter 24: Jotue+Goat XD

34 2 0
                                    

" Hi! Ang pangalan ko ay Jotue Gatcon . We-welcome ta inyo. Ta wakat may panibagong miyembro ang patrol tullen "

" nabibingi lang ba ako sa hiyawan o bulol ka talaga sa S?" Tanong ni Abi.

" opo bulol ako." Sagot ni Jotue. Hehehehe.

" lakas maka Enrique hill ah. Dolce amore lang." Bati ko.

Napatawa naman si Mark.

" Ano po iyong tinatabi niyo?" Tanong sa akin ni Jotue.

" Wala." Sabi ko.

Hinead to toe look ko ang bata. Oo bata. Mukhang naglalaro lang siya sa edad na 8 o 9 years old. Maputi iyong bata at medyo chubby na may malaking mata. Sobrang taba ng cheeck. May hawig kay Baste doon sa Eat bulaga iyon nga lang malaki ang mata at pango.

Ang kyuut nga eh. Kung wala lang siyang suot na bungo ng kung anong hayop bilang pandecorate sa belt niya. Baka nayakap ko pa siya. Daig pa niya ang Vikings sa getup niya. Dapat naka pang baymax siya eh.

Tsk tsk.

" Rubēre! Mabuhay ang Rubēre!" Sigaw ng nga tao. Nakita ko sa may malaking screen na nakalagay ang malalaking pulang letra ng patrol na pinakamakalakas sa lahat.

At naroon ang mukha ni Daniel na nakangisi at mukhang satisfied sa pagkanalo niya.

Mabuti na lamang at may sportsmanship ang patrol Sullen dahil kahit papaano ay pumapalakpak parin sila.

Habang naglalakad patungo sa patrol sullen. Ay agad kaming sinalubong ni Gary. Ang gwapo talaga ni Gary kamukha niya si James Reid pero Mas gwapo kasi si Justin.

Hahahahaha...

" Patrol Lider Gary" saludo ni Jotue kay Gary.

" Narito na po ang mga bago nating miyembro. "

Tiningnan panandalian ni Gary ang mga mukha namin. As if pers time niya kaming makita.

" Oh ano pang hinihintay ninyo. Sumaludo din kayo sa akin. Ako ang patrol lider niyo" Sabi ni Gary.

Anak ng tokwa nga naman talaga oh. Kahit pala sa mundo ng mga sui generis at aliens hinding hindi talaga pwedeng mawala iyong mga taong may kaangasan.

" hahahahaha iyong itsura niyo guys akala niyo hahahahaha. Ano ba kayo joke lang iyon! " sabi ni Gary.

" Ganoon ba talaga ang mga tao dito? Mahilig mag joke. Pramis ang korney niyo." Sabi ni Mark.

Tinapik ko siya at tiningnan ng pre I feel you look.

" Bakit ikaw Mark havey ka ba mag joke?" Tanong ni Justin na siya namang ikinabara ni Mark.

" hindi ka naman kausap." Sagot ni Mark.

Pero bago pa magpatuloy ang isang matinding bangayan ay umeksena na ako.

" uy huwag nga kayong mag-away. Peace on earth lang-- ay hindi pala peace on universe." Sabi ko sa kanila.

Nakangiting nakatingin sa amin si Gary.

" haha mukhang magkakaroon tayo ng panibagong masiyahing miyembro ng pamilya!" Sigaw niya sa mga kasama niya.

Nagsihiyawan naman ang mga nasa patrol sullen.

Pansin ko lang ha. Bukod sa lahat ng nasa patrol sullen ay nakaitim. Karamihan sa kanila ay naglalaro sa edad na 8-13. Habang sa ibang patrol naman ay nasa edad na 12 pataas. Parang hindi ata patas (uy ryhme. Ang galing)

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon