Chapter 17:Prediction

27 2 0
                                    

" Digmaan! Digmaan! " sigaw ni Maria. Umiiyak na siya ngayon. Anong nakita niya sa mata ko?

Pagkatapos ay inilayo niya na ang mata niya sa akin at kumurap.

" Anong nangyayari sa iyo Maria?May problema ba?" Tanong ni Justin.

" Siya!" Sabi niya sabay turo sa akin.

" Teka lang po Madam Maria! Ano ang nakita ninyo sa mata ko?" Tanong ko.

"Umalis na kayo dito." Sigaw ni Maria.

Halos ipagtulakan niya na ako at ang mga kasama namin palabas.

" Hindi kami aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang kapalaran ko. " sabi ko.

Tila nag iba ang pakiramdam ko. Nakaramdam ako ng panindigan.

" Umalis na kayo." Ulit ni Maria.

Tiningnan ko naman siya ng matalim na tingin.

" Ipaalam mo sa akin ang kapalaran ko." Sabi ko.

" Sige, sige. Basta umalis na kayo." Sabi ni Maria.

" Pramis!" Sabi ko.

Huminga ng malalim si Maria bago nagsalita. Kulay asul nanaman ang mga mata niya.

" Paniguradong makakarating kayo ng S.S.S.G. nakita ko iyon pero pag labas mo ng S.S.S.G ay..."

Hooooonnk.

Bigla kung narinig ang pit pit nung inis na driver na natraffic sa lansangan.

" Ano nga po ulit iyon?" Tanong ko.

" Ang sabi ko--"

Hooooonk.

Muli nanamang pumitpit ang inis na driver.

" Susi, hahadlangan ng tadhana ang anomang uri ng babala mula sa katulad Kong may kapangyarihang makita ang hinaharap. Magtungo kana sa S.S.S.G. siguradong doon mo mahahanap ang kasagutan. " sabi niya sabay sara nung kurtina.

Nagkatinginan kaming apat ng what the hell happened look?

Pagkatapos ay muling nagbukas ang kurtina. Sumilip muli si Maria.

" Aah nga pala, susi"

Lumapit sa akin si Maria at tsaka bumulong.

" mag iingat ka sa kung sino ang pagkakatiwalaan mo. May magtratraydor sa iyo." Sabi ni Maria.

Pagkatapos ay humiwalay siya sa akin at ngumiti.

Tatalikod na sana siya ngunit nagsalita siyang muli

" aaah nga pala, Iyong mall na itinutukoy ko ay nasa likod ninyo." Sabi ni Maria. Lumingon kami sa likod

Anak ng tokwa. Ngayon ko lang napansin may mall pala sa likod ko. Pagharap ko ay wala na si Maria at ang tent niya.

" May kapangyarihan din ba siyang magteleport?" Tanong ko.

Umiling naman si Justin.

" Ano kaba? Spaceship ang pinasukan natin malamang mabilis siyang makapaglakbay. Saka may planetary conjunction kaya Mas mabilis ang transportasyon ngayon. " paliwanag ni Justin.

" Nga pala, pagdating natin sa S.S.S.G huwag kayong masyadong mag attract ng atensyon. Hanggat maari sana, makiblend in tayo sa background characters at huwag mag stand out." Bilin ni Justin.

" Eh bakit naman?" Tanong ni Mark.

" Kasi sa S.S.S.G kapag nag stand out ka. Pag iinitan ka ng mga lider sa takot na palitan mo sila." Sabi ni Justin

" S.S.S.G kayo ng S.S.S.G. hindi ko naman alam kung ano iyon!" Angal ko.

" Ang S.S.S.G ay parang camp. Kung san kinukupkop ang mga sui generis. Hindi batid ng buong galaxy ang existence nito. Ang ibig sabihin ng S.S.S.G ay sacred sanctuary for sui generis. Layunin nito ay protekrahan ang mga sui generis. Anyways sobrang saya dun!" Paliwanag ni Abi.

Ah oo nga pala ano. Bata pa lamang siya ay nakagisnan niya na ang S.S.S.G

Hindi na ako nagtanong pa sa kanila. Dumiretso na kami sa loob ng mall. At gaya ng utos ni Maria
ay pumasok kami sa portalet ng men. Kahit medyo epic.

Balak ko sanang kumanta ng jinggle bells habang papasok ng cr ngunit hindi sumang ayon ang iba sa akin.

Hmmmp sayang.
Napanood ko kasing na ginawa nila iyon sa facebook.

At ngayon ay naghahanap kami ng portal dito.

Inisa isa namin ang cubicle.

" San ba kasi iyong sinasabi niyang portal?" Tanong ko

Huminga kami ng malalim sabay sabay.

Pero napansin ko na wala na si Mark.

" umm Abi si Mark?" Tanong ko.

" Ah Ewan ko. Hindi naman iyon lumabas ng cr. Baka nakapunta na sa Phobos " Sabi ni Abi.

" Hanapin natin siya." Utos ni Justin.

Muli nanaman naming inisa isa ang mga cubicle.

Ngayon naman ay si Abi na ang nawawala.

" Mukhang nakapunta na si Abi sa portal sa Phobos." Sabi ni Justin.

" Eh asan ba kasi talaga?" Tanong ko.

Pero sa harap ko ay biglang nawala si Justin.

Anak ng tokwa! Iniwan nanaman nila ako.

" huhuhu. Iniwan na nila ako. Pakyung Phobos iyan!" Sigaw ko.

At pagkatapos kong masambit ang Phobos na salita ay parang hinigop ang kaluluwa ko sa isang vacuum.

At parang umikot ikot ang mundo ko. Hindi ako makahinga. Pakiramdam ko ay sasabog ang baga ko.

Nalulunod ako sa hanging malakas ang pressure.

Parang lumawak ang bungo ko.
At pagkatapos noon ay natagpuan ko ang sarili ko na katapat ang salamin. May lababo rin at mouthwash.

Bigla na lang akong sumuka.
Walang tigil ako sa kasusuka. At nakikita ko sa peripheral vision ko si Abi at Mark na sumusuka din.

Bigla akong nakaramdam ng pagtapik sa likod ko.

Malaki ang kamay niya at mainit ang sarap sa pakiramdam ng paghimas niya sa likod ko. Nakagagaan ng sakit.

Pagkatapos ko sumuka ay binuksan ko ang gripo. Pagkatapos ay nag mouth wash ako. Mukhang alam nila na susuka at susuka ang sino mang mapunta sa lugar na ito.

" Salamat." Sabi ko sa taong tumatapik sa likod ko pero laking gulat ko ng malaman ko kung sino ang tumatapik sa likod ko.

Kinilig ako ng sobra at hindi ko naiwasang mamula.

Si Justin!

Pinagmasdan ko ang mukha niya. Parang hindi naman siya nasusuka or anything. Katunayan ay napaka gwapo pa nga niya.

Haysst. Matibay ito. Batang Bonakid

Agad akong lumapit kay Mark dahil na awkward ako pero tapos na rin siyang sumuka. Gayundin si Abi. Pagkatapos ng pagmamasid na pansin kung walang bintana o pintuan ang lugar na ito.

All white ang tema.

" Hello sa inyo!" Bati ng isang bata.
Bigla siyang lumitaw sa harap namin.

Nakatirintas ang magkabila niyang buhok. Nakasuot siya ng dilaw na dress at nakaknee socks with leather shoes. May pagkamestisa ang bata. Matabang pisngi at mapupungay na mata. Katamtaman lang ang ilong at talaga namang napakacute niya.

" Welcome to S.S.S.G!" Sambit nung bata.

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon