Chapter 30: Conflagration Tournament

18 1 1
                                    

" Saglit!" Biglang sumigaw si Kriziah.

At natigil ang pagcheer ng mga fwuends ko. (Pssh jejemon)

" Ano iyon Kapatid?" Tanong ni Alaisa.

" Patrol lider, disqualified dapat sila! Iyang babaeng iyan ay nanduga." Sigaw ni Kriziah.

Ka sunod nun ang pag-akyat niya sa itaas ng ring. Hatak hatak niya ang isa sa mga taga azure.

" Basahin mo nerd!" Utos ni Kriziah.
Nanginginig naman na binuklat ng taga azure ang libro. Pinaliwanag niya na disqualified ako kasi, ang naunang napili para maging rep. namin ay si Abi. At mayroon daw na ganoong rule. So siyempre nanalo ang Rubēre at automatic na kulelat ang patrol Sullen.

Napakunot ang noo ko. (Hmm di bagay). Unti unti pumatak luha ko. Siyempre naghirap ako dun sa ring tapos biglang ganoon.

Umakyat na si Kuya Kano sa ring. Lumapit din sa akin ang pinunong lider na si Venice.

" Huwag ka ng umiyak Kapatid para sa amin ikaw ang tunay na nagwagi." Sabi ni Kuya Kano. Sabay gulo sa buhok ko.

" Haysst sayang gusto pa naman kitang talunin. Pero siya tumahan kana. Hindi naman dito nagtatapos ang laban diba? May conflagration tournament pa. Tumahan ka na. " litanya ng pinunong lider.

Kinusot ko ang mata ko.

" Hindi naman ako umiiyak. Pinagpapawisan lang ang mata ko." Sagot ko sabay patakbong bumaba ng ring.

Pagkatapos noon ay nag-usap kami ni Abi. Sabi niya ijinail booth daw siya ni Kriziah para hindi makasipot sa laban at todo hingi ng tawad ang Lola mo. Teregye iyan sila pala ang nagcheating at hindi ako.

Pero hindi bale parte ng buhay ang pag momove on. Kaya pagbibigyan ko nalang sila tutal babawi kami sa conflagration tournament.

Lumipas ang mga oras na kung saan walang tigil na nagpalaro. May mga games din pala katulad ng volleyball at basketball dito. Kaso nga lang patuloy na kulelat ang sullen.

Mayroon pang pabilisan kumain kung saan nanalo ang Galbinus dahil sa pambato nilang si Patrol lider Alaisa na hindi ko rin sukat akalain na ganoon kalakas kumain dahil pagkaliitliit na tao este sui generis pala.

Maytug of war pa nga at soccer. Grabe ang Astig mistulang olympic games ang dating.

Iyong chosen 40 rep sa sullen ay hindi namin masyadong isinali sa mga games. Ayon kay Justin magandang taktika daw iyon para full energy daw kami mamaya.

Isang oras bago magsimula ang conflagration tournament ay nag punta na kami doon sa napili naming paglalagyan ng mga patibong.

Nagsipalit narin kami ng mga damit. Lahat kami ay nakapurong itim. May mga maskara rin kami sa aming bulsa pero mamaya pa namin iyon isusuot.

Pagpatak ng 5:00 pm ay pinaghapunan na kami sa campsite. 7:00 pm ay pinapila na ang bawat patrol sa harap ng entrance ng gubat.

Nagsalita sa harap si Professor Albert.

Ayon sa kanya ay may mga linagay daw silang mga nilalang diyan na pwedeng pwede kami mapatay.

At wala daw kaming dapat ikabahala dahil may piling 50 na estudyante mula sa patrol Galbinus na mag iikot at gagamot sa mga sugatan mula sa laro. Kilala naman kasi ang mga taga galbinus na sweet at kind hearted.

Psst pero iyong pinunong lider. Diba taga galbinus siya? Bakit parang ang rahas niyang tao.

So anyways in explain muli ng professor ang mechanics ng rules.
At idinagdag niya pa na absolutely no cheating daw with matching qoute pa na " try not to become a man of success but a man of value"

Teregye mukhang tatamaan ng bonggang bongga ang Rubēre dun ah.

Maya maya may nangingilid na ang luha dahil sa makabuhay espiritong qoute ni Albert Einstein. Sino pa nga ba? Edi si Mark Jester Dela Rosa na superfan ni Einstein.

At ayun binigyan kami ng minuto para makapagusap ng konti.

"Ngayon ay lalaban tayo. Lalaban tayo para sa dignidad at karangalan ng ating patrol na madalas inaapak apakan. Ibuhos ninyo ang inyong puso sa ating gagawin. Ipinalo natin ang ating patrol. At kung palarin man tayo huwag na huwag papasok sa inyong utak ang paghihiganti. Itrato natin sila ng ubod ng inam ng sa ganun ay magising ang kanilang puso at mapuwangan nito ang kabutihan.Ipakita natin sila that we are confidently beautiful heart." Bilin ni Kuya Kano.

Ibang klase rin pala mamuno ang lider namin na si Kuya Gary/ Kuya Kano kahit mahilig sa hello kitty si patrol lider talagang maasahan at mapagkakatiwalaan.

" Oh kapatid, tameme ka diyan? Ikaw na magsasalita." Sabi sakin ni Kuya Kano.

Huminga ako ng malalim.

" Fina Lee, Ariel Haipen, Tommy, Juan Wash, Cleane, Salabadah, Four, Josh, Steven Fifty. Bahala na kayo sa may alam niyo na ha!" Sabi ko sabay tapik sa kanila.

At ikaw na nagbabasa hindi ko sila grinupo dahil lang sa order ng pangalan nila na pwedeng bumuo ng jingle ng Ariel.

Dutz right nigga. Sila ay grinupo ko dahil sa kanilang mga kakayahan sa pakikipaglaban.

Silang lahat ay walang duda na mukhang mahihina. Well advantage iyon kasi mukha lang naman.

Sinanay naman kasi ni Justin ang mga chosen 40 na nakitaan niya ng potensyal. At idagdag mo pa doon ang mga patibong na ginawa ni Mark.

Na bagong imbento niya lang.
Lupet nga eh.

Tapos iyong powers ni Abi na makapagpateleport ng bagay mula sa ibang lugar ay advantage iyown.

" Okay guys cheer na tayo!" Sigaw ko.

Nagsimula kaming pumila at hinawakan ng maigi ang aming mga baril na may laman na mga paintball. Tumikas kami na parang mga sundalo at nagsimula akong sumigaw.

Anong patrol ang magwawagi?

Patrol Sullen!

Sino naman ang magpupunyagi?

Patrol Sullen!

Hanada na ba kayong makamit ang tagumpay?

Yaaah boom!

Nagtinginan ang ibang patrol sa amin. Duh?! Pers time ba nila makakita ng nagchecheer?

Sows.


Pero atleast naacomplish na namin ang pang unang plano. Intimidation bros. Intimidation.

Kailangan mabatid nila na iba na ang sullen ngayon. Kami ay parang kremtop. Change for the better na ang peg namin.

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan.

" Tapos na ang pag-uusap!" Sigaw ni Sir Hercules.

Agaran namang nagsitindig ang lahat.

" Simulan na ang Conflagration Tournament!" Sigaw niya.

Dagliang nagsitakbo ang mga patrol patungo sa kanikanilang kampo.



The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon