Chapter 20: Pinunong Lider?!

31 3 3
                                    

Pinagmasdan ko ang babaeng chinita. Nakata intimidate ang ganda niya. Sa paglakad niya alam mo na kung anong tipong siya ng tao.

Isang taong mataas ang dignidad at kagitingan o sa madaling salita. Isang LIDER.

Agad na naglakad patungo sa amin ang diyosa na chinita bago nagsalita.

" Anong kadahilanan at pinindot ninyo ang golden buzzer?" Tanong nung chinitang Diyosa sa apat na lider ng patrol.

Aysus wala talagang originality.
Ginaya pa ang mga girlscouts at boyscouts o Baka naman iyong girlscouts at boyscouts ang nanggaya.

Agad na sumagot si Eric sa katanungan

" Pasensya na po kung naabala namin kayo pinunong lider. Ngunit-"
Halos mautot ako sa kakapigil ng tawa ng narinig ko ang katagang pinunong lider. Pinuno na nga lider pa ahahahahaha. Kahit si Justin ay hindi napagiling mapangisi.

Naputol ang sasabihin niya ng magsalita iyong babae

" Nasa kalagitnaan ako ng pamamasyal sa Paris! Pagkatapos pasensya? Alam mo bang nakaapak pa ako ng tae sa kamamadali tapos kinailangan ko pang umakyat sa Eiffel tower mahanap ko lang ang portal pabalik sa S.S.S.G! Isang libong pushups!" Sigaw nung hahahahaha pinunong lider. Buwahahahaha.

Oo na Sige na ako na mababaw!

Biglang tumayo si Eric at nagsimulang mag push up. Lakas ng mga trip ng tao dito.

" 1,2,3,4,5,6,7,8,9,10,11,..." Bilang ni Eric mukhang tinutupad niya talaga iyong isang libong push ups.

Humarap sa amin ang chinitang diyosa. At ang nakasimangot niyang mukha ay biglang nag iba. Ngayon ay mega smile siya na akala mo ay contestant sa paputian ng ngipin. Hmmm lakas talaga ng sapak.

" Bagong dating lang ba sila sa S.S.S.G?" Tanong niya kay Alaisa.

" Opo pinunong lider. " sagot ni Alaisa.

" ibig sabihin isa sa kanila--"

" opo pinunong lider, may isang pumili sa kanila ng lahat ng libro." Dagdag ni Daniel.

Napagasp iyong pinunong lider.

" Hintayin muna nating matapos ang iba pa niyang kasama bago ako magdedesisyon" pasya ng pinunong lider.

Pumuwesto siya sa isang trono na binuhat ni Gary (pinuno ng sullen)

I smell something fishy. Base sa body language nila, halatang may something kay Gary at kay pinunong leader. Hehehehe. Babae ako I have instincts.

Anyways nagsimula namang mamili si Abigail.

Paglapit niya sa lamesa nag iba ang ekspresyon niya, tila naiiyak siya.

" Ngayon, mamili ka Kapatid san diyan ang pinakanakakatakot? " tanong ni Alaisa.

Biglang tumahimik. Well almost. Naririnig parin kasi ang pagbilang ni Eric habang nagpupush up. Nakakawa siya. Kalansay na nga na may acne tapos nagpupush up pa ng isang libong beses

" 86, 87, 88, 89, 90....." Sambit ni Eric.

" Lahat ng ito, nakakatakot." Sagot ni Abi.

Napawoaah naman ang mga tao/ sui generis.

Dahang dahang umalis si Abi.

" Mukhang Alam ko na ang nangyayari." Bulong ni Mark.

" At ano naman iyon?" Tanong ko.

" Magkakaiba ang nakikita natin sa cover ng libro depende sa character mo ang makikita mo. Kung ikaw ang tanong sa iyo ay alin ang pinakamahalaga, kay Abi ang pinakanakakatakot, malaki ang tiyansa na ang makikita ko sa choices ay alin ang pinakamatalinong desisyon." Paliwanag ni Mark.

Lumapit si Mark sa lamesa at ayon nga sa kanyang hypothesis. Ang tinanong sa kanya ay alin sa mga libro ang nagpakita ng pin aka mata lining desisyon. At as expected. Lahat din ang sagot niya.

" Kailangan ko ng mind reader!" Sigaw ni Gary na parang hindi makapaniwala sa nagaganap.

Maya maya pa ay may lumapit na isang mataba at maitim na lalaki. Singkit ang mata at nakapula siyang T-shirt na may tatak na Rubēre.

Mukha siyang hotdog. Halos pumutok na ang suot suot niyang T-shirt.

" Basahin mo ang nasa isip niya! To too bang lahat ng iyan ang pinili niya?" Tanong ni Eric dun sa mind reader na background character lang at sayang sa letra kaya huwag na natin siyang pangalanan.

Pumikit ito at gaya ni Red ay nakahawak siya sa sentido, pagkatapos ay pagmulat niya ay kulay green na ang mata.

" totoo ang sinasabi niya" sagot nung mind reader na butsog.

Tumango tango nalang ang limang pinuno.

Sumunod nanamili si Justin at nagulat ako ng malaman kung magkaparehas ang tanong sa amin.

At gaya ng akala ko pinili niya rin ang lahat.

Pagkatapos mamili ni Justin ay takang taka na talaga ang mga tao. Halos mabingi na kami sa bulungan at usapan. Akala mo ay isang malaking komosyon ang nagaganap. Nagsitahimik lang ang lahat ng tumayo sa upuan niya ang pinunong lider.

" Dalhin sila sa Principal. Siya lamang ang makapagpasya sa kung saang patrol sila dapat manatili." Utos ng pinunong lider

Agad naman sumunod sa pinunong lider si Alaisa. Humawak sa kanyang ang limang patrol lider at ang pinunong lider at sa isang iglap ay naglaho sila. Pagkatapos ng ilang Segundo ay lumitaw sa harap namin si Alaisa at kami naman ang humawak sa kanya at nagteleport kami.

..........................................................

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon