Chapter 16: Trip sa Quiapo

39 2 0
                                    

" Mark picturan mo ako dali!" Sigaw ni Abi. Nakaposing siya ng bongga sa may Quiapo church.

Si Mark naman ay tila labag sa loob na inilabas ang camera at pinicturan si Abi.

Nakakatuwa! Bagay talaga iyong dalawa. Isang sweet at cute na alien at isang taga earth na henyo. Perfect!

Maya maya pa ay lumapit sa akin si Mark. Inabutan niya ako ng kuwek kuwek at isaw. Oh tingnan niyo sakin lang siya sweet. Hahahaha

" Jaz oh." Sabi ni Mark sabay abot ni Mark ng isaw at kuwek kuwek.

" uy salamat!" Sabi ko Sabay hablot ng pagkain

" Ako wala?" Tanong ni Abi Sabay pout. Aba moment namin ah! Lakas umeksena.

Pero aminin ko bagay sa kanya yung pout.

" Eto bili ka." Sabi ni Mark Sabay abot ng pera kay Abi.

Bente pesos to be exact.

Etong si Abi ay nagpuppy eyes.
Tapos nagmamadaling pinagpipicturan iyong pera. Mukha siyang abnormal hahahahaha.

Sa sobrang pagmamasid ko ay hindi ko namalayan na kinakagat ko ang stick na ubos na ang laman.

" Jaz gusto mo pa ba ng pagkain?" Tanong ni Justin.

Napalingon ako sa direksyon niya. Aaaaah ang gwapo ni Justin!
Nakakabaliw. Hawak hawak niya ang dalawang supot ng isaw at yung isa ay kuwek kuwek.

Madalian akong tumakbo. Hindi pwedeng palagpasin ko ang pagkakataon!

Lumapit na ako upang sunggaban ang kuwek kuwek at isaw pero bago pa ako makatikim ng isaw ay nag ubo ubohan si Mark.

" Jaz, hindi pwede. Huwag kang kumain niyan. " sabi ni Mark

" eh bakit naman?" Tanong ko.

" Entamoeba histolytica. Iyan ang agent ng amebiasis. Mainly from unsanitary places. Karaniwan matatagpuan ang Entamoeba histolytica sa isaw. Baka magkamebiasis ka." Sabi ni Mark.

" Eh bakit ikaw binigyan mo siya kanina?" Tanong ni Abi. Mukhang nakisingit narin siya sa usapan.

Hindi nakasagot si Mark. Teka bakit namumula si Mark?

" Taa-ta-raa na!" Sabi niya with matching utal utal pa.

" Mark okay ka lang ba?" Tanong ko.

Tumango lang si Mark. Tiningnan ni Mark si Justin.

" sino bang maysabi na ibibigay ko ito kay Jazriel?" Sabi ni Justin.

Teka-- huwag mong sabihing...

" Tinanong ko lang siya kung gusto niya ng pagkain. Sinabi ko bang bibigyan ko siya ng isaw at kuwek kuwek?"

Napa aaaaaah nalang si Mark at Abi. Ako naman ay hindi naiwasang malungkot akala ko pa naman...

Haysst.

" Teka nga lang. Bakit ba napunta sa usapang kuwek kuwek at isaw ang convo na ito. Hindi ba nandito tayo para hanapin si Maria? Sayang oras" emote ko.

Napa oo nga face sila.

Taknida.

" Sundan niyo ako. " sabi ni Justin.

Sinunod namin siya st naglakad lakad kami hanggang sa matagpuan namin ang isang hulaan shop na namumukod tangi.

Parang isang maliit na barong barong.

May placard sa taas na nakalagay na:

P 100- hula sa love life
P 50- hula sa sagot sa test.
P 80- hula sa trabaho

Also available- Fortune lights, candies,Tsitserya , and many more!

Aba! Anak ng tokwa. Bongga ang nakaisip ng ganitong business.

" Oh ano pang hinihintay natin?" Tanong ni Justin.

" Tara pasok na tayo guys!" Sabi ni Abi. Tuwang tuwa pa ang shonga. Mukhang ganoon talaga kapag napupunta ka sa ibang planeta.

Pumasok na kami sa loob ng tent.
Pag pasok namin ay naamaze ako.

May mga jars ng preserve ng kung anong prutas. May nga orbs tsaka mga vodoo dolls. Aminin ko ay medyo natatakot ako. Feeling ko tuloy nasa harry Potter ako.

Bumungad sa amin ang isang matabang babae na naka messy bun.

Suot suot niya ang isang mahabang damit. Typical costume ng manghuhula. Mayroon siyang ngiting hindi basta basta matatapatan. Ang ngiting kontento.

Sa kanyang medyo makapal na kilay at matangos na ilong. Morena rin siya at mayroon siyang malaking kinabukasan. Mukhang sumakto ang kapangyarihan niyang future reader sa kanyang hinaharap.

Hindi ko man siya masyadong kilala alam ko na ang ngalan niya.
Maria.

" Oh Justin. Mukhang nagkatotoo nga ang prediksyon ko. Bibisitahin mo ako kasama ang susi." Sabi ni Maria.

Tapos nag gesture siya na umupo daw kami. At tila tadhana dahil saktong saktong ang upuan sa aming apat.

" Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Tanong ni Maria.

" ayon sa iyong habilin ay hanapin namin ang S.S.S.G hindi ba?" Tanong ni Justin.

Tumango naman si Maria.

" Kung ganoon nalalaman mo ba kung nasaan ang portal patungong Phobos?" Tanong ni Abi.

Ngumiti si Maria.
Sa halip na sagutin niya ang tanong ni Abi ay inalok niya ito ng hula.

" gusto mo bang hulaan kita?"tanong niya kay Abi.

" Aah huwag na po wala akong pera." Sabi ni Abi.

" Eh ikaw?" tanong niya sa akin.

Nag isip ako panandalian. Tapos tumingin ako kay Mark with matching puppy eyes at pout kahit alam kung mukha akong pato.

" Oo na Sige na! Ako na ho ang magbabayad sa hula. " sabi ni Mark sabay patong ng 100 pesos sa lamesa ni Maria. Napangiti naman si Maria.

" hmm simulan na natin!" Excited na sabi niya sabay tingin sa mata ko.

Biglang nag kulay asul ang mata ni Maria.

" Dadaan ka sa isang Mall." sabi ni
Maria.

" Mall?!" Sabay sabay naming sabi nila Mark, Abi at Justin.

" Oo, sa isang mall. Pagkatapos ay papasok ka sa cr ng men." Sabi ni Maria.

" Teka anong klaseng hula iyan? Grabe naman po kayo sa akin! " sabi ko.

Tumawa ng parang baliw si Maria.

" Hmm nandito kasi ang portal papuntang mars. Kasama mo nga iyang kulot Saka iyang bf mo. Ah mukhang nandito rin si Justin. " sabi ni Maria.

" Hindi ko po boyfriend si Mark!" sabi ko

" Oo nga naman magkaibigan lang po kami." Sabi ni Mark.

" May sinabi ba ako? Ang sabi ko bf as in best friend. Mga mahinang klase kayo. Hahahahaha" sabi ni Maria.

Ngunit napatigil siya sa pagtawa at nag iba ang ekspresyon niya. Nanginginig na siya ngayon habang nakatingin sa mga mata ko.

" Digmaan! Digmaan! " napatigil siya sa pagsasalita. Umiiyak na siya ngayon. Anong nakita niya sa mata ko?

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon