Dinala ako sa Jailbooth. Madungis na ang mukha ko. May kaunting galos siyempre nadapa. Mukha akong galing Gera at haggard ang Lola mo
Ipinasok nila ako sa may Jailbooth na gawa sa bakal?! Aba ang laki ng pondo nila ah. Sa school namin tinunukod na kawayan lang at pwedeng pwede ka umalis anytime.
Pagkapasok ko doon. Na pansin ko na iisang tao lang ang nasa loob ng jailbooth.
Nakasandal siya sa pader at tahimik na pinagmasdan ako.
Ang lakas ng pintig ng puso ko. Shemay to the max.
Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.
Pero ramdam ko na tinititigan niya ako.
Daniel?! Ano nanaman bang trip niya? Ako ba ay nag-aasume lang ba? O sinadya niya na magkasama kami dito ng kaming dalawa lang?
Naka blood red T-shirt siya na may tatak na Rubēre. Sa may belt niya nakasukbit ang dalawang baril.
Medyo nanginginig akong umupo sa sulok at nagsimulang maghintay kung may tutubos pa sa akin.
" Jazriel, kailangan nating mag-usap." Saad ni Daniel.
Garalgal ang boses niya. Halatang nagpapanic siya.
Pero sa halip na ang masayahin kung mukha ang bumungad sa kanya ay tila nagseryoso ang ekspresyon ko. Bihira lang ako magseryoso. At ngayon nakuha ni Daniel ang atensyon ko dahil sa likod ng utak ko ay tila may sumisigaw at sinasabing Importante ang sasabihin niya.
" Totoo bang napapaniginipan mo ako?" Tanong ni Daniel.
" Papano mo nalaman?"
" Hindi na mahalaga iyon. Sagutin mo na lang ako."
Walang halong Biro na sinagot ko siya.
" oo, sa panaginip ko ay may lalaking kulay violet ang mata o purple. Haysst basta ang main point dito ay may sinasabi siya na hindi ko maintindihan. Sabihin mo sa akin, nagkita na ba tayo nung bata pa tayo?"
" Sanggol pa lamang ako ay dinala na ako sa S.S.S.G at dito na ako lumaki at sinanay makipaglaban. Buong buhay ko ay narito lamang ako sa lugar na ito. At sa pagkakaalam ko ay sa Earth ka nangaling diba? Kaya imposible ang sinasabi mo. Pero may bata rin sa panaginip ko. May pilat sa may gilid ng mukha at may sinasabi siya pero hindi ko maintindihan." Sagot ni Daniel sa akin.
Kung gayon sino iyong batang lalaki sa panaginip ko? Hindi siya iyon? Sino iyong batang may pilat? Ano bang sinasabi ng mga batang ito sa panaginip namin na hindi ko maalala? Teka- maalala? Posible kayang may nakalimutan ako? Bakit habang tumatagal mas dumarami ang katanungan sa lintek kung isip?
" Mag-iingat ka sa paglalakbay mo upang mahanap ang prinsesa. Hindi ko alam kung hanggang kailan maikukubli ng S.S.S.G community ang presensya ng misyong ito Kay Charleston. Kaya sana pag-ingatan mo ang buhay mo. " pahayag ni Daniel.
Hindi parin siya nakikipag eye contact sa akin.
" Salamat"
Boooogsh!
Biglang tumilapon ang pintuan at agad akong umiwas.
Pumasok ang liwanag sa jailbooth at lumitaw ang nakakatakot na ekspresyon ni Justin. Mukhang pinasabog niya ang pintuan.
Alam niyo Mas nakakatakot pa siya Kay Hitler. Inilabas niya ang isang posas at pinosas niya ako sa kanya.
Pagkatapos ay tiningnan niya si Daniel ng isang mapamatay na tingin.
" Sa susunod huwag ka ng alis mag isa. Baka may manamantala sa iyo at gamitin nila ang kanilang pagiging katungkulan para masolo ka" Galit na sabi niya.

BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Bilim KurguSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...