Nakasakay kami ngayon sa lumilipad na kotse ni super lolo. Busy si Mark sa katatype at ako naman ay lumalapang ng pagkain. nasa front seat si Justin.
Kitang kita ko ang mga pasa ni super lolo at ni Justin.
Bakit? O eto flashback.
~•~
Biglang sinapak ni Justin yung matanda.
Agad itong nakaiwas pero dahil sa bilis ng sumunod na suntok tinamaan ang matanda sa bagang.
Hindi ito bumagsak at sa halip ay gumanti naman ng sipa pero naiwasan din ito ni Justin. Pero isang suntok na nagmula sa kanan ang isinunod ng matanda.
" Bakit hindi ka na lang ba maniwala sakin? Ako si Red!" Sigaw ni super lolo.
" linoloko mo ba ako? Patay na si Red. At hindi siya matanda tingnan." Sigaw ni Justin sa pagitan ng laban nila.
" Gnalikad slapuk yam Reverof!" Sigaw ng matanda. Kasabay noon ang pagbagsak ng matanda dahil hindi niya na nailagan ang suntok ni Justin.
Nalaglag ang pustiso niya sa lupa.
Nakaupo ang matanda sa lupa habang nakatutok ang baril ni Justin sa kanya.
" Ulitin mo ang sinabi mo" sabi ni Justin
Napailing ang matanda bago sinuot muli ang pustiso.
" Gnalikad slapuk yam Reverof!" Sigaw ng matanda pero ngayon ay Mas malakas.
" teka ano daw?" Tanong ko kay Mark.
" binaligtad nila ang katagang ito dakilang kupals may forever. " sagot ni Mark.
Putcha henyo talaga.
Pero moment ito nila Justin at ni Super lolo.Ibinanaba ni Justin ng dahan dahan ang baril niya. Bakas ang gulat sa mukha niya. Inilagay niya ang baril niya sa bulsa sabay inabot ang kamay niya kay super lolo.
Itinayo niya si super lolo. Nagkatinginan sila sabay nagyakapan saka tinapik ang likod ng isat isa.~•~
So papunta kami ngayon sa sinasabi ni Justin na friend niya na nakatira 1 light year away.Nakasakay kami ngayon sa lumilipad na kotse ni super lolo. Busy si Mark sa katatype at ako naman ay lumalapang ng pagkain. nasa front seat si Justin.
Kitang kita ko ang mga pasa ni super lolo at ni Justin.
Nagtatawanan sila habang nagdradrive si super lolo.
" nga pala bakit ka napapadpad sa Earth? Huwag mong sabihing naka kita ka nanaman ng isang sui generis at binantayan mo. " wika ni super lolo.
" Parang ganon na nga. Pagkatapos mong magpatay patayan eh naglagi na lang ako sa earth . saktong nakilala ko ang isang katulad nating sui generis. Binantayan ko siya " sagot ni Justin.

BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
SciencefictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...