" Good afternoon po professor Albert" bungad ni Venice.
Sa matandang lalaki na medyo panot. Sa magkabilang gilid lang kasi ito may buhok pero sa bumbunan na ay naubusan na ito ng buhok nakayuko ito kaya hindi ko agad napagmasdan ang kanyang mukha.
Sa halip ay iginala ko ang aking paningin sa kwarto. Punong puno ng calculations ang dingding. Nagkalat ang mga pakete ng candy, tsitserya at mga pakete ng apple juice.
Mayroon ding mga lumang paintings na halos magwala si Mark ng makita niya ang mga ito.
" Papanong napunta rito ang painting ng Mona Lisa at The last Supper ni Da Vinci? " tanong niya sa nakatalikod na professor.
Pero agad siyang sinikmuraan ng pinunong lider na si Venice sabay ipinadapa at dinaganan
" Wala kang galang! Siya ang principal namin at ang pinakapinuno ng lahat." Sabi ng pinunong lider.
Agad naman akong bumunot ng baril mula sa bag ni Justin. Si Abi ay out of nowhere ay kinuha ang boomerang niya sabay tutok kay Venice. Si Justin ay tila walang paki sa nangyayari.
" Bitiwan mo si Mark o masasaktan ka? " banta ni Abi.
" At sino ka para mag utos sakin? Kayang kaya ko kayong patumbahin anumang oras." Sabi ni Venice.
" Hahahahaha, hindi naman gumagana ang kapangyarihan mo sa loob ng facility na ito." Sabat ni Mark.
Muli siyang sinikmuraan ni Venice sa pamamagitan ng baril niya at bigla ako napuno ng galit.
Si Justin naman ay napatingin na at tila nabwisit narin siya. Tulog ba ang professor Albert na iyan at hindi niya naririnig ang komusyon?
" bitiwan mo si Mark kung hindi pasasabugin ko ang maganda mong mukha." Banta ko
Napatawa ng mahina si Venice.
" Maniniwala na sana ako kung hindi ka nanginginig habang hawak ang baril. Malaki pa nga ang tyansa na hindi kapa marunong gumamit niyan." Asar niya.
Bigla akong namula sa inis.
Puno ng galit at emosyon ay inutusan ko siya." Bitiwan mo si Mark" sabi ko. Tiningnan ko siya sa kanyang mata at parang himala dahil binitiwan niya si Mark at dahang dahan na tumayo.
Akala mo ay nahypnotize siya na ewan. Pero parang shonga lang na biglaan muling sinnungaban si Mark.
At nakarinig kami ng malakas na paghikab.
Inangat ko ang ulo ko at halos matumba ako sa kintatayuan ko ng makilala kung sino ang professor nila.
Albert Einstein?!
Humihikab pa ito. At nagiistrech pa.
Narinig ko ang paglagatok ng buto niya. Ay naku! Nakakilabot. Pagkatapos ay umutot si Albert Einstein.Omeegee nakakamatay!
Tumango tango naman si Albert Einstein habang kinakalikot ang iphone niya.
" Magmumukha nang youporn ang facebook ko.Andaming nagpopost ng picture nila na kita cleaveage tapos ang caption no bad comment please? " Himutok ni Albert Einstein.
" oo nga po eh, akala mo banal iyong suso nila! Kung I display nila wagas. Ano iyon hinuhugasan ng holy water bago picturan?" Saad ko napatigil sa pag iiscroll down si Professor Albert Einstein. Tiningnan niya ako at biglang nag iihit sa katatawa.
" Hahahahaha! Tama nga--. Teka sino ka?"
" Ako po si Elise Jazriel Soriano aka Jaz. " sagot ko.
" Anong patrol mo iha?" Tanong niya sakin.
" Mawalang galang na ho proffesor pero---" biglang nagsalita si Venice. At pinakawalan niya si Mark
" Aah Venice nariyan ka pala at aba may mga kasama ka sino sila?" Tanong ni Albert Einstein.
" Sila po ang mga bagong salta professor. Dinala ko sila rito upang hingin ang inyong pasya ukol sa kung san silang patrol dapat manatili dahil pinili nila ang lahat ng libro sa initiation" paliwanag ni Venice.
Nakakainis itong Venice na ito parang kanina lang muntik na kaming magpatayan tapos ngayon para siyang anghel kapag kausap si Professor Albert.
" Ano?! Imposible!" Sigaw ni Albert Einstein gayunpaman ay nakatingin parin siya sa screen ng iPhone 6 niya.
Oo take note ha IPhone 6.
" ako man po ay hindi makapaniwala professor." Saad ni Venice.
" Iyong kathniel inendorso si Mar Roxas!" Sigaw ni Albert Einstein.
" Professor!" Iritang sabi ni Venice.
" Ano nga ulit iyon? Pasensya kana iha."
Naningkit ang mata ni Venice at iyong ekspresyon niya ay tila hindi makapaniwala na ang lalaking ito ang ginagalang niya. Muli niyang ipinaliwanag sa Professor na pinili namin ang apat na libro at hindi nila Alam kung saang patrol kami mabibilang.
Hahahahaha lakas makadivergent.
" Venice anong patrol ang pinakamahina?" Tanong ni Professor Albert.
" Sa ngayon po ang Sullen ang pinkamahina." Sagot ni Venice.
" Ilan ang miyembro ng bawat patrol?" Tanong muli ng professor.
" Ang azure po as of now ay 300, Ang galbinus po ay nasa 300 din. Ang Rubēre naman po ay nasa 350 at ang Sullen ay 265." Paliwanag ni Venice.
Biglang naglabas ng marker si Professor Albert at nag calculate pader.
" Sige, Venice italaga mo muna sila sa Sullen." Utos ni Professor Albert.
Yumuko naman si Venice at nagwika." Masusunod po Professor"
Pagkatapos noon ay sumenyas siya sa amin na lumabas daw kami.
" Hindi, Venice maiwan silang apat kailangan ko silang makausap." Utos ni Albert Einstein.
Tumango nalang si Venice at tahimik na lumabas ng silid. Naiwan naman kami dito na medyo naawkward. Ibinaba niya na ang iPhone niya at tumingin sa aming apat.
" Bago ang lahat nais ko munang magpakilala sa inyo, ako nga pala si Albert Einstein ang principal at ang namumuno sa bulong S.S.S.G." pakilala niya.
" Ngayon gusto kung narinig mula sa inyo mismo. Nararamdaman kung tatlo lamang sa inyo dito ang tunay na sui generis. Bibigyan ko kayo ng oras upang magpaliwanag at isipin na hindi kayo espiya. At kung hindi niyo maipaliwanag ng maayos. Papatayin ko kayong apat" sabi niya.
....
.........
......................
...........
..
..
.
..
.
.
BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Ciencia FicciónSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...