" Oh.Magkuwento kana" sabi ko.
Halos tatlong minuto na rin akong nakatunganga at naghihintay sa kuwento na sasabihin ni Justin.
" Ah eh. Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan. " sabi ni Justin.
Napataas ang kilay ko.
" eh bakit kay Mark naikwento mo?" Tanong ko.
" Si Mark kasi matalino eh kaso iba ka kasi." Sambit ni Justin.
" Sinasabi mo ba na masyado akong bopols para maintindihan ang kuwento mo ha?!" Tanong ko.
" O Sige na nga. Once upon a time.."
Naputol ang sasabihin ni Justin dahil sinalubong siya ni Mark ng isang matunog na halakhak." Hahahahaha, parang sinasabi niya na pang elementary ang level mo Jaz kasi sinimulan niya sa once upon a time hahahahaha." Sabi ni Mark sabay hampas sa akin.
Pagkatapos ng litanya niya ay bigla siyang binato ni Justin ng kutsilyo.
Nanigas lang naman si Mark pero hindi siya tinamaan.Binigyan niya ng makhulugang tingin si Mark. Na huwag kang sasabat look.
Nagtaas naman ng kamay si Mark na akala mo ay sumusurender sa pulisya bago kunwariang izinipper ang bibig at tumahimik.
" Once upon a time nagkaroon ng planetary conjunction. "
" Teka lang ano iyong Planetary conjunction?" Tanong ko.
Ang alam ko lang kasi magandang tingnan iyon sa telescope.
Ngumisi naman itong si Mark. Eto ang gusto niya eh nagpapaliwanag.
" Ang planetary conjunction ay ang pagkakapantay pantay ng mga planeta sa ating solar system. Katunayan bihira lang daw mangyari ang phenomena na ito. Ayon kay Justin. ito daw ang dahilan ng pagkakabend ng dimensions upang magkaroon ng wormhole and in case you don't know what a wormhole is hole or tunnel in outerspace that
some people believe connects two very distant places " paliwanag ni Mark.Naiintindihan ko naman siya. Kahit medyo sisinto sinto ako eh magaling naman ako sa science kaso nga lang medyo naguluhan na ako sa bandang huli medyo hindi ko na maintindihan dahil pangalan
na lang ni Justin ang naririnig ko.Pero naputol ang sumpa ng kuwanin ni Justin ang baril niya at binaril si Mark. Umilag naman si Mark kaya tinamaan ang telescope ko.
" Huhuhu yung telescope ko. "
Iyak ko. Mahal na mahal ko pa naman iyan. Bigay iyan ni papa." Hala Justin lagot." Gatong ni Mark.
" Isa ka pa! Parehas lang kayo." Sabi ko
" Sorry na pala. " sabi ni Mark sabay peace sign na aaminin kung lalong ikinagwapo niya.
Tiningnan ko si Justin. Nakaupo lang siya sa sofa namin. Ang sama di man lang mag sorry.
Pero kahit ganoon gwapo parin:)
Maya maya pa nag iba ang expresyon niya at nagmamadaling
tumatakbo papalapit sa amin at idinapa kaming pareho. Bumagsak ako sa dibdib niya pero malas si Mark dahil sa sahig siya naplakat.Biglang nagkabutas butas ang bahay namin ng dahil sa lasers.
" Bakit mo kinalimutan iyong force field? Ang tanga tanga mo naman. " sigaw ni Justin at halatang nangagalaiti.
" Ang yabang mo naman! Halos lumuwa na nga ang mga mata ko katututok magdamag sa computer tapos ngayon sisigawan mo ako. Aba ayos Karin ah!" Sigaw ni Mark.
hala nag away pa! Jusmeyo por favor. Huhuhu nakakaistress talaga.
" Guys, kumalma nga kayo. Kundi pareparehas tayong mamatay. " sabi ko.
Tiningnan ako nung dalawa na sa iyo pa nang galing iyan look.
Dahil pagkasabi ko noon ay halos maging labanos na ako sa putla at mukhang tatakas pa ang eyeballs ko sa mga mata ko sa sobrang panic.
Kasabay noon ay ang pagtulo ng dilaw na likido na gawa rin ng pag iyak ko.
Nagtawanan ang dalawa Sabay apir.
Magaling ang aking dilaw na likido nakakapagbati ito ng mga tao.
Pagkatapos ng mga tatlong Segundo ng tawanan ay nagbalik siguro sa realization nila na may kalaban kaming kinakahaharap.
Nagmamadaling tumayo si Justin habang iniilagan ang tama ng mga lasers.
Sobrang galing! Akala mo ay nakasurvive na ng digmaan.
Agad siyang pumunta sa lamesa at nagmamadaling binuksan ang isang sphere na nagpa freeze ng lahat. Yung tipong alam mo yung nangyayari pero sadyang hindi ka makagalaw.
Nagmamadali niyang isinilid ang mga gamit sa bag.
At alam ko kung sino ang mga nagmamay ari ng mga bag na iyon.
Pink na Adidas- Ako
Black na hawk- Justin
Blue na Jordan- MarkPagkatapos ng mabilisang pag iimpake ay agad na nagpaputok ng baril si Justin. Baril dito, baril doon. Halatang sanay siya sa ganitong buhay.
Pagkatapos noon ay wala ng nga kalaban. Lahat naubos dahil sa isang tao. Si Justin.
Oh my gulay ang gwapo! Tiningnan niya kami ni Mark na parang sinasabi na tumayo na kayo. Agad kaming tumayo at pinagpagan ang sarili. Medyo trying hard paring huminga. Kinuha namin ang mga backpack namin at isinukbit ito.
Magsasalita pa sana ako pero biglang may narinig kaming high pitched na nakakabibinging sound.
Pagkatapos noon ay naging mapayapa na." Tara na!" Sabi ni Justin

BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...