Chapter 15: Portalet

35 3 2
                                    

" Seryoso ka ba?" Tanong ko kay Abi.

Baka kasi nagbibiro lang siya eh.

Pero walang emote na ngumiti sakin si Abi.

" oo" sabi niya.

Shemay!

" Mababasa tayo!" Palusot ko.

Hoooooo! Sana lumusot. Ayaw kung tumalon. Nakakaloka kaya iyong taas.

" Ganoon talaga! Parte iyan ng paglaki. " gatong ni Justin na mukhang excited din.

Anduga talaga!

" Teka paano iyong mga gadgets natin saka damit! Baka malunod tayo. Huwag na lang tayong tumalon." Sabi ko.

Totoo niyan ay mabilis akong malula kaya pinipilit ko si lang huwag tumalon. Hindi na nga ako makahinga ng maayos.

" Mataas ang antas ng teknolohiya namin. Ultimo damit namin waterproof. " sabi ni Abi.

Napa tsk na lang ako.Pero sumabat narin si Mark.

" Teka paano kami? Mababa lang ang antas ng teknolohiya namin. Aping api kami to the max dito ah." Depensa ni Mark.

Hindi na makasagot si Abi. Marahil ay hindi niya kayang sagutin si Mark. Wala eh type niya.

" Problema niyo na iyon. Kung hindi kayo tumalon edi maiiwan kayo sa planetang ito." Sabi ni Justin.

Kahit suplado siya gwapo parin! Tumutulo na yata ang laway ko!

"Oh puwes ano pa ang hinihintay natin? " tanong ni Mark. Pero halatang napipilitan.

" Ako na mauna!" Sigaw ni Abi

Ngumisi siya Saka hinawakan ng maigi ang backpack niya.
Tapos tumalon siya na super easy peasy lang.

Nag hoooo pa si Abi pero kung ang inaasahan mo ay malaking splash ay nagkakamali ka parang tumagos lang siya sa kawalan.

" hmm mukhang matalinong desisyon ang pagtalon. " sabi ni Mark bago tumalon sa tubig.

Nagkatinginan kami ni Justin. Aaaaah kilig!

" oh ikaw na mauna. Ladies first " sabi ni Justin.

Anak ng tokwa! Iniisahan ako ng isang ito! Palibhasa gwapo.

" Hindi aah. Ikaw na." Sabi ko.

With matching push. Galawang breezy hahahahaha.

" Huwag na ikaw na." Sabi ni Justin. Na may halong tulak.

" Hindi nga ikaw na" sabi ko.pero this time medyo malakas na.

Tumahimik siya saglit. Pagkatapos tiningnan niya ako.

Hohohohoho?

Bigla niyang hinatak ang kamay ko at sabay kaming tumalon.

Alam niyo iyong feeling na biglang bababa iyong sinasakyan mong roller coaster at parang nahahatak ang kaluluwa ko pababa.Iyan ang naramdaman ko.

Halos lumuwa na nga ang eyeballs ko.

Pero ng malapit na kami sa tubig ay nagpaka Alice in the wonderland ako.

Upside down pa ang peg ko. Ngunit kagimbal gimbal ang nakita ko. Isang eksenang nakatataas ang balahibo at kinain mo dahil masusuka ka. Makapigil hininga dahil baka pagsisihan mo kapag nalanghap mo.

Anak ng tokwa anong ginagawa namin sa portalet na ito?

Ngunit bago pa ako makapaginarte ay tila umayon ang tadhana dahil nakaupside down kami ay hindi kinaya ng gravity.

Mashoshoot sana ang ulo ko sa inidorong puno ng tae ng ibat ibang tao at ibat ibang kinain.

Pwede na nga rin akong gumawa ng fifty shades of Red na libro dahil ibat ibang kulay Red ang likido dito.
Bigla ko tuloy naalala si Red, Si Erika Saka si Laurence. Sana ayos lang sila.

Pero bago tuluyang lumayo sa topic ay magbalik muna tayo sa main subject ng chapter na ito.

So ayon nga muntik mashoot ang aking dyosang ulo. Mabuti na lamang at sinalo ako ni Mark na nasa loob rin pala ng masikip at mabahong portalet. Naroon si Abi. Na naka takip sa ilong.

Nasalo ako ni Mark ng pa bridal style. Hindi ko maiwasang mapangiti. Walang duda super sweet talaga sakin ni Mark.

Pero napababa ako sa buhat ni Mark ng maramdaman ko ang matalim na tingin ni Abi sakin.

Nag peace sign naman ako.

" Umalis na tayo dito." Sabi ni Justin.

Nagmamadali kaming lumabas ng portalet at doon ay nadatnan namin ang isang batang babae na nakanganga.

At paglabas namin ay ubod pala ng liit ang portalet kung titingnan sa itsura. Pero sa loob ay sobrang laki.

Lumapit ako dun sa nakangangang batang babae at isinara ang bibig niya. Nag shhh sign naman sila Abi, Mark at Justin. Pagkatapos ay nagwalk out kami sa lugar na iyon.

Iyong usok, iyong traffic. Iyong ingay! Walang duda nasa Maynila kami.

Ka pansin pansin ang nagtatasang building at mga basura.

Pinagplanuhan namin ang susunod naming gagawin upang makapunta sa Phobos.

Nagsalita naman si Justin at sinabi niya sa amin ang plano niya. Umoo na lang kami sa plano niya.

...........

Sumakay kami ng jeep at nagdesiyon na pumunta sa Quiapo.
Eto ang plano niya eh.
Pagkasakay namin ng jeep ay pinagtitinginan kami.

Mukha kaming wierdo sa mga suot namin.

Nakalimutan ko nga palang sabihin na naka pang alien clothes kami.
Tapos may bazooka pang sukbit sukbit si Justin.
Ayoko ng I describe ang malacosplayer naming mga suot. Mahirap na baka makabawas pa sa pagiging simple walang arte image ko. Hahahaha

Nga pala nakakandong ngayon si Abi kay Mark. Malaki kasi iyong naoccupy na space ng bazooka ni Justin. Namumula pa etong si Abing kulot. Maduga! Ako dapat iyong kinikilig ngayon eh! Kasi ang original na usapan ay ako ay nakandong kay Justin. Pero okay narin. At least katabi ko si Justin my loves ko.

" Anong gagawin natin sa Quiapo? " tanong ko.

" Pupuntahan natin si Maria." Sagot ni Justin.

" Ah iyong matabang manghuhula! Diba siya yung nakakakita ng future?" Tanong ni Mark.

"pssh Mark diba manghuhula edi talagang nakakakita ng future. Tseh common sense" bulong ko

" Siyang tunay" Sagot naman ni Justin sa katanungan ni Mark.

" Ano namang maitutulong niya sa atin?" Tanong ni Abi.

Huminga ng malalim si Justin.

" Baka may alam siyang portal sa Earth patungong Mars. " sabi ni Justin.

Nagsitinginan ang mga tao sa jeep samin.

Nakalimutan namin iyong fact na nasa public transportation kami. Isa pa hindi ko na kailangang maging si Red para malaman ang nasa isip nila. Mukhang alam ko na kung anong laman ng mga isip nila.

" takas mental siguro ang mga batang eto "

The Planetary ConjunctionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon