Kinabukasan ay na gising kami sa isang malakas na vibration.
Iyong tipong parang alarm clock pero magnetic ang sound niya. Iyon ang hudyat na magsisimula na ang Conflagration tournament.
Nagtungo kami sa isang malaking open space kung san pinapila ang mga patrol.
Lahat ay naguusap tungkol sa kung ano anong kaetchosan tungkol sa magaganap.
Pinagmasdan ko ang paligid. Sa harap ay naroon ang isang mahabang lamesa kung san may mga nakaupong matatanda.
Ang nakaupo sa pinakadulong kanan ay nakasuot ng simpleng t-shirt pero pinatungan niya ito ng night robe. Mukha siyang lassengo. Sa tingin ko ay nasa kalagitnaan siya ng kanyang ikatatlumpo. Blondie ang peg niya at malago ang kanyang bigote.
Sa tabi niya naman ay isang matanda na nakatight bun. Kulay gray ang buhok niya at nakasuot siya ng isang dress na itim. Mahaba ang manggad nito at walang kuwelyo. Kahit may katandaan na ang matanda ay hindi makakaila ang kanyang ganda.
Pssh hot mama.
Sa tabi ng matandang babae ay nakaupo ang isang lalaki na sa tingin ko ay nasa eighteen pa lang. Hawak hawak nito ang kanyang makapal na libro at may suot siyang reading glasses. Grabe ang gwapo niya! Moreno at katamtaman ang laki ng itim niyang mata. Tapos iyong ilong ang tangos! Pero Mas gwapo pa rin si Justin!
Sa tabi ng gwapong nilalang ay isa namang huhuhu! Seryosong matanda na sobrang nakakatakot! Naka Sara lang ang bibig niya at mukhang lalapa ng tao. Nakasuot siya ng pang military outfit.Puno ng medals ang kanyang damit. Mukhang general. Brrr. At siyempre ang cool niyang moustache na pang music video ng a little bit of Monica o di kaya ay Mr.Swabe.
Sa tabi naman niya ay isang babae na pink overload. Pink ang lahat ng suot niya.Kulay itim ang buhok niya at mukha siyang mabagsik na chakadoll. Iba na agad ang impresyon ko sa kanya. Parang may pakiramdam ako na hindi kami magkakasundo.
Anyways itong si Mark ay mega paliwanag sa kung sino sino ang mga nakaupo sa harap. Sila daw ay mga teachers dito at sila ang nagtuturo sa mga sui generis.
Astig nga eh.
Iyong mukhang lassengo, ang pangalan daw nun ay si Sir Hercules. At oo, totoo siya. Hindi na ako nagulat. Kung si Albert Einstein nga narito at buhay na buhay. Si Hercules pa kaya?
Iyong chix kahit matanda na ay si Mam Earheart. Kilala niyo ba iyong babaeng unang nakapagpalipad ng eroplano across the Atlantic? Tentereeen! Siya iyon! Si Amelia Earheart. Ayos talaga.
Iyong gwapong binata na naka glasses.( oh sheet) siya lamang si EJ.aka Emilio Jacinto! Kung hindi niyo siya kilala ay hindi ka Filipino at para sa mga natulog noong panahon ng history class nila. Si Emilio Jacinto ang utak ng Katipunan.
Iyong katabi naman ni Emilio Jacinto na mukhang military general. Drumroll please! Tentenen tenen. Siya lamang ang nag-iisa at one and only. Adolf Hitler.
At pahuhuli ba ang pink overload naukhang chackadoll. Siya daw si Mam Rosemeth Goo. Oh di pamilyar? Ako rin ay medyo naguluhan. Puro legendary kasi iyong mga teachers tapos siya well medyo di famous.
Buti na lang ay may pinahabol itong si Mark na explanation. Si Rosemeth Goo ay ang tunay na katauhan ng author ng Mother goose rhymes. At siyempre ang titulong mother goose ay anagram ng kanyang tunay na pangalan. Kapag iniba mo ang ayos ay mauuwi ka sa pangalang Rosemeth Goo.
At sa wakas ay dumating na ang pinunong lider. Nakangiti siyang umakyat ng entablado at may ikinabit na kung anong magnetic device sa leeg niya.

BINABASA MO ANG
The Planetary Conjunction
Science FictionSi Jazriel Soriano ay abnormal. Hindi siya ordinaryo, or atleast iyon ang sinasabi nila Justin, Abi, Mark at ng mga aliens. Mula sa pagiging typical na estudyante na ang tanging problema lang ay love life at pag-aaral ay natagpuan niya ang ang kany...